Pinagtibay na ng Kamara ang mga House Concurrent Resolutions o HCRs para sa “amnesty proclamations” ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dating rebelde, komunistang grupo at katulad.
Sa botong 221 na pabor, at walang tumutol o nag-abstain --- inadopt ng Kapulungan ang HCR no. 19 para sa paggawad ng amnestiya sa mga miyembro ng Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade o RPMP-RPA-ABB.
Habang sa botong 225 na pabor, 3 na kontra, at walang abstention --- pinagtibay ang HCR no. 20 na amnestiya para sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Adopted na rin sa botong 230 na sang-ayon at walang tutol ang HCR no. 21 na amnestiya para sa mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF; at sa botong 229 na pabor, 1 na tutol --- pinagtibay ang HCR no. 22 na para naman sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home