Isa
Pinagtibay ng 30 Metro Manila congressmen ang kanilang buong suporta sa liderato ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasunod ng “word ward” ng Senado at Kamara dahil sa isyu ng Charter Change o Cha-Cha.
Isang “Statement of Solidarity” ang inilabas at pinirmahan ng mga kongresista mula sa Kalakhang Maynila para kay Romualdez na tinawag nilang “Speaker for All, at Speaker of the Nation.”
Kabilang dito sina Caloocan City Rep. Oscar Malapitan, Las Pinas Rep. Camille Villar, Pasig Rep. Roman Romulo, Manila Rep. Benny Abante, Marikina Rep. Stella Quimbo, Navotas Rep. Toby Tiangco, Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales Jr, Makati Rep. Luis Campos at iba pa.
Dito, kanilang kinondena ang mga tangkang magsulong ng “disunity” o pagkaka-watak-watak sa ating bansa.
Panawagan ng Metro Manila solons, irespeto ang posisyon ng isa’t isa, lalo na ang boses at karapatan ng taumbayan.
Pinuri naman ng mga naturang komgresista ang Liderato ng Kamara dahil sa pakikinig at pagtulong sa mga jeepney driver at operators na apektado ng PUV modernization program, at pagsusulong ng mas mataas na diskwento at malawak na benepisyo para sa senior citizens at person with disabilities o PWDS.
Gayundin ang pagsuporta ni Romualdez sa bawat distrito nang wala umanong anumang “political favor.”
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home