hajji Pinagsabihan na ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kongresista na huwag nang patulan ang anumang ilalabas na pahayag ng mga senador.
Ito ang kinumpirma ni House Deputy Majority Leader sa isang pulong balitaan matapos magkasundo sina Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri na itigil na ang "word war" o bangayan sa gitna ng ng isyu sa People's Initiative para isulong ang Charter Change.
Sinabi ni Garin na ang direktiba ni Romualdez ay ituloy lang ang pagtatrabaho at iwasan ang mga distraction o maaaring makaabala.
Pero may mga mambabatas aniya na nagsabing sasagot pa rin sila sa mga patutsada ng ilang senador.
Ang importante sa ngayon ani Garin ay nagkaroon na ng "ceasefire" sa pagitan ng dalawang kapulungan sabay giit na iginagalang nila ang karunungan o wisdom ng Senado.
Bukod sa hindi umano magandang halimbawa ang hidwaan, naaaksaya rin ang pera ng mamamayan na nagbabayad ng buwis.
Dagdag pa nito, dapat tuparin ng Mataas na Kapulungan ang bawat sinasabi lalo na ang pangakong timeline na tatapusin sa Marso ang Resolution of Both Houses Number 6.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home