Wednesday, January 03, 2024

PRODUKSIYON NG BIGAS NGAYONG TAON SA KABILA NG NAKAAMBANG EL NIÑO, PINANINIWALAANG BUBUTI

Naniniwala si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na mas bubuti ang produksyon ng bigas  ngayong taon sa kabila ng nakaambang El Nino.


Sinabi ni Yamsuan na ito ay dahil sa inaasahang 31 bilyon pesong matatanggap ng mga palay producer mula sa pamahalaan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).


Tiniyak ng mambabatas na makatatanggap ang mga maliliit na rice producer sa bansa ng nasa P15 billion cash aid mula sa 2023 tariff collections na mula sa mga angkat na bigas


Tiwala si Yamsuan na hindi lamang ang Department of Agriculture  (DA) ang handa para sa panahon ng tagtuyot  ngunit maging ang iba pang kaugnay na mga ahensya ng gobyerno upang matiyak na mabibigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka ng palay tungo sa ikabubuti ng produksyon at kita sa  bigas.
 wantta join us? sure, manure...

NAGANAP NA POWER OUTAGE SA NEGROS PROVINCE AT PANAY ISLAND, PINASISIYASAT SA KAMARA

Nanawagan si Iloilo City Rep. Julienne ‘Jam’ Baronda na magsagawa ng pagsisiyasat ang Kamara sa nagaganap na malawakang power outage sa Panay Island at ilang lugar sa Negros province.


Ayon sa mambabatas bahagi ng Congressional oversight ng Kongreso na imbestigahan ito upang matiyak ang kapakanan ng publiko.


Punto ni Baronda, hindi pa nga natatapos ng House Committee on Energy ang imbestigasyon sa nangyaring region-wide power outage sa kanilang lalawigan noong April 2023 ngunit mayroon na namang panibagong problema sa kuryente.


“The power outages that sent the entire Panay Island and portions of Negros Island into darkness since yesterday warrant scrutiny by the House of Representatives in the exercise of its Congressional oversight function to safeguard public welfare. The investigation in aid of legislation on the April 2023 region-wide power outages by the Committee on Energy…has yet to be concluded, and yet this new incident took place, distressing the Ilonggos. It seems that those responsible and accountable have yet to learn their lesson.” sabi ni Baronda sa isang kalatas.


Patuloy namang itinutulak ng lady solon na matapos na ang interconnection ng Luzon at Visayas grid na dadaan sa Mindoro upang masolusyunan ang problema sa kuryente sa Panay Island.


Ayon sa NGCP, 3 planta ang pumalya at ang isa ay naka-maintenance shutdown kaya’t nagdulot ito ng malawakang brownout.


60% ng pangangailangan ng Panay Island ang apektado ngayon dahil sa pagpalya ng apat na planta.


#wantta join us? sure, manure...

PAGBAWAL NA IPASOK SA MGA RESTO AT KAINAN ANG MGA ASO AT PUSA, ISINUSULONG SA KAMARA

Isang panukala ang inihain sa Kamara para ipag-bawal na ipasok sa loob ng mga restaurant at iba pang kainan ang mga alagang hayop gaya ng pusa at aso.


Sa House Bill 9570 o Pets in Food Establishments Act na inihain ni Kusug Tausug Party-list Rep. Shernee Tan-Tambut, pagbabawalan ang pagdadala ng alagang hayop sa loob ng kainan at pagpapagamit ng mga upuan dito.


Kasama rin dito ang mga mga service animals o dogs ng uniformed law enforcement o pribadong ahensya na naatasang magsagawa ang security function.


Punto ng mambabatas, maaari kasing magkaroon ng epekto sa kalusugan ang mga alagang hayop sa ibang customer lalo na yung mayroong mga allergy.


Maaari pa rin naman aniyang payagan ng kainan na dalhin ang mga alagang hayo basta’y mayroon silang hiwalay na dining area sa labas ng establishimento.


Kailangan din aniya na naka-diaper ang mga alaga at ang pet-owner ang responsable sa paglilinis ng dumi ng kanilang alaga.


Kailangan naman na magtalaga ng isang empleyado na hindi naghahanda o naghahain ng pagkain na siyang tututok sa paglilinis at pag-sanitize ng lugar na pinagkainan ng customer na may kasamang alaga.


Sakaling maisabatas, ang mga lalabag na may-ari ng kainan, empleyado o pet owner ay maaaring patawan ng pagkakakulong at multa.


#wantta join us? sure, manure...

