Wednesday, November 09, 2022

MUJIV HATAMAN


Kasunduang pangkapayapaan ng  AFP at MILF sa ilalim ng BARMM, kinwestyun ng isang mambabatas kasunod ng naganap na sagupaan ng dalawang panig sa lalawigan ng Basilan..



Ikinalungkot ng isang mambabatas ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Barangay Ulitan sa munisipalidad ng Ungkaya Pukan, Basilan na ikinasugat ng isang tropa ng pamahalaan.


Panawagan ni Basilan Rep. Mujiv Hataman, na magkaroon ng agarang ceasefire sa pagitan ng dalawang panig.


Giit ng mambabatas, layun nito na masiguro ang kaligtasan ng mga naninirahan sa lalawigan na maaring madamay sa palitan ng putok ng milf at tropa ng pamahalaan.


Mahalaga din aniyang matigil na ang sagupaan ng magkabilang panig nang sa  gayuy di na lumala ang sitwasyon.


Samantala, ipinagtataka naman ni Hataman kung bakit muling nagkaroon ng ganitong engkwentro ang AFP at MILF gayung mayroon na aniya silang kasunduan para sa kapayapaan sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home