PBBM, KINILALA NG APEC BILANG ISANG MAGALING NA PANDAIGDIGANG PINUNO NA NAGSUSULONG NG PILIPINAS
Sinabi ngayong Sabado ni Speaker Martin G. Romualdez na sumikat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Asia-Pacific Economic Cooperation 2022 (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand bilang isang magaling na pandaigdigang pinuno na nagsusulong ng Pilipinas.
Ayon kay Romualdez, ang mga pagsisikap ng Pangulo na isulong ang Pilipinas bilang isang investment hub, at isulong ang interes sa rehiyon sa idinaos na APEC Summit ay isang tagumpay, batay sa mga naganap sa okasyon.
Sinabi niya na hindi lamang epektibong naipahayag ni Pangulong Marcos ang posisyon ng Pilipinas sa mga pandaigdigang usapin, kungdi nakapagtatag rin siya ng mainit na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa pinuno ng mga bansa, lalo na sa mga idinaos na sa mga bilateral meetings habang sila ay dumadalo sa pulong ng APEC.
“The points the President has raised during the various APEC sessions resonated with other leaders of member economies and attuned with the common objective to revitalize the Asia-Pacific region as the main engine of global economic recovery and growth,” ayon kay Romualdez.
Binanggit ni Romualdez ang pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Eric Tamayo na nagsabi sa isang press briefing kahapon, Biyernes, na halos lahat ng mga pahayag mula sa mga pinuno ng APEC ay, “actually aligned and parallel” sa mga ipinahayag ni Pangulong Marcos.
Nauna nang ipinahayag ni Romualdez na si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na ngayon ay senior Deputy Speaker ng Kapulungan at Pampanga congresswoman, ay lubos na nasiyahan sa mga nagawa ni Pangulong Marcos sa inisyal niyang paglabas sa APEC Summit na ginanap sa Thailand.
“You could see GMA there literally cheering him on and we would see how delighted she was with his performance and the crowd itself was applauding our President for his very, very clear-cut answers, and very incisive,” ani Romualdez.
Tinutukoy ni Speaker ang talakayan ng lupon sa APEC CEO Summit, na kung saan ay mapapansing sumasang-ayon sina World Economic Forum founder, Prof. Klaus Schwab, at Global Chairman of PricewaterhouseCoopers International Limited Robert Moritz, sa lahat ng oras, sa mga pananaw at puntong ipinahayag ni Pangulong Marcos.
Sa kanyang paglahok sa APEC Economic Leaders Retreat Session, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang labis na pangangailangan ng kooperasyon, upang tugunan ang mga mahahalagang usapin sa kakulangan sa pagkain, pagpapalakas ng pandaigdigang sistema sa kalusugan upang mapagaan ang paglaban sa mga kumakalat na nakakahawang sakit, at ang mas matatag na hakbang sa nagbabagong klima.
Binanggit din ni Romualdez na sa mga dinaluhang bilateral meeting ni Pangulong Marcos sa mga pinuno ng China, Saudi Arabia, at France, kabilang na ang pakikisalamuha niya sa APEC Summit, ay naitatag niya ang magandang ugnayan sa kanyang mga kapwa pinuno ng mga ekonomiya ng rehiyon.
“In his first ever face-to-face meeting with Chinese President Xi Jinping, President Marcos deftly handled the situation by focusing on common interests of the two countries, which set a cordial atmosphere that lead to an agreement to further deepen bilateral relations,” ani Romualdez.
Ilan sa mga paksa ng kooperasyon na tinalakay ng dalawang pinuno ay agrikultura, kalakalan, imprastraktura, enerhiya at ugnayan ng mga tao..
Sa kanyang pulong kay French President Emmanuel Macron, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanilang talakayan ay tumuon sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa usapin ng agrikultura at depensa, gayundin ang posibleng partnership sa larangan ng nuclear energy.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos ang pinakamagandang regalo na maihahandog niya sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ng bansa ngayong Pasko, sa magandang anunsyo ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman sa kanilang bilateral meeting habang dumadalo sa APEC Summit.
Inanunsyo ng Saudi Crown Prince, na siya ring Prime Minister, na sasagutin ng kanyang pamahalaan ang mga hindi nabayarang sweldo ng may 10,000 OFWs na nagtrabaho sa mga Saudi construction companies, na nagdeklara ng pagkalugi noong 2015 at 2016.
Bukod sa itinakdang bilateral meeting, ay nagpulong din sina Pangulong Marcos at Vietnamese President Nguyen Xuan Phu, kung saan ay tinanggap ng Punong Ehekutibo ang paanyaya na bumisita sa Vietnam.
Ipinaabot din ni Pangulong Marcos ang kanyang mga paanyaya sa bawat pinuno ng mga ekonomiya na kanyang nakasalamuha sa APEC Summit, na bisitahin ang Pilipinas.
“Considering these successful diplomatic initiatives and investment pledge the President secured from Thai business, we can definitely say that his participation in the APEC Summit is a resounding success,” ani Romualdez.
Binanggit ni Romualdez na ang conglomerate CP Group--- ang pinakamalaking private firm sa Thailand na may $2-bilyon na pamuhunan sa Pilipinas--- ay nangakong magdaragdag pa ng puhunan sa bansa, sa aquaculture, bigas at babuyan.
Sa idinaos na pulong sa hapunan kay Pangulong Marcos noong Miyerkules, ipinahayag ng mga opisyal ng CP Group ang kanilang interes na makisosyo sa Pilipinas sa babuyan, bigas, mais, at aquaculture, kabilang na ang pagpapaunlad ng value chain ng mga naturang industriya upang makaugnay nila ang mga lokal na konsyumer.