KAPULUNGAN, NAGHAHANDA NA SA 31ST APPF
Nagpulong ngayong Miyerkules ng umaga ang mga opisyal at kawani ng Secretariat ng Kapulungan ng mga Kinatawan para sa isang briefing sa estado ng mga preparasyon para sa pagdaraos ng 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum, na gaganapin sa ika-23 hanggang 26 ng Nobyembre 2023 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ipinaliwanag ni HRep Deputy Secretary-General (DSG) for Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD) Atty. Grace Andres ang mga detalye ng mga paghahanda, batay sa kanilang koordinasyon sa kanilang counterparts sa Senado na hindi nakadalo sa briefing dahil sa magkaibang iskedyul.
“Rest assured our DSGs and our office will be there to assist everyone (during the APPF),” aniya.
Ipinahayag ni Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau (IPRSAB) OIC Executive Director Maria Carmencita Dulay, ang kabuuang programa ng APPF, at ibinahagi na ang mga dayuhang delegado sa forum ay magsisimulang magdatingan sa Maynila mula ika-18 ng Nobyembre, habang ang karamihan naman ay magsisidatingan sa ika-22 ng Nobyembre.
Pamumunuan naman ni Travel Support Service Director Maria Arlene Figueroa ang pag-aasikaso sa mga magdadatingang delegado. Samantala, tatanggapin rin ng mga miyembro ng Kapulungan ang mga magdadatingang pinuni ng mga delegasyon.
Itinalaga naman ng Kapulungan ang transport, protocol, at mga hotel officers, kabilang ang mga Secretariat at medical teams na mag-aasikaso sa mga delegado ng APPF sa kanilang mga pangangailangan.
Ang mga pagpupulong sa
APPF ay magsisimula sa ika-24 ng Nobyembre.
“There will be six rooms for simultaneous meetings on different levels with the corresponding House members,” ayon kay OIC ED Dulay.
Isa pang pulong ang idinaos ngayong Miyerkules ng hapon, kung saan ay nag briefing ang Department of Foreign Affairs sa Substantive Group at mga delegado ng Kapulungan.
Ang pulong ay dinaluhan ng mga Miyembro ng Kapulungan, DSGs, mga opisyal ng IPAD, IPRS, House Substantive Group, kabilang ang Senate Office of International Relations and Protocol at Senate Substantive Group.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home