Wednesday, November 16, 2022

PAGSAMA NG PAKSA SA HEIs SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS SA PANAHON NG PANGALAWANG DIGMAANG PANDAIDIG AT PANUKALANG NATIONAL HIJAB DAY, PASADO NA SA HULING PAGBASA Pa

sado na ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang House Bill 5719, na isinasama ang komprehensibong pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng Panglawang Digmaang Pandaidig (WWII) sa kurikula ng higher education. Pangangalagaan nito ang mga kwento ng mga pakikipaglaban at kabayanihan ng mga kawal na Pilipino noong panahon ng WWII, kabilang na ang kanilang mga mahahalagang papel sa paglupig sa mga mananakop na Hapon, upang ipaglaban ang kasarinlan at kalayaan ng Pilipinas. Layon nitong ituro sa mga kabataan ang diwa ng pagka-makabayan at nasyonalismo, pagmamahal sa sangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao, at ang pagpapahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga pambansang bayani. Sa ilalim ng HB 5719, aatasan nito ang Commission on Higher Education (CHED), sa pakikipag-ugnayan sa Department of National Defense - Philippine Veterans Affairs Office (DND-PVAO), na magbalangkas ng mga programa at himukin ang lahat ng higher educational institutions na maglaan ng mga aklatan para sa WWII, kung papaano ito nangyari sa Pilipinas. Nagkakaisang ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng mga mambabatas ang HB 5693, na nagdedeklara sa ika-1 ng Pebreo bawat taon bilang “National Hijab Day,” sa 274 pabor na boto. Layon nitong isulong sa mga hindi Muslim ang hinggil sa pagsusuot ng hijab bilang larawan ng kahinhinan at dignidad. Isusulong ng panukala sa publiko at pribadong sektor ang paggunita sa okasyon na nagsusulong ng pang-unawa at kamalayan sa kanilang mga kawani at mag-aaral hinggil sa relihiyon ng mga Muslim, at kultural na tradisyon ng pagsusuot ng hijab. Pinangunahan ni Deputy Speaker Isidro Ungab ang hybrid na sesyon sa plenaryo.

MATAPOS ANG 7.6-PORSYENTONG PAGLAGO, SINABI NI SPEAKER NA MAY DARATING PANG MAS MAGANDA SA HINAHARAP


Nanawagan ngayong Martes ng hapon si Speaker Martin G. Romualdez para sa nagkakaisang suporta sa planong kaunlaran sa ekonomiya at ang Agenda for Prosperity mantra ng administrasyong Marcos, at sinabing nagsisimula nang maramdaman ang magandang resulta nito.

 

“The President has an Agenda for Prosperity. This agenda has as its core mission the country’s economic transformation towards inclusivity and sustainability. This mission includes the development of BARMM (Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao),” ayon kay Romualdez sa Bangsamoro Parliament Forum na ginanap sa Sofitel Hotel sa Lungsod ng Pasay.

 

Sa ipinahayag na 7.6 gross domestic production growth noong nakaraang linggo, sinabi ni Speaker na, “Wala pong duda. Kaya nating lahat bumangon kung sama-sama. The best is yet to come, if we come together and work hard together. Para sa bayan. Para sa kinabukasan.”

 

Tinukoy ng pinuno ng Kapulungan ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) ng administrasyong Marcos, at ang kanyang 8-point socio-economic agenda para sa pagpapalawig ng ekonomiya, na ayon sa kanya ay ikinagulat ng mga manunuri.

 

“It is with this solid economic plan that the Philippines is not only surviving but thriving in spite of the external or global economic challenges. Globally, the economic outlook is gloomy, following the Covid-19 pandemic, the Russia-Ukraine war, stubbornly high inflation, and an abrupt slowdown in global growth from 6 percent in 2021 to 3.2 percent in 2022,” aniya.

 

Laban man sa maraming pagsubok, ay lumago ang ekonomiya ng bansa nang 7.6 porsyento sa ikatlong bahagi ng taon, na mas mabilis sa 7.5 na paglago sa ikalawang bahagi ng taon, at ang 7 porsyentong paglago sa ikatlong bahagi ng 2021.

 

Binanggit niya ang mga nakaraang ulat na nagsasabing ang Pilipinas ay pangalawa ngayon sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na mabilis ang paglago ng ekonomiya, na naungusan lamang ng Vietnam.

