Sunday, August 13, 2023

UGNAYAN AT KOOPERASYON SA IBANG BANSA, SUSI SA PAG-ANGAT NG EKONOMIYA AT PAGLIKHA NG DAGDAG NA TRABAHO SA BANSA—SPEAKER ROMUALDEZ

Ang pinalawak na ugnayan at kooperasyon ng Pilipinas sa mga karatig bansa nito sa rehiyon ay may malaking potensyal para lalo pang mapalago ang ekonomiya at makalikha ng maraming mapapasukang trabaho sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kasunod ng mga ulat na nakapagtala ang bansa ng 4.5 porsyentong unemployment rate noong Hunyo o katumbas ng 2.3 milyong Pilipino tumaas kumpara sa 4.3 porsyento o 2.17 milyon na naitala noong Mayo.

Ngunit mas mababa ito sa naitala noong Hunyo 2022 na 6 porsyentong unemployment rate, o bumaba ng 633,000.

Bilang lider ng delegasyon ng Pilipinas sa ika-44 AIPA (ASEAN Inter-Parliamentary Assembly) general assembly sa Indonesia, binigyang diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng mga kasaping-bansa.

Inihalimbawa ni Speaker Romualdez ang pagsusulong sa BIMP-EAGA Vision 2025, kung saan magbebenepisyo ang Pilipinas sa inaasahang pagdami ng turistang bumibisita sa bansa at magpaparami sa mga tourism-based job.

(“We support initiatives for enhanced cooperation and partnerships with our neighboring countries as key to unlocking the enormous potential for mutual growth and development that would generate gainful work and livelihood opportunities for Filipinos,” ani Speaker Romualdez.)

“Our parliamentarians are key to enhancing economic growth, financial stability, and social inclusion, and in addressing poverty and promoting institutional stability.  Legislative actions can facilitate access to markets, and improve resource allocation and regional productivity,” ani Speaker Romualdez.

Noong 1994 binuo ang Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area, o BIMP-EAGA, na isang inisyatiba upang maghatid ng pag-unlad sa mga liblib at less develop na lugar sa apat na bansang kasapi.

“With our country’s diverse cultural and natural attractions, we stand to benefit from the realization of the BIMP-EAGA Vision 2025. Among others, this could help us attract more tourists from neighboring countries, leading to increased revenue in the tourism industry and providing jobs and livelihood to our people,” saad ni Speaker Romualdez.

May malaki rin aniya itong potensyal para magbukas ng trabaho sa sektor ng agrikultura.

Bahagi ng BIMP-EAGA Vision 2025 ang pagsusulong sa sub-region bilang food basket sa ASEAN at iba pang bahagi ng Asya. 

Upang maabot ito, itinutulak ang paggamit ng climate-resilient na pamamaraan ng produksyon at paglinang sa sub-regional supply at value chain ng mga pangunahing kalakal sa agrikultura at pangingisda.

Pagdating naman sa turismo, isa sa istratehiyang inilatag sa BIMP EAGA Vision 2025 ay ang pag-ugnayin ang mga tourism destination, pagsuporta sa green ecotourism sites at magtayo ng pangmatagalang tourism-based livelihood.

Tinukoy ni Speaker Romualdez na bagamat nagsisimula nang bumangon ang turismo ng Pilipinas, matapos maitala ang 3 milyong international tourist arrival mula Enero 1 hanggang Hulyo 19, 2023, o higit 500 porsyentong mas mataas kaysa noong nakaraang taon, ay malayo pa rin aniya ito sa naitalang 8.2 milyong bumisita noong 2019.

“The House remains committed to supporting the growth of our tourism industry with its immense potential to spur development and to create jobs and livelihood for our people,” sabi ng House Speaker. 

Suportado rin aniya ng Kamara ang hakbang ng pamahalaan para palakasin ang imprastraktura at digitalization upang mapag-ugnay ang mga tourism destination at maisaayos ang traveler convenience.

Sa AIPA, itinulak ni Romualdez ang pagdaraos ng unang BIMP-EAGA Parliamentary Forum o BEPF sa  2024 sa Davao City upang maisama ang pagbuo ng mga polisiya sa mga usapin ng BIMP-EAGA.

