Hajji Lumagda sa isang manifesto of support ang mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan sa Surigao del Norte para kay House Speaker Martin Romualdez.
Sa harap ito ng umano'y walang basehang alegasyon ng ilang senador laban kay Romualdez na may kaugnayan sa isinusulong na People's Initiative upang amiyendahan ang Saligang Batas.
Pinangunahan nina Surigao del Norte First District Representative Bingo Matugas at dating gobernador na si Francisco Matugas ang pagpapahayag ng suporta para sa House leader.
Dalawampu't limang local government executives ang pumirma sa manifesto na gumigiit sa umano'y magandang adhikain ni Romualdez sa pamamagitan ng mga panukala na susugpo sa kahirapan at magpapalago sa ekonomiya.
Binigyang-diin ng mga opisyal na nakinabang nang husto ang mga residente ng Surigao sa social services tulad ng medical, cash, burial at educational assistance kaya dapat nang itigil ang personal na pag-atake sa Speaker.
Gayundin sa pagtitiyak na may budget ang major infrastructure projects sa Siargao Island na makatutulong para sa pagsusulong dito na maging prime tourist destination.
Kaisa rin ang local officials sa pagbubukas ng ekonomiya sa foreign investment at pag-amiyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home