PAGDAMI PA RIN NG MGA BIKTIMA SA PAPUTOK NITONG BAGONG TAON, IKINALULUNGKOT NG ISANG MABABATAS

Ikinababahala ni AnaKalusugan Party-list  Rep. Ray Reyes na mayroon pa ring nabiktima ng paputok sa pagsalubong ng taong 2024.


Bunsod nito ay kinalampag ni Reyes ang Department of Health (DOH) at mga local government units (LGUs) na maglatag ng epektibong hakbang para wala ng mabibiktima ng paputok sa tuwing sasapit ang bisperas ng bagong taon.


Dahi dito, nanawagan si Reyes sa DOH at mga LGUs na lalo pang paigtingin ang mga paghahanda para masiguro na palaging ligtas ang ating pagdiriwang ng bagong taon.


Kaugnay nito ay iginiit ni Reyes sa mga otoridad at alkalde ang pangangailangan na maipatupad ng mahigpit ang Republic Act 7183 at Executive Order 28, s. 2017 na syang nagre-regulate at komokontrol sa paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.


Hinikayat din ni Reyes ang mga Pilipino na gumamit na lang ng alternatibong paraan para mag-ingay at maging masaya tuwing sasalubong sa bagong taon sa halip na ilagay sa kapahamakan ang sarili sa pamamagitan ng pagpapaputok.


######wantta join us? sure, manure...

PRODUKSIYON NG PALAY SA HARAP NG MARARANASANG TAGTUYOT, PINANANINIWALAANG LALAKAS NGAYONG TAON

Tiwala si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na lalakas ang produksyon ng palay ngayong taon sa harap ng nararanasang tagtuyot.


Sabi ni Yamsuan, ito ay dahil halos 31-billion pesos sa ilalim ng 2024 national budget ang inilaan para suportahan ang palay producers o ang National Rice Program (NRP) ng Department of Agriculture.


Tiniyak din ni Yamsuan na makatatanggap ang mga maliliit na  rice producers ng ayuda na mahigit sa P15 billion na mula sa koleksyon ng taripa sa imported na bigas noong 2023.


Binanggit din ni Yamsuan na maliban sa NRP, ay makakakuha din ng pondo mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang iba pang programa ng pamahalaan at mga magsasaka ng palay.


Ikinalugod din ni Yamsuan, ang pag-apruba ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pagbibigay ng P5,000 sa mahigit  2 million magsasaka na nagsasaka sa 2 o mas mababa pang ektarya ng lupain.


Kaugnay nito ay isinulong din ni Yamsuan na magpatuloy ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga magsasaka sa pamamagitan ng kanyang inihain na House Bill 7963 o panukalang bubuo ng pondo para mabigyan sila ng pensyon.


#######wantta join us? sure, manure...

PAGTUGON SA EPEKTO NG EL NIÑO AT LA NIÑA SA NGAYONG 2024, MAHALAGANG MATUTUKAN—SOLON

Para kay House Committee on Ecology Chairperson at  Biñan City Rep. Marlyn Alonte, ngayong 2024 ay mahalagang matutukan ang pagtugon sa epekto ng El Niño at La Niña na parehong naghahatid ng matinding pinsala sa mamamayan at sa buong bansa.


Bunsod nito ay umaasa si Alonte na simula ngayong taon ay magiging mahigpit ang implementasyon ng mga batas para sa conservation ng tubig at enerhiya para mapalakas ang paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.


Sabi ni Alonte, maaring gamitin ng ating mga lokal na pamahalaan sa pagsasakatuparan nito ang bilyun bilyong dolyar na pondo ng World Bank para sa  climate change at disaster management.


Bukod dito ay iginiit din ni Alonte ang pangangailangan na maipatupad ng lubos ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan ang Republic Act 11962 na nagtatakda ng Trabaho Para Sa Bayan Plan.


Paliwanag ni Alonte, dapat matiyak na mayroong trabaho ang mga Pilipino para makapagpatuloy ang kanilang buhay sa harap ng mga inaasahang trahedya o kalamidad na epekto pa rin ng pandemya at patuloy na pagtaas ng bilihin.


#####wantta join us? sure, manure...

Umaasa si House of Representatives Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na malaki ang maitutulong sa mga mahihirap na pamilyang pilipino ang pinalawig ng ayuda na ipagkakaloob ng gobyerno ngayong 2024.


ang tinutukoy ni Libanan ay ang mga bagong cash transfers at iba pang subsidy programs sa ilalim ng 2024 national budget.