 

Idinagdag niya na kinumpirma ng National Economic and Development Authority na ang lahat ng sektor ay nagsustini ng paglago: ang services sector ay lumago ng 9.1 porsyento; ang industriya ay nagtala ng 5.8 porsyentong paglago, maging ang sektor ng agrikultura ay lumago ng 2.2 porsyento, mula sa 1.7 porsyentong pagbaba sa parehong panahon noong nakaraang taon.

 

“As the President said in his first State of the Nation Address, the state of the nation is sound. Without a doubt, this is because of the Agenda for Prosperity, the sound economic plan of our President and economic managers” giit ni Romualdez.

 

Binanggit niya na ang MTFF at ang 8-point socio-economic agenda ay nasa wastong landas, upang makamit ang layunin nito.

 

“Given the 7.7 percent growth rate for the first three quarters of the year, the economy now only needs to grow by 3.3 to 6.9 percent this fourth quarter of 2022 to meet this year’s target. That is why we lawmakers must support the Agenda for Prosperity with the necessary legislative measures,” aniya.

 

Nanawagan si Speaker sa Kongreso at sa Bangsamoro Parliament pagtuunan ang lehislasyon na magsusustini sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

 

Sa bahagi ng Kapulungan, binigyang-diin ni Romualdez na ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P5.268-trilyon 2023 pambansang badyet, na naglalaan ng P74.4-bilyon para sa Bangsamoro autonomous region.

 

Sinabi niya na ang badyet, “was carefully crafted under the able leadership of Budget Secretary Amenah Pangandaman, the first Muslim budget secretary and the only Muslim in the Cabinet.”

 

Sinabi niya na ang Kapulungan ay nakatutok sa pagsasa prayoridad ng mga panukala na susuporta sa MTFF at 8-point socio-economic agenda, sapagkat ang mga mambabatas ay nakikiisa sa Pangulo, “in the mission to steer the economy back to its high-growth path in the near term and sustain inclusive and resilient growth through to 2028.”

 

Hinimok ni Romualdez ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na pagtibayin o ilinya sa MTFF, dahil nakalatag rito ang direksyon sa komprehensibong polisiya para sa bansa, kabilang na ang BARMM, sa parehong madalian at medium term.

 

“For the first time, the country has a clear 6-year agenda with clearly defined goals,” aniya.

 

Tiniyak niya sa mga opisyal ng BTA ang ganap na suporta mula sa Kapulungan, “in passing all crucial laws that will secure the welfare of the people of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.”

 

“This is our commitment to the Bangsamoro people and our response to the call of President Ferdinand Marcos, Jr. for unity and development,” giit niya.

MGA ILIGAL NA IMPORTASYON NG TABAKO, INAPRUBAHAN NG KOMITE BILANG PAGSABOTAHE SA EKONOMIYA


Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Agriculture and Food sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang House Bill 3917, na mag-aamyenda sa Sections 3 at 4 ng Republic Act 10845, o ang "Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016." Ang panukalang batas ay iniakda nina Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos at PBA Rep. Margarita Ignacia Nograles. Layon ng HB 3917 na isama ang hilaw na sangkap at produkto ng tabako bilang mga produktong pang-agrikultura, kung saan ang iligal na pag-angkat nito ay maituturing na pagsabotahe sa ekonomiya. Sa kanyang pag-isponsor ng panukala, sinabi ni Nograles na ang bawat pagkawala ng kita mula sa ipinagbabawal na kalakalan ng tabako ay nagkakait sa bansa ng kinakailangang pondo, upang masuportahan ang iba't ibang programa ng pamahalaan, partikular ang mga programang pang-ekonomiya ng mga lalawigang gumagawa ng tabako, gayundin ang pangkalahatang paglalaan para sa edukasyon at iba pang mga kapakanan ng programang panlipunan. Bukod sa pagkawala ng kita ng pamahalaan, ipinahayag din ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan na ang mga ipinupuslit at ilegal na sigarilyo ay kumakain ng malaking bahagi sa merkado, na siya namang nakakasira sa lehitimong industriya kung saan umaasa ang mga magsasaka at manggagawa para sa kanilang kabuhayan. Lumikha din ang Komite ng Technical Working Group (TWG), upang pagsama-samahin ang HB 319, na naglalayong taasan ang parusa para sa malakihang pagpupuslit sa agrikultura; at HB 3596, na kung saan ay mag-uuri sa malakihang pagmamanipula ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura bilang pagsabotahe sa ekonomiya. Aamyendahan rin ng dalawang panukalang batas ang RA 10845, na iniakda nina Benguet Rep. Eric Go Yap at Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ayon sa pagkakabanggit. Ang TWG ay pamumunuan ni Committee Vice-Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing. Tinalakay din ng Komite ang House Resolution 24, na nagsisiyasat sa pagpapatupad at pagiging epektibo ng RA 10845 sa pagsugpo ng pagpupuslit ng produktong agrikultura; at HR 108, na nag-iimbestiga sa patuloy na pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa sa kabila ng mga umiiral na batas at regulasyon.