“BIMP-EAGA cooperation will only be maximized and made sustainable if regional and sub-regional platforms such as the AIPA and BEPF are able to fast-track legislation in support of BIMP-EAGA initiatives,” diin ni Romualdez. wantta join us? sure, manure...

TUTULUNGAN NG KAMARA ANG LWUA SA PROBLEMA NITONG WATER SYSTEM LOSS, AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kamakailan (noong Linggo) na tutulungan ng Kamara de Representantes ang Local Water Utilities Administration (LWUA) upang matugunan ang problema sa water system loss na posible umanong mayroong epekto sa kampanya ng gobyerno na magtipid ng tubig at maparami ang lokal na produksyon ng pagkain sa bansa.

Nakipagpulong si LWUA Chairman Ronnie Ong, isang dating kongresista, kay Speaker Romualdez noong Agosto 7 upang mahanapan ng solusyon ang halos 30 porsyentong taunang water system loss sa mga Water Districts na nasa ilalim ng ahensya.

Bagamat nagulat si Speaker sa dami ng nasasayang na tubig, kumpiyansa ito na masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng water supply system.

Sinabi ng lider ng 312-member House na ipinag-utos na niya na matulungan ang LWUA para ma-solusyunan ang problemang ito, ang kasalukuyang deliberasyon ng Committee on Appropriations sa ₱5.768 trilyon budget para sa 2024 ay ang tamang pagkakataon upang i-explore ang mga solusyon dito, kasama na ang rehabilitasyon ng water supply system at ang pag-modernisa ng LWUA.

("The solution to these water service interruptions could be right under our noses. Patching up this water systems losses means more water for all at a time when El Niño remains a very serious threat to our daily convenience and food production," ani Speaker Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara.)

("In line with President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.'s aim of providing better service to Filipinos, I have instructed the House to look for ways to help LWUA tackle this. The ongoing deliberations of the House Committee on Appropriations on the proposed P5.768-trillion budget for 2024 is the perfect opportunity to explore solutions, including the rehabilitation of water supply systems and modernizing LWUA,” dagdag pa ni Speaker Romualdez, ang kinatawan ng unang distrito ng Leyte.)

Batay sa monitoring ng LWUA, sinabi ni Ong kay Speaker Romualdez na nasa 29.34 porsyento ang average na nawawalang tubig sa mga water districts na nagseserbisyo sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Ong ito ay nasa 488 milyong metro kubiko ng tubig na mas marami pa sa kapasidad ng Angat Dam, ang pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya nito.

“We shall direct all congressmen to commit to the President’s call to conserve water by closely working with LWUA and addressing the wastage of water in their respective water districts,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez isang malaking dagok ang nangyayaring ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24 na magtipid ng tubig bilang bahagi ng paghahanda sa El Niño phenomenon.

Ipinalabas din ng Punong Ehekutibo ang Memorandum Circular (MC) No. 22 noong Hunyo upang atasan ang mga tanggapan ng gobyerno na magtipid ng tubig.

Para maresolba ang non-revenue water (NRW) problem, sinabi ni Ong na mangangailangan ng mga bagong imprastraktura.

Sinabi ni Ong na ang mga water district ay walang sapat na pondo upang pondohan ang mga kinakailangang imprastraktura at tugunan ang pangangailangan na palitan ng bago ang mga ginagamit nitong metro, solusyunan ang mga iligal na koneksyon at billing error.

Kapwa naman sumang-ayon sina Speaker Romualdez at Ong na ang pagtugon sa NRW ay magkakaroon ng positibong epekto sa iba pang problemang kinakaharap ng bansa.

Dahil sa kakulangan ng pondo, sinabi ni Ong na hindi nakakapaglatag ng mga bagong tubo ang mga water district para maiwasan ang pagkasayang ng tubig.

"We must address this now dahil sa mataas na NRW, 'di lang ang Water Districts ang talo, lalong-lalo na ang mga tao. A reduced NRW will actually mean more affordable water (because of lesser production costs) and lesser water supply interruptions. The President is indeed right in saying that we must rehabilitate or improve our water supply systems and we must do this in an urgent and efficient manner across all Water districts,” giit ni Ong.

Ayon sa LWUA, nasa 244 ang water district sa bansa na ang NRW rate ay hindi lalagpas ng 21 porsyento, nasa 20 naman ang water district na ang NRW rate ay nasa pagitan ng 48 hanggang 71 porsyento.

