PANAWAGAN SA SENADO SA ARAW NG MGA PUSO: ‘SHOW THE LOVE, WALK THE TALK’
Hinimok nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez, Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, AKO Bicol Party-list Rep. Angelo Bongalon, at 1-RIDER Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez, ang kanilang mga counterparts sa Senado na samantalahin ang kasalukuyang oportunidad para sa pag-amyenda ng mga mahihigpit na probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon.
Sa pahayag niya sa pulong balitaan sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sinabi ni Bongalon na, “Now is the best time to amend the fundamental law of our land.” Ipinaliwanag niya kung papaano na, matapos ang Oktubre, ang panahon para sa paghahain ng kandidatura ay bubuksan na, ay tututok na ang mga halal na opisyal para muling mahalal sa 2025.
Sumang-ayon si Roman, at sinabing “We have this very golden opportunity. Para bang now or never na. Totoo na sa kasaysayan ng kongreso, ngayon lang umusad at nagkaroon ng diskusyon (ang charter change), which is a welcome development already,” at idinagdag na, “maraming problemang pang-araw-araw ang maaaring masolusyonan sa pag-amyenda ng mga economic provisions. So pag hindi pa natin na-seize ang opurtunidad na ito, I think we should also be held accountable to the Filipino people.”
Binigyang katuwiran ni Alvarez ang panawagan sa Senado na talakayin ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 sa pagbabanggit na, “Yung mga batas opening up the economy ay hindi pa sapat.”
Binanggit ng mga mambabatas ang hamon na inihain sa Supreme Court hinggil sa legalidad ng Republic Act 11659, na nag-aamyenda sa Public Services Act, bilang katibayan sa pangangailangan para amyendahan ang mga mahihigpit na probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon.
Samantala, ipinunto ni Haresco kung papaano inamyendahan ng mga kapit-bansa ang kanilang mga pangunahing batas para magkaroon ng pandaigdigang pagbabago para sa kanila.
“Sila po Indonesia, Vietnam, Thailand, members of ASEAN, they have changed their Constitution so many times. Thailand (changed their constitution) 30 times; Indonesia nine times, Malaysia so many times,” aniya.
Ayon kay Haresco, walang sapat na puhunan ang bansa, teknolohiya at dayuhang pagnenegosyo upang aktibong makalahok sa pandaidigang ekonomiya.
Tumugon rin ang mga mambabatas sa mga haka-haka hinggil sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi nila na hindi maaaring sabihin ng mga Senador na wala silang alam sa naturang item sa badyet dahil resulta ito ng bicameral conference committee sa 2024 badyet, na nilagdaan ng lahat ng miyembro mula sa dalawang kapulungan.
Ipinunto ni Roman na ang AKAP ay isang regular na line item sa General Appropriations Act na may kabuuang alokasyon na P26.7 bilyon.
“Nowhere does it state that (the AKAP) will be used for a people’s initiative,” dagdag pa niya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home