Friday, November 17, 2023

PBBM kinilala natatanging pamumuno ni Speaker Romualdez sa pagdiriwang ng kaarawan nito


Umani ng papuri kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang natatanging pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan ngayong Martes, Nobyembre 14.


Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Speaker Romualdez sa Taguig City noong Lunes, dumalo ang Pangulo at pinuri ang natatanging pamumuno nito sa mahigit 300 miyembro ng Kamara de Representantes.


Iginiit ng Pangulo ang mahalagang papel ni Speaker Romualdez sa pag-abot ng layunin ng kanyang administrasyon na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.


“We have come to realize that there is very little we can achieve unless we work together. So, the House of Representatives, both Houses of Congress… they play a critical part in all our aspirations to make life better for every Filipino,” ani Pang. Marcos na pinakinggan ng mga lider at miyembro ng iba’t ibang partido mula sa Kamara at ilang mga senador.


“And, I cannot finish without pointing out that this very strong message of support could not have been possible without the fine leadership of our Speaker, our birthday boy Speaker Martin Romualdez,” sabi pa ng Pangulo.


Bilang tugon, nagpahayag naman ng pasasalamat si Speaker Romualdez kina Pang. Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos na nagsilbing pangunahing pandangal sa pagtitipon.


Muli ring inulit ni Speaker Romualdez ang kanyang pangako na ialay ang nalalabing bahagi ng kanyang buhay para sa kapakanan ng bansa at nagpasalamat sa mga nakiisa sa kanyang adbokasiya na mapabuti ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino.


“Hindi ko makakalimutan ang pagdiriwang na ito kasama ang mga taong naging bahagi sa adhikain natin na mapabuti ang kalagayan ng bawat pamilyang Pilipino,” sabi ni Speaker Romualdez.


“Asahan po ninyo na ilalalaan ko ang natitirang bahagi ng buhay na ipinagkakaloob ng Maykapal para sa kapakanan ng bayan,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (END) wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home