Thursday, February 15, 2024

MGA BALAKID NA REGULASYON SA FDI, TINALAKAY SA ISANG FORUM


Ipinagpatuloy sa round table discussions (RTDs) sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na may epekto sa mga balakid sa mga inaasahang foreign direct investment (FDI) bilang paksa sa mga talakayan. Ayon kay Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr., hepe ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD), ang talakayan ngayong Miyerkules ay pinili para payagan ang Pilipinas na makahikayat ng mas maraming FDI. “A continuing challenge of attracting more FDIs is acknowledged no less by President Ferdinand Marcos Jr., who recently pointed out that a study on amending the 1987 Constitution should focus on how to attract more investors in the country. The President declared that his primary interest is to make our country an investment-friendly place,” ani Miral. Idinagdag niya na ginagawa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa abot ng kanyang makakaya para sundin ang gabay ng Pangulo. “In Davos, Switzerland during the 2024 World Economic Forum, the Speaker declared to foreign investors that now is the more opportune time to invest in the Philippines, citing the 1) country’s recent economic performance, 2) continuing reforms under the leadership of President Marcos, which made the country more investment-friendly, at 3) positive prospects of the newly established Maharlika Investment Fund,” ayon sa pagpapahayag ni Miral. Iprinisinta ni CPBRD Supervising Legislative Staff Officer III Rutcher Lacaza ang kanyang pag-aaral na may titulong, “Impact of Regulatory Barriers on Inward in the Asean-5:  An Augmented Gravity Model Approach,” na nagpapakita na ang Pilipinas ay nananatiling pinakamahigpit sa mga kasapi ng ASEAN, at isa sa pinakamahigpit na bansa sa buong mundo sa usapin ng regulasyon sa FDI, sa kabila ng mga hakbang tungo sa liberalisasyon. “In 2020, the Philippines ranked third out of the 83 countries,” sa ulat niya. Natuklasan ni Lacaza na nahuhuli ang Pilipinas sa mga kasamang ASEAN sa paghikayat sa mga FDI dahil sa ilang ligal na paghihigpit sa FDI sa maraming sektor ng ekonomiya. “Most of its FDI restrictions are in the form of equity restrictions stemming from the foreign ownership limitation of 40% in various sectors. These sectors include primary, telecommunications, media, business services, and transport,” ayon pa kay Lacaza. Nakikita ni dating Finance Secretary at Negros Oriental Rep. Margarito Teves, habang nagtatalumpati sa Foundation for Economic Freedom, ang pangangailangan sa pagtatanggal ng mga mahihigpit na probisyon ng 1987 Konstitusyon, ngunit hindi ito sapat para makahikayat ng FDI. “Our position is just kindly try to remove all those restrictive economic provisions which we can specify and put us at par with our colleagues in the ASEAN peers, at least in the legal framework. (There is) no other country whose restrictive economic provisions are embodied in the Constitution. No other country in Asia and in most countries in the world have included these provisions in their Constitution. Any change can be done by legislation and faster. We don’t have to wait for 36 years to review and consider these changes,” ani Teves. Samantala, sinabi naman ni Dr. Raul Fabella, PhD, professor emeritus ng University of the Philippines School of Economics, na ang kaunlaran sa ekonomiya ay makikita sa pamuhunan, lalo na ang antas ng paglago ng mga namumuhunan at antas ng gross domestic product. “Countries that invest less will over time eat the dust of countries that invest more, while countries that save less need more outside savings in the form of foreign investments to keep up. And the investment rate depends on the rules binding on investors,” ani Fabella. Nalungkot rin siya sa anti-investment ecology ng bansa, tulad ng mataas na halaga ng kuryente, walang kakayahan sa burokrasya at katiwalian, mga suliranin sa pagpapairal ng batas, mataas na gastusin sa logistics, at ang kasalukuyang debate sa mga dayuhang mamumuhunan sa ilalim ng Section II, Article 12 ng Konstitusyon.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home