Friday, November 17, 2023

Pinaiimbestigahan ng ilang mambabatas sa Kamara ang operasyon ng digital platforms partikular ang Maya Digital Savings Bank, ukol isyu ng umano'y sugal. 


Naghain sina Reps. Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo, Ralph Tulfo, Edvic Yap at Eric Yap ng House Resolution 1464, na humihimok sa kaukulang komite ng Kapulungan na magdaos ng malalimang pagsisiyasat in aid of legislation. 


Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Cong. Erwin Tulfo na may nakarating sa kanyang impormasyon na konektado ang Maya sa iba’t ibang gambling applications, na nagpapahintulot sa subscribers na magsugal. 


Nababahala si Tulfo sa posibleng epekto nito sa kapakanan at kaligtasang pinansyal ng mga customer. 


Tanong ni Tulfo, alam ba ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang naturang pagkakaugnay ng Maya sa mga sugal. 


Ano rin aniya ang kakayahan ng PAGCOR na suriin at bantayan ang mga gambling app, at kung kailangan bang gamitin ang regulatory powers para matiyak na nakakasunod sa batas. 


Giit ni Tulfo, dapat na masagot ang mga nabanggit upang maprotektahan ang publiko sa mabilis na nagbabagong digital banking at financial services sa ating bansa. 


Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Maya ukol sa House Resolution ng mga kongresista. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home