Tinukoy ni Libanan ang inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na “Ayuda sa Kapos ang Kita o AKAP” kung saan bibigyan ng P5,000 na ayuda ang  12 million pamilya sa bansa na  mahihirap at  mababa ang kita.


binanggit din ni Libanan ang paglalaan ng P30 billion para sa “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers o TUPAD program” at dagdag na P23 billion para naman sa “Assistance to Individuals in Crisis Situation program.”


para kay Libanan, mainam na sinabayan ito ng pagpapatupad sa P30 hanggang P50 na increase sa arawang sahod ng mga manggagawa sa 16 na rehiyon.

######wantta join us? sure, manure...

Buo ang suporta ni House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairperson Zia Alonto Adiong sa nilagdaang Administrative Order ni Pangulong Bongbong Marcos na magpapabilis sa pagbangon at reconstruction ng Marawi City.


Batay sa AO Number 14, pinatututukan ni Marcos ang rationalization ng tungkulin ng bawat ahensya ng gobyerno para mapadali ang rehabilitasyon ng lungsod.


Ayon kay Adiong, ang pagbawi sa AO Number 3 at 9 na bumubuwag sa Task Force Bangon Marawi pagsapit ng Marso ngayong taon ay sumasalamin sa commitment na magkaroon ng institutional stability at gawing simple ang mga pagsisikap ng pamahalaan.


Kinilala rin nito ang napapanahong pagsugpo sa bureaucratic redundancies para sa mas maayos at epektibong koodinasyon at tugon sa panngangailangan ng mga residente ng Marawi.


Sa ilalim ng AO 14 ay inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na makipagtulungan sa local government units upang masiguro ang agarang pagtatapos ng mga proyekto at aktibidad.


Bilang pinuno ng Ad Hoc Committee, tiniyak naman ni Adiong na makikipag-ugnayan sila sa executives kasabay ng pagkakaloob ng suporta, paglalaan ng resources at pagpasa ng mga polisiya na nakahanay sa rehabilitasyon sa pamamagitan ng comprehensive approach.


Dagdag pa ng mambabatas, ang mga hakbang ay hindi lamang nakasentro sa rebuilding efforts kundi para buhayin muli ang loob ng mga residenteng naapektuhan ng bakbakan sa Marawi. wantta join us? sure, manure...

Ipinapanukala ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara na palawigin ang implementasyon ng rice competitiveness enhancement fund o RCEF program.


Sa kaniyang House Bill 9547, aamyendahan ang Agricultural Tariffication Act upang mula sa anim na taon ay gawing nang labindalawang taon ang implementasyon ng programa.


Batay sa batas sa ika-anim na taon ng RCEF ay isasailalim ito sa mandatory review upang malaman kung ipagpapatuloy, aamyendahan o tuluyang tatapusin.


Ngayong 2024, nakatakdang magtapos ang implementasyon ng RCEF.


“The tariffs collected from rice imports are reinvested back into the local rice industry through the annual P10-billion RCEF. The fund earmarks resources for the modernization of the agriculture sector and provides farmers with greater direct access to credit, high-quality seeds, agricultural machinery, and skills training on modern farming technologies. Rice farmers have also received P8.2 billion direct and unconditional cash aid from the 2019 to 2021 rice tariff collections in excess of P10 billion under the Rice Farmers Financial Assistance program.” saad ni Vergara sa explanatory note ng panukala


Para kay Vergara, malaki ang naitulong ng RCEF sa sektor ng pagbibigas sa bansa lalo na pagdating sa pagkakaroon ng makinarya, access sa pautang, binhi at maging unconditional cash aid, kaya naman marapat lang na maipagpatuloy pa ito.


Sa ilalim ng RCEF program, ginagarantiya ang paglalaan ng P10 bilyong pondo mula sa tariff revenues sa loob ng anim na taon para sa makinarya (50%), rice seed, development, propagation and promotion (30%), pinalawig na rice credit assistance o pautang (10%) at rice extension services (10%).


“The benefits that RCEF has contributed to the country's rice sector are clear. The rice farmers and other rice industry stakeholders have greatly benefitted in the form of rice farm machineries and equipment, rice seed, credit assistance and direct and unconditional cash aid. Thus, the extension of the period of implementation of RCEF is necessary.” sabi ng Nueva Ecija solon


“Further, the extension of RCEF will support the needs of the farmers to become more competitive in the global rice industry. The technology and modernization of rice farming will greatly benefit rice farmers to be more competitive with the quality and price of the rice they produce compared with imported rice.” dagdag pa ng kongresista


#wantta join us? sure, manure...

