BIYAHENG TACLOBAN
Bumiyahe patungong Tacloban City ngayong araw si House Speaker Martin Romualdez upang gunitain ang ika-siyam na taong anibersaryo ng bagyong Yolanda ang pinaka matinding trahedya at sakuna na naranasan ng mga taga Tacloban.
Ayon kay Speaker Romualdez ang mga aral o leksiyon na natutunan mula sa nasabing trahedya ay magsisilbing gabay ng gobyerno sa patuloy na pagresponde sa mga kalamidad.
Binigyang-diin din ni Speaker Romualdez ang kapasidad ng mga Pilipino na sa panahon ng sakuna ay nagkakaisa at nagtutulungan.
Ang paggunita sa Yolanda anniversary ay pagbibigay pugay at pag-alay ng dasal sa mga nasawi sa nasabing trahedya.
Punto ni Speaker, ang katatagan na ipinakita ng lahat ay bahagi ng sakripisyo ng mga unang tumugon sa sakuna at ang ipinakitang pagkakaisa sa harap ng kahirapan.
Ang bagyong Yolanda ay nasa category 5 na typhoon at isa sa pinaka malakas na tropical cyclones na naitala sa ating bansa.
Sinabi ni Speaker mahirap kalimutan ang takot na kanilang kinaharap nuong hinahagupit ang kanilang lugar ng Bagyong Yolanda.
Pagtiyak naman ni Romualdez na sa ngayon masasabi niya na fully recovered na sila mula sa Yolanda at patunay dito ang resiliency na ipinapakita ng bawat Pilipino.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home