Friday, August 11, 2023

PROGRAMA SA NUTRISYON AT KAGALINGAN PARA SA MGA SENIOR CITIZENS, PASADO SA KAPULUNGAN


Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukala na nagpapalakas sa programa ng pamahalaan sa pambansang kalusugan para sa mga senior citizens, sa pamamagitan ng komprehensibong nutrisyon at programa sa kagalingan, upang maiwasan ang mahinang nutrisyon ng mga matatanda at mga karamdamang may kaugnayan rito.


Inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 8461 na naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA) No. 7432, o ang Senior Citizens Act, na naamyendahan, sa pabor na botong 266.


“This bill is a testament of the commitment of the House of Representatives to support legislations that will improve the lives of the Filipino people, especially our elderly and senior citizens who truly deserve recognition and protection for their years of service to the nation,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan. “This comprehensive program aims to promote and protect the right of senior citizens to health and instill consciousness on the need for their health and proper nutrition.”


“House Bill 8461 particularly mandates the National Nutrition Council, Department of Health and local government units (LGUs) to prepare a comprehensive nutrition and wellness program to serve as guide for senior citizens to nutritionally balanced meals that can prevent conditions related to poor nutrition,” ani Speaker Romualdez.


Iminamandato rin ng panukalang batas sa mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Senior Citizens Affairs, na pagsamahin ang komprehensibong nutrisyon at progama sa kagalingan sa kani-kanilang mga programa para sa mga senior citizens.


Inihain nina Reps. Rodolfo "Ompong" M. Ordanes, Jane T. Castro, Ruth Mariano-Hernandez, Rachel Marguerite B. Del Mar, Ma. Victoria Co-Pilar, Milagros Aquino-Magsaysay, Eulogio R. Rodriguez, Jose Maria R. Zubiri, Jr., Gabriel H. Bordado Jr., Salvador A. Pleto, at Romulo "Kid" Peña, Jr. ang panukala. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home