Wednesday, February 01, 2023

PAGKAKAHIRANG KAY REP. REX GATCHALIAN BILANG DSWD SECRETARY, HINDI HADLANG SA TULOY-TULOY NA PROGRESO NG VALENZUELA CITY

Ipinahayag ni Department of Social Wlfare and Development o DSWD Sec. Rex Gatchalian na business as usual pa rin sa unang distrito ng Valenzuela, matapos siyang manumpa bilang bagong kalihim ng nturang kagawaran.


Ayon kay Gatchalian, hindi dapat mabahala ang mga taga-Valenzuela dahil magpapatuloy pa rin ang pagseserbisyo ng congressional district office para sa kanila.


Idinagdag pa niya na inaasahan din aniya na magtatalaga ng legislative caretaker ang House of Representatives sa mga susunod na araw.


Malaki naman ang pasasalamat ni Gatchalian sa pagkakataong ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makapaglingkod siya sa bayan.


Si Gatchalian ang ikalawang kongresista na kailangan bitiwan ang pwesto matapos maitalaga sa gabinete.


Una dito ay si Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin Remulla na ngayon ay Department of Justice o DOJ secretary.


wantta join us? sure, manure...