Inaprubahan ng House Committee on Transportation ang mosyon ni Laguna Rep. Dan Fernandez na hilingin kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpaliban ang itinakdang January 31 2024 deadline para sa consolidation ng prangkisa ng mga PUV operators sa ilalim ng modernization program.
Ayon kay Fernandez, marapat lang na ipagpaliban muna ang naturang deadline upang bigyang pagkakataon ang Department of Transportation na tugunan at solusyunan ang mga problema sa PUV modernization program.
Ilan sa mga ito ay ang pagpapanatili ng iconic na itsura ng jeep, assessment sa magiging halaga ng pasahe, panuntunan sa pagpili ng ‘modernized jeep’ at ilang isyu sa pagitan ng mga jeep driver at kanilang operators o kooperatiba kung saan sila kabilang.
Agad namang inatasan ni Antipolo Rep. Romeo Acop, Chair ng komite ang committee secretariat na agad balangkasin ang naturang resolusyon para maaprubahan sa susunod na pag-dinig.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home