Friday, November 17, 2023

MGA SUBSTITUTE BILLS NA MAGPAPALAKAS NG KADALUBHASAAN SA PAGPAPAANAK, PAGTATAAS SA RANGGO NG MGA OBLIGADO NG MAGRETIRONG KAWANI NG PAMAHALAAN, APRUBADO


Nagpulong ngayong Martes ang Komite ng Civil Service and Professional Regulation sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, at inaprubahan ng may mga susog ang substitute bill sa mga panukalang naglalayong palakasin ang lokal na propesyon ng kadalubhasaan sa pagpapaanak. 


Kapag naisabatas, mapapawalang-bisa ng substitute bill ang Republic Act 7392, o ang “Philippine Midwifery Act of 1992.” 


Habang nasa pagpupulong, nagdagdag ang Komite ng isang probisyon na nagbibigay sa mga nagtapos ng dalawang taon ng diploma na nakarehistro bago maipanukala ang hakbang, ng apat na taong kurso na katumbas sa ilalim ng mga partikular na kundisyon, tulad ng mga taon ng pagsasanay o kadalubhasaan, ladderized na edukasyon, at iba pang nauugnay na mga konsiderasyon. 


Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga komadrona na nakakuha ng diploma at lisensya ng Professional Regulation Commission (PRC) bago ang pag-apruba ng panukala ay hindi na kailangang pang kumuha ng iba't ibang kurso upang makapagtamo ng batsilyer.  


Pinalitan ng panukala ang mga House Bills 2903, 3882 at 7168. Gayundin, inaprubahan din ng Komite ang substitute bill na may mga panukalang susog sa batas, sa mga hakbang na naglalayong bigyan ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan ng awtomatikong promosyon ng isang antas sa mga mandatoryong magreretiro mula sa serbisyo sa pamahalaan. 


Pinalitan ng substitute bill ang mga HBs 2389 at 6733.  Sumang-ayon din ang Komite na pagsama-samahin ang mga HBs 2255, 4323, 4927 at 5148. Ang layunin ng mga hakbangin na ito ay mag-alok sa mga kwalipikadong maralita, na salat sa pananalapi ng mga libreng bayad sa propesyonal na pagsusulit.  


Pinangunahan ni Komite Vice-chairperson at PBA Rep. Margarita Ignacia Nograles ang pagpupulong. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home