MEDICAL GRADUATES NA SASAILALIM SA MANDATORY MEDICAL SERVICE NG DOH, BIBIGYAN NG PLANTILLA O REGULAR NA POSISYON
Ang mga medical graduates na sasailalim sa ipinapanukalang Mandatory Medical Service ay magtatamo ng plantilla o regular positions na ibibigay sa kanila ng Department of Health.
Sinabi ni Malasakit at Bayanihan party-list Rep. Anthony Rolando Golez na layunin ng kaniyang HB06232 na masolusyunan ang kakulangan sa suplay ng doktor at nurse sa bansa.
Ayon sa kanya, bawat taon ay nasa 5,000 ang pumapasa sa physicians board examination.
Kaya imbes na wala silang trabaho o maghanap pa ng ibang training facility ay ipinapanukala ni Golez na agad silang ipasok sa mga local o national hospital sa mga komonidad para sa isang taong mandatory service.
Idinagdag pa ng solon na bibigyan sila ng plantilla position at benepisyo ng isang government employee.
“Every year we have board passers to as many as 5,000 doctors and imbes na wala silang trabaho, naghahanap sila ng training facility nila nagaantay ng residency, they are given items in government both local and national. After one day of their board passing they will be deployed and dispersed and will have occupy plantilla positions for which they will have salaries and benefits just like ordinary government staff.” ani Golez.
Sa paraan aniyang ito, mas ma-eengganyo sila na magsilbi sa komonidad imbes na lumipad sa ibang bansa.
Bilang isa ring doctor to the barrio, positibo si Golez na ang kaniyang panukala ay makakahimok sa ating mga doktor na magkaroon ng “para sa bayan” spirit.