P5M PINANSYAL NA AYUDA PARA SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA NAVOTAS, INIABOT NI SPEAKER ROMUALDEZ


Iniabot ni Speaker Martin G. Romualdez ngayong Martes kay Navotas Lone District Rep. Tobias “Toby” Tiangco ang halagang P5-milyon na pinansyal na ayuda, bilang tulong sa mga biktima ng sunog na naganap sa isang lugar ng mga kabahayan, Lunes ng gabi.

 

Ayon sa ulat, lima katao ang nasawi at dalawa naman ang sugatan sa naganap na sunog na umabot ng anim na oras at nagtala ng ikalimang alarma.

 

“Please extend my condolences to the families of those who perished in this unfortunate tragedy and my sympathies for those whose houses and properties were razed to the ground,” ani Romualdez kay Tiangco.


Bukod sa pinansyal na ayuda, ay magpapadala rin si Speaker ng 500 bag ng bigas, na naglalaman ng 5 kilo bawat isa, para maipamahagi sa mga biktima ng sunog sa Navotas. 


“I sincerely hope this gesture of assistance we provided through the help of our friends and colleagues will help their condition," ani Romualdez.

 

Ang pinansyal na ayuda sa mga biktima ng sunog ay bahagi ng P71-milyon na pinansyal at pledges na nakalap ni Romualdez sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, Lunes ng gabi, kung saan ay nanawagan siya sa mga panauhin at mga kaibigan ng suporta sa kanyang Disaster Relief and Rehabilitation Initiative.

 

Matapos ang malawak na pananalasa at pagkawasak na idinulot ng Severe Tropical Storm “Paeng,” na naging dahilan ng mga pagguho ng lupa at malawakang pagbaha, ay inilunsad ni Speaker Romualdez ang fund drive at relief operations, upang maihatid ang tulong sa mga apektadong lugar.

 

Nakapangalap ang Kapulungan ng halagang P49.2-milyong pinansyal na kontribusyon at pledges, at mga donasyong in-kind tulad ng mga kumot, pagkain, at mga toiletries mula sa mga pribadong indibiduwal, na agad namang naipamahagi sa mga biktima ng bagyo.#

PANUKALANG MAGDARAGDAG NG 5-ARAW NA PAID SERVICE INCENTIVE LEAVE SA 10, APRUBADO SA KAPULUNGAN

Sa nagkakaisang boto na 273, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala, na naglalayong dagdagan at gawing 10 araw ang mandatoryong five-day service incentive leave para sa mga kwalipikadong kawani sa ilalim ng Labor Code.

 

Layon ng House Bill (HB) No. 988 na amyendahan ang Article 95, na inamyendahan, ang Presidential Decree No. 442, o ang Labor Code of the Philippines, upang partikular na  dagdagan ang service incentive leave na may bayad, na ibibigay sa bawat kawani na nakapagsilbi na ng isang taon.

 

Sa ilalim ng kasalukuyang ika-19 na Kongreso, ang panukala ay iniakda nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe, Representatives Mark Go, Luis Raymund Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte, Tsuyoshi Horibata, Nicolas Enciso, Juan Fidel Nograles, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Charisse Anne Hernandez, Keith Micah Tan, Allan Ty, Christopherson Yap, Munir Arbison Jr., Arlene Brosas, France Castro, Christopher de Venecia, Paolo Duterte, Edcel Lagman, Romeo Acop, Bonifacio Bosita, Carl Cari, Edwin Gardiola, Gerville Luistro, Khymer Olaso, Rodolfo Ordanes, Florida Robes, Geraldine Roman, Roman Romulo, Ma. Alana Santos, Jeffrey Soriano, Leody Tarriela, Jocelyn Tulfo, Patrick Vargas, at Loreto Acharon.

