Wednesday, February 15, 2023

PRICE MANIPULATION SA SIBUYAS, KINUMPIRMANG POSIBLENG NAGAGANAP

kath

Kinumpirma ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga na mas nagkaroon sila ng malinaw na ideya kung paano posibleng nagaganap ang price manipulation sa onion industry.


Kasunod ito ng isinagawang executive session ng komite sa kanilang pagdinig sa isyu ng hoarding ng sibuyas.


Mayroon din aniyang mga personalidad na maaaring sangkot sa naturang isyu, ngunit kailangan pa itong i-assess at pagdebatihan ng komite kung kailangan bang ipatawag ang mga ito.


“The process, naging malinaw sa amin ano yung mga pamamaraan kung paano nangyayari. May mga ilan na possible personalities na involved so yun yung i-aassess din namin yung sa darating na panahon kung paano namin sila siguro maimbitahan, siguro, para mapagbigyan. Pero of course we have to assess everyone first. Syempre hindi naman lahat nang binigay na pangalan--we have to vet everyone also.” tugon ni Enverga.


Pag-aaralan din aniya muan ng komite kung paano tatanggapin o ipo-proseso ang mga impormasyong lumutan sa executive session ngunit ang mahalaga ani Enverga ay nabibigyang linaw na sitwasyon.


“Maituturing kong very truthful din itong naging pangalawang hearing namin dito dahil nga nagkaroon ng pagkakataon na mayroon nang mga naisiwalat na mga detalye….nag-executive session tayo, so confidential muna in nature…saka pa namin yun didinigin kasama nung mga miyembro kung paano namin iha-handle yung mga impormasyon na nakuha namin kanina. Pero again, maganda naman yung aming estado ngayon, mas may konting linaw na na nakukuha tayo sa impormasyon na mayroon tayong nakuha.” dagdag ng committee chair.


Inaasahan naman na ikakasa ang susunod na pagdinid sa susunod na linggo.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home