PROBLEMA SA PABAHAY PARA SA MGA INFORMAL SETTLERS NG BANSA, MATUTUGUNAN NA
Sa pagkakapasa ng House Bill No. 5, mauumpisahan na ang hakbang ng pamahalaan tungo sa pagbibigay katugunan sa problema ng pabahay sa bansa.
Sa botong 254, inaprubahan ng Kamara de Representantes sa pangatlo at pinal pagbasa ang nabanggit na panukala na nagma-mandato para gawinn ang onsite, in-city, near-city o off-city ang mga relokasyon na ibinibigay sa mga informal settler families o ISFs.
Sinabi ni Congwoman Yedda Marie Romualdez ng Tingog Partylist, na sa pamamagitan nito, matutugunan na ang problema sa pabahay sa mga lungsod at mapangangalagaan pa ang karapatan ng mga maralitang Pilipino.
Ayon kay Romualdez na syang chairperson ng House committee on accounts, nakasaad sa panukalang ito na dapat nang ituring bilang mga stakeholders ang mga informal settlers at hindi lamang mga benepisyaryo ng resettlement projects ng gobyerno.
Idinadag pa ng lady solon na mahalagang ma-empower ang mga informal settler upang maging katuwang ng pamahalaan sa pagpaplano at pamamahala ng kanilang sariling resettlement area.