Thursday, December 07, 2023

Kinumpirma ni Atty. Mark Tolentino, legal counsel ng SMNI hosts na sina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy na naka hunger strike  ang dalawa matapos madetine.


Protesta aniya ito dahil sa illegal detention na ginawa ng Legislative Franchises Committee.


Sa Lunes ani Tolentino ay maghahain sila ng reconsideration for humanitarian reason para mapakawalan ang dalawa.


Kung hindi aniya mapagbigyan ay iaakyat nila ito sa korte suprema.


Batay naman sa update ng House Secretary General, 11:15AM ay nagsagawa ng medical monitoring ang in-house nurse ng Kamara kina Celiz at Badoy.


Kapwa normal ang kalagayan ng dalawa maliban kay Celiz na may sipon.


#wantta join us? sure, manure...

malugod na ibinalita ni senior citizens party-lsit rep. rodolfo ordanes na nalalapit na ang pagsasabatas ng inamyendahang centenarians law.


kasunod ito ng ratipikasyon ng kamara sa bicameral conference committee report knug saan magbibigay ng dagdag na cash incentive sa ating mga lolo at lola.


sa naturang panukala, maliban sa mga seniors na aabot sa edad na 100 years old na makakatanggap ng P100,000


ang mga octagenarians at nonagenarians makakatanggap din ng cash incentive.


kaya ang mga aabot sa kanilang ika-80, 85, 90 at 95 na taong kaarawan ay makakatanggap ng P10,000 na cash gift.


dahil naman dito ay maaari nang iakyat sa tanggapan ng pangulo ang panukala para malagdaan.


#wantta join us? sure, manure...

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na itataguyod ng Kamara ang monitoring at evaluation ng mga programa at proyekto bilang bahagi ng mabuting pamamahala upang maibsan ang kahirapan sa bansa.


Sa kanyang mensahe sa 4th Asia-Pacific Evaluation Association conference, sinabi ni Romualdez na committed ang Kamara na isulong ang pag-institutionalize ng "evidence-based" na pagpapasya para sa kaunlaran at sa pagkamit ng United Nations 2030 Sustainable Development Goals.


Kauna-unahan aniya sa ilalim ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028 ang National Evaluation Policy bilang prayoridad.


Binigyang-diin ni Romualdez na layon nitong mapabuti ang kalidad ng pamamahala at gawing efficient ang bureaucratic processes.


Bilang mga parliamentarians, higit pa umano sa paglikha ng batas at pagpapatibay ng budget ang papel na kanilang ginagampanan dahil sila dapat ang mangunguna sa accountability at sa progreso.


Giit nito, naging matagumpay ang pag-impluwensiya ng parliaments sa mundo sa polisiya at implementasyon ng SDGs mula sa legislation ng environmental protection sa European Union hanggang sa paglalaan ng pondo para sa reporma sa edukasyon sa mga bansa sa Africa.


Ipinanukala na ng Kamara na isama ang National Evaluation Policy bilang "key legislative measure" na tututukan ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.


Paliwanag pa ng House Speaker, ang pagsasakatuparan ng polisiya ay magpapalakas sa legal at institutional framework para sa pagsasagawa ng regular evaluations ng government interventions.


Idinudulot umano ng epektibong monitoring at evaluation ang pagsusuri sa mga polisiya at upang matuto sa mga tagumpay at kapalpakan tungo sa pagdedesisyon. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez iginiit suporta sa desisyon ni PBBM sa peace negotiation  


Iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang buong suporta nito sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling buksan ang negosasyon para sa usapang pangkapayapaan.


Kasabay nito ay binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng kapayapaan sa pag-unlad ng bansa kaya dapat itong subukang makamit.


“The path to peace is often complex and challenging, but it is a journey worth undertaking for the future of the Philippines,” ani Speaker Romualdez. “President Marcos’s initiative is a bold move towards healing and unity, reflecting our dedication to resolving longstanding conflicts through dialogue and understanding.”


Nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng Pilipino na magsama-sama sa pagsuporta sa peace process.


“It is through our collective efforts and unwavering commitment to peace that we can overcome the barriers of the past and build a stronger, more united Philippines,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Ipinunto ni Speaker Romualdez na walang dapat na ikatakot sa pakikipag-usap sa mga rebelde dahil malakas ang Armed Forces of the Philippines.


