Wednesday, November 09, 2022

HETEROSEXUAL


Inihain ni Manila Rep. Bienvenido Abante ang House Bill 5717 o "The Heterosexual Act of 2022". 


Layunin ng panukala na kilalanin at protektahan ang karapatan ng mga heterosexuals.


Sa explanatory note ng mambabatas, sinabi nito na kung isinusulong ng LGBTQI community ang kanilang legislated rights at state protection para sa kanilang hanay ay marapat lamang ding isulong at kilalanin ang karapatan ng mga heterosexual.


Bahagi ng kikilalaning karapatan ng heterosexuals na nakapaloob sa panukala ang kalayaan sa paghayag ng paniniwalang pangrelihiyon at saloobin patungkol sa homosexuality.


Ang sinomang pipigil sa nabanggit na mga karapatan ay ipinapanukalang patawan ng parusang pagkakakulong ng lima hanggang pitong taon at multang P100,000 hanggang P200,000.


Kung isang public official ang lalabag ay aalisin ito sa trabaho at papatawan ng perpetual disqualification mula sa paghawak ng anomang government position.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home