Friday, August 25, 2023

SPEAKER ROMUALDEZ AT MGA MAMBABATAS, NANAWAGAN SA MGA NEGOSYANTE NG BIGAS NA BAWASAN ANG KASAKIMAN AT SUPORTAHAN SI PBBM NA MAIANGAT ANG KABUHAYAN NG PAMILYANG PILIPINO


Sa kabila ng mga alegasyon na ang mga iligal na nag-iimbak ng bigas ang dahilan ng pagtaas ng halaga nito sa merkado ay pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Huwebes ang grupo ng mga mambabatas sa isang fact-finding mission, at ininspeksyon ang mga malalaking bodega ng bigas sa Bulacan, at kanilang nadiskubre na totoong may mga iligal na nag-iimbak ng bigas. 


Sa paanyaya ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido "Bien" Y. Rubio, at bilang bahagi ng tungkulin ng kapangyarihan sa oversight ng Kapulungan, sumama si Romualdez sa pag-iinspeksyon sa FS Rice Mill, San Pedro Warehouse, at Great Harvest Rice Meal Warehouse na nasa hangganan ng mga bayan ng Bocaue at Balagtas sa Bulacan.


“Yung karamihan ng [rice] suplay dito aabot na ng three months eh, technically that’s hoarding," ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 311-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa mga mamamahayag sa isang biglaang panayam. 


"Kasi pag ini-embudo mo, 'pag hino-hoard mo tumataas. Greed 'yan eh 'di ba, gusto mo kumita," aniya. "Kaya nga nagpapasalamat tayo kay Commissioner Bien [Bienvenido Rubio] at saka 'yung team niya galing sa Customs. Nandito naman tayo kung baga nag-pa-fact finding tayo at ocular inspections just to make sure that lahat ng napapasok na imported tama ang binayaran nilang buwis."


“'Yung assessment talaga natin, sapat na suplay lalo na 'yung galing sa ibayong-dagat pero mataas na rin 'yung presyo. Pero nakita din natin sapat na suplay pero medyo matagal na naho-hold. Dapat kung ano 'yung pinasok, ilabas kagad, ibaba kaagad at reasonable price dahil masyadong mataas ngayon ang presyo," aniya, at malungkot na ipinahayag na ilan sa mga negosyante ng bigas ay sinasamantala ang paggalaw ng pandaigdigang halaga, para itaas ang presyo nito sa lokal na merkado. 


"Maski 'yung mga locally produced, hinohold back, mina-match nila 'yung pricing sa international pricing [adjustments]," he said. "Kaya 'yung gusto natin, 'yung naging payo natin ilabas na nila, ibaba na kasi nakaka-awa na 'yung taumbayan," ani Speaker Romualdez.


"At sa halip na itong magkaroon ng wet harvest, ilabas na at meron naman tayong mga outlet gaya ng kadiwa kung saan p'wede nating ibaba," ani Speaker Romualdez, habang hinihimok niya ang iba pang mga negosyante na suportahan ang mga tindahan ng Kadiwa ng administrasyong Marcos, sa pagbebenta ng kanilanbg bigas doon upang matulungan ang mga ordinaryong mamamayan. 


"We call on our rice czar, si Usec. [Leocadio] Sebastian ng DA (Department of Agriculture). 'Yun po ang hangarin po ng ating mahal na presidente, President Ferdinand R. Marcos na ibaba natin 'yung presyo. Let us follow his policy so we are calling on Usec. Sebastian, siya ang in-charge sa rice. Iyung ginagawa natin, sana tutukan talaga 'yung sapat na suplay at ibaba kaagad ang presyo," aniya.


Si Speaker ay sinamahan nina Reps. Erwin Tulfo, Edvic Yap at Wilfrido Mark Enverga, chair ng Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan. Gayundin, sinamahan sila ng mga opisyal at tauhan ng BoC.


Kalaunan, ang BoC na may dalang letters of authority ay pinagbawalan ang mga may-ari ng Great Harvest Rice Mill Warehouse, San Pedro Warehouse, at FS Rice Mill na kunin ang kanilang mga imbak hanggat hindi nakakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento sa pag-aangkat ng kanilang bigas. 


"Rice hoarding is economic sabotage in its highest degree. It not only destabilizes prices in the market through arbitrary manipulation, but it also adversely affects the ability of Filipino families to cope with day-to-day living. And for that, hoarders should be applied the full force of the law,” ayon kay Enverga. 


At para kay Tulfo, sinabi niya na, “And this is in support of President Ferdinand 'Bongbong' Romualdez Marcos Jr.’s efforts in alleviating the plight of Filipino families now reeling from the high cost of rice. We want our citizens to know that their government is doing something to bring down the price of rice.”


Sa nakalipas na ilang linggo, ang halaga ng bigas ay unti-unting tumataas, na ibinebenta ng mga retailers sa halagang P50 hanggang P62 kada kilo sa Kalakhang Maynila. Kung ito ay hindi matutugunan, tinatayang aabot ito ng halagang P60 hanggang P65 sa loob ng ilang araw.


“We need to know if there is truly some basis to accusations that hoarders are responsible for the spike of rice prices in the market. Inspections such as these send a powerful signal to all the hoarders and manipulators out there to stop burdening the Filipino people for profit,” ani Speaker Romualdez, pinakamataas na opisyal ng Kapulungan mula sa Unang Distrito ng Leyte.


“Aside from our oversight functions under the law, we are also doing this in aid of legislation, as we have pending measures in the House of Representatives that seek to penalize the act of hoarding rice and other basic agricultural necessities,” ani Speaker Romualdez.


Inihain nina Reps. LRay Villafuerte, Brian Yamsuan at Wilbert Lee ang mga panukala na naglalayong palakasin ang mga batas sa anti-agricultural smuggling at pagpapataw ng mas mabibigat na parusa sa mga hoarders, price manipulators at maging mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa krimen.


Nakatakdang suriin pa rin ni Speaker ang mas maraming bodega. 


Ipinaliwanag ni Romualdez na ang bansa ay papasok na sa tinatawag na “lean months” sa usapin ng ani ng bigas, at sa ganitong panahon ang mga hoarders at price manipulators ay nananamantala, at itinatago ang kanilang mga supaly ng bigas na nasa kanilang imbakan para tumaas ang halaga.


“Ang masama pa rito, ang mahihirap na taong-bayan ang pinaparusahan nyo. These are the people who make ends meet for their families. This is why rice hoarding is unforgivable,” pahayag pa niya. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home