"Solving the NRW will have an impact on food security as well, since reduced water system losses would mean that we won't have to spread our water resources to thinly to the detriment of farmers, livestock, and other food producing industries," sabi ni Speaker Romualdez. 

Ang LWUA ay isang ahensya ng gobyerno na ang pangunahing trabaho ay ang mga water supply project. Ito ay nangangasiwa sa mahigit 532 water district na nagsusuplay ng tubig sa mga siyudad at probinsya sa labas ng Metro Manila. wantta join us? sure, manure...

MABILIS NA AKSIYON NG DA PARA MAKAKUHA NG SUPLAY NG BIGAS SA VIETNAM AT INDIA, PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mabilis na aksyon ng Department of Agriculture (DA) upang makakuha ng suplay ng bigas mula sa Vietnam at India.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pag-angkat ng bigas ay makatutulong upang hindi tumaas ang presyo ng bigas sa bansa matapos ang pananalasa ng bagyong Egay at Habagat, at ang inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.

(“I commend the Department of Agriculture's quick response to our efforts in securing a stable and affordable rice supply for our country. This is a significant step towards fulfilling our commitment to the Filipino to put food on their table at prices within their reach,” ani Speaker Romualdez.)

Ang pinatutungkulan ni Speaker Romualdez ay ang ginawang pakikipag-usap ni DA Undersecretary Domingo Panganiban, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga exporter ng Vietnam na nagbigay ng quotation na $30 hanggang $40 na mas mababa kumpara sa napag-usapang presyo sa pagpupulong sa Malacañang.

Bukod sa Vietnam, sinabi ni Panganiban na pinaplantsa na rin ang pag-angkat ng bigas sa India sa kabila ng inanunsyo nitong ban sa pag-export ng bigas.

Matatandaan na nasungkit ni Speaker Romualdez ang isang pangako mula kay Vuong Dinh Hue, pangulo ng National Assembly of Vietnam na magsusuplay ang Vietnam ng bigas sa Pilipinas, sa isang bilateral meeting sa Indonesia kamakailan.

Sina Romualdez at Hue ay kapwa lumahok sa ika-44 AIPA (ASEAN Inter-Parliamentary Assembly) General Assembly sa Jakarta, Indonesia.

(“With the current volatility in the price of rice in the world market amid projected supply constriction, the government must waste no time in exploring all available options to ensure adequate supply and reasonable price of our staple food, “ giit ni Speaker Romualdez.)

Ayon sa Food and Agriculture Organization, ang presyo ng bigas noong Hulyo ay tumaas ng 2.8% at naging 129.7 puntos, ang pinakamataas sa loob ng halos 12 taon. Nangyari ito matapos na ianunsyo ng India ang ipatutupad nitong rice export ban at hindi magandang panahon na nakakaapekto umano sa kanilang produksyon.

Sinabi ni Panganiban na ang pakikipag-negosasyon sa Vietnam at India ay inaasahang magreresulta sa paborableng presyo para sa 300,000 hanggang 500,000 metriko tonelada ng bigas na nais angkatin ng Pilipinas.

Sa gitna ng mga negosasyong ito, binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na maging transparent at bukas ang komunikasyon sa pagitan ng mga magkakaibigang bansa upang mas mapatibay ang relasyon ng mga ito.

"Open dialogue and cooperation are key to ensuring the success of this endeavor. I look forward to the positive outcomes that will arise from these talks, as we work together for mutually beneficial arrangements to achieve food security and stability," dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pagtiyak ng suplay mula sa Vietnam ay makapipigil sa mga espekulasyon na magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas na magpapataas sa presyo nito.

Bilang sukli sa kagandahang loob ng Vietnam, sinabi ni Speaker Romualdez na handa ang Pilipinas na magbenta rito ng mga partikular na produkto na kailangan ng kanilang industriya at mga konsumer.

Nagkasundo rin sina Speaker Romualdez at Hue na palakasin pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam para mas mapabuti ang supply chain sa pagitan ng mga ito gaya ng bentahan ng produktong agrikultural at construction materials gaya ng semento.

Nagkasundo rin sina Speaker Romualdez at Hue na palakasin pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam para mas mapabuti ang supply chain sa pagitan ng mga ito gaya ng bentahan ng produktong agrikultural at construction materials gaya ng semento. wantta join us? sure, manure...