 

Tulad ng nakasaad sa orihinal na probisyon, ang service incentive leave ay hindi para sa mga sumusunod: (1) ang mga nakikinabang na sa nasabing benepisyo; (2) ang mga nakikinabang na sa vacation leave na may bayad nang 10 araw; at (3) ang mga kawani ng mga establisimiyento na may mas mababa sa 10 kawani, o mga establisimiyento na may pahintulot na hindi magbigay ng benepisyo ng Secretary of Labor, matapos na maikonsidera ang kakayahan ng pinansyal na kalagayan ng naturang establisimiyento.

 

“At present, our laws do not require employers the granting of sickness and vacation leaves. These work incentives are given based on the prerogative of the employers either by express stipulation on the employee's contract or thru collective bargaining agreement. What the Labor Code provides instead are service incentive leaves (SIL),” ani Go sa explanatory note ng kanyang panukala.

 

“With the increase in the number of leave credits in the form of sick or vacation leaves left purely at the discretion of employers, employees constrained by limited leave credits are left vulnerable to sickness, emergencies, and other fortuitous events that would cost them a day of paid work. The granting of paid leaves is not only beneficial to the employees but economically advantageous for employers as well,” dagdag niya.

 

Sinabi ni Rep. Go na ang naturang insentibo ay, “boost the morale and satisfaction of employees which are manifested in increased productivity, and minimize the risk of health and safety issues among employees, which may even be more costly for both employees and employers in the long run.”

 

Isang kahalintulad na panukala ang inaprubahan ng Kapulungan noong ika-18 Kongreso at naipadala na sa Senado para sa kanilang aksyon at pag-apruba.

                                                                                                                   

Subalit dahil sa kakulangan ng panahon ay hindi ito naisabatas.

PANUKALA SA NATIONAL HIJAB DAY, PASADO SA IKATLONG PAGBASA

Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan, Martes ng hapon, sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagdedeklara sa ika-1 ng Pebrero ng bawat taon, bilang National Hijab Day at nagmamandato sa pamahalaan na maglunsad ng mga programang pangkamalayan hinggil sa pagsusuot ng hijab ng mga kababaihang Muslim.

 

Sa nagkakaisang boto na 274, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill (HB) No. 5693, na pinagsamang House Bills Nos. 1363, 3725 at 5736, na pangunahing iniakda nina Maguindanao Rep. Bai Dimple Mastura (1st District, Maguindanao at Cotabato City), Basilan Rep. Mujiv Hataman, Mohamad Khalid Q. Dimaporo, at iba pa.

 

“The State recognizes the role of women in nation- building and shall ensure the fundamental equality of women and men before the law. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination and or preference, shall be forever allowed,” ayon sa HB 5693.

 

“The National Hijab Day shall be observed on every first day of February to showcase hijabis’ rights and the Muslim tradition of wearing a hijab. Muslim and non-Muslim women shall be encouraged to don the hijab on this day,” dagdag pa nito.

 

Ang ilan pang mga may-akda ng panukala ay sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Patrick Michael “PM” D. Vargas, Ralph Recto, Jurdin Jesus M. Romualdo, Alfred Delos Santos, Yasser Alonto Balindong, Sittie Aminah Q. Dimaporo, Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong, Mohamad P. Paglas, Princess Rihan M. Sakaluran, Shernee A. Tan-Tambut, Stephen James T. Tan, Dimszar M. Sali, Jonathan Clement M. Abalos II, Florida “Rida” P. Robes, Harris Christopher M. Ongchuan, Ramon Jolo B. Revilla, Maria Carmen S. Zamora, Noel “Bong” N. Rivera, Juan Carlos “Arjo” C. Atayde, Ambrosio C. Cruz Jr., Jonathan Keith T. Flores, Carl Nicolas C. Cari, Emigdio P. Tanjuatco III, David “Jay-Jay” C. Suarez, Linabelle Ruth R. Villarica, at Carmelo “Jon” B. Lazatin II.

