Friday, November 17, 2023

Pasado na sa House Committee on Women and Gender Equality ang panukalang batas na layong magbigay ng patas na otoridad sa ama at ina, pagdating sa pamamahala at pagpapasya sa kanilang mga ari-arian.


Sa aprubadong substitute bill, aamyendahan ang Articles 14, 96, 124, 211 at 225 ng Family Code, na pumapabor sa mister na magdesisyon kapag may sigalot sa conjugal properties.


Kapag naging batas ang panukala,magiging pantay na ang kapangyarihan ng mister at misis.


Ibig ding sabihin, hindi maaaring ibenta ang mga ari-arian na tanging ang mister lamang ang magpapasya, dahil magiging “invalid” ang deed of sale kung hindi sinang-ayunan ng misis.


Maging sa ari-arian ng mga menor de edad --- ang kapwa mag-asawa ang mamamahala at hindi na kailangang pumunta ang mga ito sa korte para ipaglaban ang karapatan ng isa’t isa.


Bahagi rin ng inaprubahang panukala na kapag nag-asawa ang kanilang anak sa edad 18 hanggang 21-anyos ay ang mag-asawa ang dapat magbigay ng “consent” at hindi lamang ang nanay o ang tatay.


Sa ilalim ng kasalukuyang batas, isa sa magulang o kaya guardians ang uubrang magbigay ng basbas para mag-asawa ang isang bata na wala pa sa tamang edad. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home