“Bakit tayo matatakot makipag-usap kung alam nating malakas ang ating Sandatahang Lakas at matatag ang ating Republika? Ano ang ikababahala natin kung alam natin na nasa pamahalaan ang tiwala ng bayan?” punto ni Speaker Romualdez.


Ayon sa lider ng Kamara ang pagpasok sa negosasyon ay isang hakbang upang tangkaing mapag-isa ang pagkakahati ng bansa.


“We are not just negotiating terms; we are weaving the fabric of a peaceful future for every Filipino,” sabi pa nito. “Let us embrace this opportunity with open hearts and minds, fostering an environment where peace can flourish.”


Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos, sinabi ni Speaker Romualdez na tatangkain ng bansa na hindi lamang umunlad kundi magsama-sama at nagkakasundo.


“Tama na ang digmaan. Pagod na ang ating mamamayan sa kaguluhan. Bigyan natin ng pagkakataon ang kapayapaan,” pagtatapos ng lider ng Kamara. (END) wantta join us? sure, manure...

TATLO PANG PRAYORIDAD NA PANUKALA NG LEDAC, UMUSAD SA KAPULUNGAN


Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Miyerkules sa ikalawang pagbasa, ang House Bill (HB) 9648, o ang panukalang "New Government Procurement Act." 


Ang HB 9648, na isa sa prayoridad na panukala ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), ay naglalayong ipawalang bisa ang Republic Act 9184, o ang "Government Procurement Reform Act," upang higit pang mapabuti ang government procurement system para sa mas matipid, malinaw, mapagkumpitensya, mabilis, napapanatili at inklusibong mga aktibidad sa pamimili ng pamahalaan, maging ito ay independiyenteng mapagkukunan ng pondo, lokal man o dayuhan. 


Layunin ng HB 9648 na magtatag ng uniform procurement procedures, at documentation habang nagpapatupad ng electronic procurement platform upang mapahusay ang transparency. 


Ang HB 9648 ay itinaguyod ni Committee on Revision of Laws Chairperson at Manila Rep. Edward Vera Perez Maceda. Pasado rin sa ikalawang pagbasa ang HB 9663, o ang panukalang "National Water Resources Act," isa pang prayoridad ng LEDAC, at kabilang sa mga prayoridad na isinulong ni PBBM sa kanyang 2023 State of the Nation Address. 


Ang panukalang batas ay naglalayong lumikha ng Department of Water Resources at magtatag ng pambansang balangkas para sa pamamahala ng yamang tubig. 


Ang panukalang kagawaran ang magiging pangunahing ahensya na responsable sa masusi at nagkakaisang pagkakakilanlan at pagmamapa ng lahat ng yamang tubig, gayundin sa pagpaplano, paglikha ng patakaran, at pamamahala. Isa pang prayoridad na batas ng LEDAC, ang HB 9673, o ang panukalang "Philippine Cooperative Code of 2023," ang pasado rin sa ikalawang pagbasa. 


Ang iba pang panukalang batas na inaprubahan sa ikalawang pagbasa ay (1) HB 8841, o ang panukalang "Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Act," (2) HB 9674, o ang panukalang "Revised Government Auditing Code of the Philippines," at (3) HB 9682, institutionalization the grant of teaching supplies allowance para sa mga public qschool teachers. 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Antonio Albano, Yasser Alonto Balindong, at Vincent Franco Frasco ang sesyon sa plenaryo ngayong Miyerkules. wantta join us? sure, manure...

Dagdag na seguridad, ipinatutupad sa Kamara, matapos ang pagsabog sa MSU…


… 


magpapatupad ng dagdag na seguridad sa Batasan Pambansa Complex matapos ang insidente ng pagsabog noong weekend sa Mindanao State University sa Marawi.


Nakasaad ito sa memorandum ni House Secretary General Reginald Velasco na may petsang December 5, 2023 at ipinakalat sa ibat-ibang departmento ng Kamara.


Ayon kay Velasco, kailangan ang suporta ng lahat para matiyak ang seguridad kahit nagsimula na ang ibat-ibang committee-related at  Christmas activities na naka-schedule bago ang Christmas break ng Kamara.


Kabilang sa security measures ay “no ID, no entry policy”.