Inihain ni CIBAC party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva ang panukala para limitahan ang bilang ng baril at armas na maaaring irehistro ng isang indibidwal.


Sa kaniyang House Bill 9718, aamyendahan ang RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, partikular ang Section 9 paragraph 5.


Sa kasalukuyang, ang mga binibigyan ng Type 5 license o yung mga certified gun collector, ay maaaring magkaroon ng higit sa labinlimang firearms.


Punto ng mambabatas kada taon ay pumapalo sa mahigit 117,000 ang mga inidibdwal na nababaril kung saan 42, 654 dito ang nasasawi dahil sa gun violence.


Kaya naman marapat lang na maghigpit ang estado sa pag mamay-ari ng baril.


Tinukoy pa nito ang ulat na isang dating mataas na opisyal ng pamahalaan ang kumuha ng lisensya para sa higit 300 na baril bago ang pagbaba nito sa pwesto.


Sa panukala ni Villanueva, lilimitahan na lamang ito sa dalawampu ang firearm na maaaring irehistro sa Type 5 License.


Oras na maisabatas, ang mga may sobra sa 20 armas ay kailangang i-suko ang mga ito sa PNP-FEO.


Ibabalik din sa PNP-FEO ang sobra sa 50 rounds ng ammunition sa kada rehistradong armas.


#wantta join us? sure, manure...

Nais ng isang mambabatas na magkaroon ng malinaw na regulasyon sa paggamit ng artificial intelligence (AI) at automation systems sa labor industry.


Sa inihaing House Bill 9448 o Protection of Labor Against Artificial Intelligence Automation Act ni Quezon City Rep. Juan Carlos Atayde, pagbabawalan ang mga employer o recruitment entity na gumamit ng AI o automated system bilang basehan sa pagkuha o pagsibak sa kanilang mga empleyado.


Ipagbabawal din pagtatanggal, pagbabawas ng sahod o benepisyo at pag-alis sa trabaho ng mga manggagawa para palitan ng AI o automated system maliban na lamang kung sila ay bibigyan ng bagong trabaho.


Pahihintulutan pa rin naman ang paggamit ng AI o automated technology ng isang kumpanya para sa operasyon nito kung mapatutunayan na valid ang pagpapatupad nito ng retrenchment at aprubado ito ng Department of Labor and Employment.


Punto ni Atayde sa paghahain ng panukala na mahalagang maproteksyunan ang mga manggagawa na maaaring maapektuhan sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa labor sector.


“This measure seeks to promote labor augmentation as employers may deem useful and/or beneficial in the workplace as an administrative tool or an integrated or complementary part to process workflows provided that AU governance policies are in place for compliance,” saad ni Atayde sa panukala.


Ipinapanukalang patawan ng parusang pagkakakulong na anim na buwan hanggang anim na taon ang lalabag.


Sasailalim naman ito sa deportation proceeding kung ito ay dayuhan.


Kung ang lumabag ay isang korporasyon, partnership, asosasyon o iba pang juridical entity, ang direktor o opisyal ang papatawan ng parusa.


#wantta join us? sure, manure...

Binigyang-diin ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Representative Stella Quimbo na napapanahong palakasin ang health system upang mabilis na matugunan ang anumang pandemya na tatama sa hinaharap.


Ito’y matapos magawang bawiin ang deklarasyon ng State of Public Health Emergency sa Pilipinas noong Hulyo ng nakaraang taon.


Ayon kay Quimbo, mahalaga ang pagtatayo ng matatag na healthcare infrastructure at pagtitiyak na sapat ang Human Resources sa sektor ng kalusugan. 


Suportado aniya ito ng 6.2 percent na pagtaas ng pondo para sa Health Facilities Enhancement Program ngayong taon.


Ngunit bukod sa manpower at imprastraktura, naniniwala ang mambabatas na mayroong dapat gawin para solusyunan ang problema sa healthcare finance kaya napipilitan ang mga Pilipino na gumastos.


Kasabay nito, inihain ni Quimbo ang House Resolution 1436 na layong i-convene ang Joint Congressional Commission of Health Systems at i-review ang kasalukuyang health system.


Mababatid na mula sa 194 billion pesos na realigned confidential funds sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act, 43 billion pesos ang inilaan ng Kongreso sa mga programa ng DOH kabilang ang Health Facilities Enhancement Program. wantta join us? sure, manure...