SPEAKER ROMUALDEZ, MULING INIUTOS ANG KAMPANYA LABAN SA MANIPULASYON SA HALAGA NG SIBUYAS
Muling iniutos ngayong Miyerkules ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez on Wednesday ang panibagong kampanya para mapababa ang halaga ng sibuyas sa merkado matapos na mamonitor ang mga ulat na ang mga iligal na nag-iimbak ay muli na namang aktibo sa pagmamanipula ng halaga ng pinakamalawak na ginagamit na produktong agrikultura.
Binanggit niya na batay sa pagmomonitor ng Komite ng Agrikultura at pagkain sa Kpulungan ng mga Kinatawan, ay ipinakita rito na nagsimula na namang sumirit ang halaga ng sibuyas sa merkado mula P90 hanggang P180 kada kilo kamakailan.
"Nagsisimula na namang maging aktibo ang mga hoarders at price manipulators ng sibuyas. We will nip this problem in the bud. Hindi natin papayagan na pumalo ang presyo nito sa halagang di abot-kaya ng ordinaryong Pilipino,” ayon sa pinuno ng Kapulungan.
"Akala yata ng mga hoarders at price manipulators na ito, hindi natin sila binabantayan. Sa pagkakataong ito, hindi nila tayo malulusutan. Pakikilusin natin ang lahat ng sangay ng gobyerno para maibalik sa dati ang presyo ng sibuyas,” dagdag niya.
Isiniwalat ni Romualdez na nanawagan siya sa mga opisyal ng Bureau of Plant and industry (BPI) na mag-ulat sa kanyang tanggapan upang kanilang ipaliwanag sa mga pinuno ng Kapulungan kung bakit namamanipula na naman ng mga hoarders ang halaga ng sibuyas.
Kanyang ipinaliwanag na naibenta na ng mga nagtatanim ng sibuyas ang kanilang mga ani sa mga wholesalers, subalit pahirapan pa rin ang suplay nito na naging dahilan sa pagtaas ng halaga ng sibuyas.
"Sa report na natanggap namin, naibenta na ng mga magsasaka ang harvest nila. Ibig sabihin, nasa cold storage na ang mga ito at pinipigil lang ang release sa market para mapataas ang presyo. Ito ang modus operandi na nadiskubre ng House Committee kung kaya napatigil natin ito noon,” ani Speaker Romualdez.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home