Thursday, February 15, 2024

Isa

Binigyan ng House Committee on Public Order and Safety ng 5-araw na “furlough” ang mga pulis ng Southern Police District o SPD na una nang na-contempt ng komite at naka-detine sa Batasan Complex. 


Matatandaan na ang mga pulis ay isinasangkot sa umano’y kwestyonableng pag-aresto, detention, robbery-extortion sa ilang babaeng Chinese nationals sa lungsod ng Paranaque noong Sept. 2023. 


Sa pagdinig ng komite ngayong Martes, inaprubahan ang mosyon ni ACT-CIS PL Rep. Erwin Tulfo para sa 5-araw na furlough ng mga pulis-SPD para gawin ang mga kailangan nilang gawin at para na rin makapiling ang pamilya o mahal sa buhay sa Valentine’s Day. 


Isinulong ni Tulfo na masimulan ang furlough bukas (Feb. 14) at magtatagal hanggang Linggo (Feb. 18). 


Ayon naman kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng komite --- dapat bumalik ang mga pulis sa itinakdang petsa dahil kung hindi ay mag-iisyu ang komite ng warrant of arrest. 


Dagdag ni Fernandez, huwag sanang maliitin ang desisyon at tiwalang ibinigay ng Public Order committee sa mga pulis. 


Sinegundahan ito ni Tulfo at sinabing dapat talagang bumalik ang mga pulis sa Lunes, dahil sa Martes ay pag-uusapan naman kung ili-lift na ba ang contempt order laban sa kanila.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home