KARTEL NA NAG-OOPERATE SA BANSA, KINOMPIRMA SA PAGDINIG SA KAMARA
kath
Aminado si Philippine Competition Commission Chair Michael Aguinaldo na kung siya ang tatanungin ay malaki ang posibilidad na mayroong ngang kartel na nag-ooperate sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa isyu ng hoarding at price manipulation ng sibuyas, sinabi nito na kung ibabatay kasi sa presyo ng ilang pangunahing bilihin, nananatili itong mataas kahit pa may pumasok nang importation.
Sa kasalukuyang, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PCC kaugnay sa isyu ng sibuyas at may mga tauhan aniya silang nagbabantay sa mga pamilihan.
“I think it's hard to deny that there are cartels operating. I'm not so sure sa onions kung talagang nandiyan yan. But you do have the situation year in, year out where you have a steady supply from the local farmers and then you have the importations, then the price doesn't seem to move down. It remains quite high, which seems inconsistent with how market forces should work if it's properly monitored and the right amount shall be imported based on the actual production.” saad ni Aguinaldo.
Ayon naman kay PCC Enforcement Office Director Atty. Christian Delos Santos, Nobyembre pa lamang ay binantayan na ng PCC ang presyo ng sibuyas lalo at tuwing huling quarter ng taon ay tumataas talaga ang presyo nito.
Natanong naman ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang opisyal kung sa tingin nito ay posibleng nagagamit ng kartel ang modus ng pamamakyaw sa mga sibuyas.
Lumabas ka si sa pag-dinig na gawain ng “Sibuyas Queen” na si Lillia Cruz na bilhin ang mga sibuyas ng mga magsasaka, at dahil ‘lumalabas’ na ubos na ang suplay, ay napipilitan naman ang Dept of Agriculture na maglabas ng import permit.
Sagot ni delos Santos isa sa paraan para magkaroon ng price manipulation ang pamamakyaw.
Punto nito na kung sino man ang may control sa local at imported supply ay kayang manipulahin ang kabuuang suplay at presyo ng naturang commodity.
“Pamamakyaw can be a means to control supply in the market…An entity that can control local and imported supply most likely can control the entire supply and necessarily the price in the market.” tugon ni delos Santos.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home