Thursday, January 11, 2024

Kinuwestyon ni 1-RIDER Party-list Representative Bonifacio Bosita ang kawalan umano ng assessment ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa dapat kitain ng mga driver upang mabayaran ang gastusin sa ilalim ng PUV Modernization Program.


Sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa umano'y nangyayaring korapsyon sa PUV modernization, sinabi ni Bosita na dapat pag-aralan nang mabuti ng LTFRB kung magkano ang unit ng modernized vehicle na pasok sa programa.


Lumalabas kasi na suntok sa buwan at hindi aniya magiging maganda ang implementasyon kung hindi sasapat ang kita ng mga driver para tustusan ang monthly amortization na dapat bayaran ng kooperatiba.


Punto ng kongresista, batay sa computation ay pitong libong piso kada araw ang kailangang bunuin ng isang driver kasama na ang iuuwi nito sa pamilya, gasolina, maintenance at iba pang mandatory expenses. 


Pangamba ni Bosita, posibleng pumalo sa 30 hanggang 40 pesos ang minimum fare para mabayaran ang monthly payment at ipinataw na interes.   


Bukod dito, inusisa rin ni Bosita ang pinagbasehan ng subsidy program para sa bibilhing modernized vehicle na ang market range ay nasa 980,000 pesos hanggang 2.8 million pesos.


Sagot ng LTFRB, ang 280,000 pesos na equity subsidy ay fixed anuman ang bibilhing sasakyan at kung tutuusin ay tumaas na umano ito sa halos sampung porsyento. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home