Ang mga bisita na may confirmed appointments lang ang papayagan na makapasok at pinagsusumite ang Office of the Sgt at Arms ng listahan ng plate number ng mga sasakyan na papasok sa premises ng Batasan.


Mahigpit din na ipatutupad ang designated drop off points ng mga pasahero sa North at South wing ng Batasan.


Una rito, mariing kinundina ng Kamara ang pagsabog sa MSU habang ongoing ang misa.


Kaisa ang liderato ng Kamara sa panawagan na imbestigahan ang insidente at papanagutin ang nasa likod ng pagsabog. wantta join us? sure, manure...

Ibabalik ng Department of Social Welfare and Development ang nasa pitongdaang libong pamilyang benepisiyaryo na tinanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.


Ito ang naging commitment ng ahensya sa pagdinig ng House Committee on Poverty Alleviation matapos igiit ang mabilis na pagtugon sa gutom at kahirapan.


Ayon kay 1PACMAN Party-list Representative Mikee Romero na siyang chairman ng komite, hindi lamang ibabalik sa listahan ang mga benepisiyaryo kundi tatanggap din ng "retroactive" payment mula sa panahon kung kailan sila inalis.


Pinatitiyak ng mga kongresista sa DSWD na mailalabas ang pondo para sa 700,000 delisted families at sa nalalabing 3.2 million beneficiaries upang masimulan ang distribusyon ng ayuda ngayong Pasko.


Batay sa ulat, itinigil umano ng DSWD ang pamamahagi ng conditional cash transfer sa delisted families sa simula pa lang ng taong 2023.


Kumbinsido naman si Romero na hindi pa tuluyang nakalalampas sa kahirapan ang mga naturang pamilya kaya dapat manatili ang "indigent status" sa 4Ps.


Samantala, kinumpirma ng mga kinatawan ng DSWD na nagsasagawa na ng revalidation process upang tukuyin kung dapat ibalik ang benepisyo ng mga pamilyang natanggal sa listahan. wantta join us? sure, manure...

Agri officials ginisa sa hindi natupad na pangakong huhupa presyo ng bigas


Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang kongresista at kinuwestyon ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) dahil hindi umano nangyari na huhupa ang presyo ng bigas pagkatapos ang anihan.


Ginisa ng mga mambabatas sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ang mga opisyal ng DA at National Food Authority (NFA).


Isinagawa ang pagdinig matapos bumisita sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa Farmers Market sa Cubao, Quezon City kung saan napansin nila na may kamahalan pa rin ang bigas.


Sa pagdinig, sinabi ni Tulfo na nasa P52 hanggang P60 kada kilo ang ibinebentang bigas na kanilang nakita sa ginawang paglilibot.


“Whatever happened to that promise na bababa [ang presyo ng bigas], because people were waiting? Bakit hindi po bumaba?” tanong ni Tulfo na ang tinutukoy ay ang pangako noong Hulyo, Agosto, at Setyembre na huhupa ang presyo.


Sinabi ni NFA chief Roderico Bioco na hindi gaanong bumaba ang presyo ng bigas dahil sa naging kakulangan ng produksyon noong 2021 at 2022 at paggamit ng mga magsasaka ng kokonting pataba at ang anunsyo ng Indonesia na bibili ito ng 2 milyong tonelada ng bigas.


Nauna ng sinabi ni Speaker Romualdez na dapat matiyak na hindi nagsasamantala ang mga negosyante ngayong kapaskuhan. “The Christmas season is meant to be a time of giving and compassion, and we want to make sure that prices of goods are affordable to a great majority of our people,” sabi ni Speaker Romualdez.


Sa pagdinig, sinabi ng chair ng komite na si Quezon Rep. Mark Enverga na umaasa ito na magpipresinta ang DA at iba pang ahensya ng mga impormasyon na magagamit ng komite sa paggawa ng hakbang kung papaano mapapababa ang presyo ng agricultural commodities gaya ng bigas at itlog ng manok.


“It is our duty to inform the consuming public of the real situation as reports vary. We know that this time of the year is one of the busiest for all of us, but please bear with us. We need to keep everyone informed,” ani Enverga.


“We need correct information for us to assess the situation and help making the necessary steps to address such concerns and to avoid the same mistakes,” dagdag pa ng chair ng komite.


Sinabi ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian na tumaas ang produksyon ng bigas sa bansa kaya hindi na itinuloy ng ilang importer ang planong pag-angkat at bumili na lamang sa lokal na magsasaka.


Ayon kay Sebastian mas kumita ang mga magsasaka sa katatapos na anihan kumpara noong mga nakaraang taon.


Sinabi ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara na nakatutuwang malaman na mas maganda ang kita ng mga magsasaka subalit nakababahala umano na ang mga kapitalista ang nagtatakda ng presyo.


“I'm very happy for the farmers. They deserve that. But we cannot also just allow the capitalists to dictate those high prices at the expense of the consumers,” sabi ni Vergara.


Iginiit din ni Vergara ang mahalagang papel ng NFA upang hindi baratin ng mga negosyante ang mga lokal na magsasaka.


Kung mag-iimbak umano ng bigas ang NFA, maaari itong bumili ng bigas sa tamang presyo para hindi baratin ang mga magsasaka.


“No one's going to buy because NFA is selling at P29 or P32. That way these capitalists will buy at the right (farmgate) price, not below P19 but P22 or P23. So everyone's happy. No one's making absurd amounts of money,” paliwanag ni Vergara.


Inamin naman ni Bioco na nahihirarapan ang NFA sa pagbili ng bigas dahil sa government-set guaranteed floor at ceiling price. 


Sa kaparehong pagdinig ay nagpahayag din si Tulfo ng pagkabahala sa mataas na presyo ng itlog ng manok.


Iginiit din ni Tulfo ang kahalagahan ng itlog sa pagkain ng mga Pilipino lalo na sa almusal.


Nananawagan ang mga dumalo sa pagdinig ng aksyon mula sa gobyerno upang matulungan ang mga konsumer at magkaroon ng sapat na suplay ng itlog.

END wantta join us? sure, manure...

Resolusyon na kumokondena sa pambobomba sa MSU, pinagtibay ng Kamara


Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang resolusyon na nagpapahayag ng pagkondena ng Kapulungan sa nangyaring pambobomba sa isinasagawang misa sa gym ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong nakalipas na Linggo. 


Laman din ng resolusyon ang panawagan para sa mabilis na imbestigasyon at pagpapanagot sa mga salarin


Inaprubahan ng mga mambabatas ang House Resolution (HR) No. 1504 na iniakda nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” D. Gonzales, Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Minority Leader Marcelino C. Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, at Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Jude A. Acidre, at Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong.


“The House of Representatives condemns this act of violence perpetrated against innocent students and undertaken in a place of learning. I condole with the families of those who died and sympathize with those injured in the blast,” saad ni Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 mambabatas.


Disyembre 3, 2023 nang yanigin ng pagsabog ang Dimaporo Gymnasium sa MSU na kumitil sa buhay ng apat na katao at ikinasugat ng maraming iba pa, karamihan ay mga estudyante.


Tinuran sa resolusyon ang insidente bilang isang lubhang nakababahala at malagim na trahedya na nangyari sa isang lugar ng pag-aaral at pagsasama-sama habang idinaraos ang banal na misa, nagbabantang sumira sa kapayapaang itinaguyod ng pamahalaan sa Mindanao, at nagdulot ng gulo at pagkabahala sa komonidad.


“It was reported that the terrorist attack happened after military actions against local terrorist groups in the region resulted to the death of a group leader of the Dawlah Islamiya-Maute group, a group linked to the ISIS that previously attempted to establish Marawi as part of the caliphate resulting in a five-month conflict causing numerous casualties in 2017,” saad sa resolusyon.


“There is an urgent need for a thorough investigation of this incident by the Philippine National Police, the Armed Forces of the Philippines, the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, and all government agencies concerned, to determine the perpetrators of these senseless and horrific killings," sabi pa rito.


Ipinaabot ng Kapulungan ang kanilang pakikisimpatiya sa pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima at nangakong tutulungan ang mga naapektuhang residente upang masigurong ang mga responsable sa karumaldumal na insidente ay mapanagot.


“Acts of lawlessness, violence and terroristic activities, resulting to violent killings especially of innocent people, destruction of property, and disruption of public order and safety should never be tolerated, and have to be suppressed and eradicated in order to promote lasting peace and prosperity in Mindanao,” pahayag ng resolusyon. (END) wantta join us? sure, manure...