 

Inaprubahan din ng Komite ng Muslim Affairs na pinamumunuan ni Rep. Khalid Dimaporo ang panukala. Ang panukalang National Hijab Day Bill ay ipinasa na rin sa ikatlo at huling pagbasa noong ika-18 Kongreso subalit hindi na ito naaprubahan sa Senado.

 

Ayon sa panukala, ang “hijab” ay tumutukoy sa “a veil that covers the head and chest, which is particularly worn by a Muslim female beyond the age of puberty in the presence of adult males outside of their immediate family.”

 

Ang termino ay ginagamit rin upang ilarawan ang anumang ulo, mukha, o katawan na tinatakpan ng kasuotan ng kababaihang Muslim na, “that conforms to a certain standard of modesty.”

 

Ang hijabi, ay tumutukoy naman sa kababaihang Muslim na nakasuot ng hijab.

 

Layunin ng panukala na: hikayatin ang mga Muslim at hindi Muslim na kababaihan na magsuot ng hijab at maranasan ang katangian ng pagsusuot nito; alisin ang anumang maling akala na ang pagsusuot ng hijab ay simbolo ng pang-aapi, terorismo at kakulangan ng kalayaan; itigil ang diskriminasyon laban sa Muslim hijab; protektahan ang kalayaan sa relihiyon at karapatan ng mga kababaihang Muslim sa kanilang relihiyon; isulong ang malalimang pang-unawa sa mga hindi Muslim, sa kahalagahan ng pagsusuot ng hijab bilang larawan ng kahinhinan at dignidad ng mga kababaihang Muslim; isulong ang pagpapahalaga sa pagkakaiba ng pagpapahayag ng sarili; at isulong ang pagpaparaya at pagtanggap ng iba’t ibang uri ng pakikisalamuha sa pamumuhay ng mga mamamayan.

 

“Government institutions, schools, and the private sector shall be encouraged to observe this event in a manner that promotes understanding and awareness among its employees and students of the objective of the campaign,” ayon sa panukala.

 

Iminamandato rin ng HB 5693 sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) bilang pangunahing ahensya na magsusulong at magpapalaganap ng kamalayan hinggil sa pagsusuot ng hijab.

 

“It shall conduct activities that shall aim to deepen understanding of the hijab as a lifestyle choice amongst Muslim women. To this end, it may conduct fora, information dissemination campaigns and other educational drives to effectively meet the objectives of this Act,” ayon pa sa panukala.

PAGTATAKDA BILANG ECONOMIC SABOTAGE SA TOBACCO SMUGGLING, PASADO NA SA KAMARA

Inaprubahan na ng House Committee on Agriculture and Food ang House Bill 3917 o panukalang nagtatakda sa tobacco smuggling bilang economic sabotage.


may-akda ng panukala sina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son,  Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Sandro” Marcos.


aamyendahan nito ang Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 para pabigatin o gawing habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa tobacco smuggling at multa na katumbas ng doble ng halagan ng produktong ipinuslit kasama ang buwis, duties at iba pang charges.


Ayon kay Nograles, bilyun bilyong piso ang nawawala sa gobyerno dahil smuggling ng tobacco products na kapag nagpatuloy ay tiyak pipilay sa ating tobaccon industry at nasa 2.2 milyn nating mga kababayan ang maaapektuhan.


Sa panukala ay kapwa binigyang diin nina Nograles at Marcos na nasa 10-porsyento ng mga ibinebentang sigarilyo sa bansa ngayon ay mula sa smuggling.


kaugnay nito ay isang technical working group ang binuo  ni committe chairman Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga para pagsama-samahin ang mga panukalang itaas ang parusa sa large-scale agricultural smuggling kasama ang tobacco products.

######

APEC LEADERS MEETING SA THAILAND, VENUE PARA MAIBIDA NI PBBM ANG GUMAGANDANG EKONOMIYA NG PILIPINAS

Panibagong oportunidad para kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na maibida ang Pilipinas sa mga negosyante at mamumuhunan ang pagdalo nito sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting sa Thailand.


 


Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, malaking pagkakataon na maipakita ng chief executive sa APEC ang gumagandang lagay ng ekonomiya ng bansa lalo at mga developed countries ang kasama sa pulong.


 


Mahalaga din aniya sa mga ganitong pulong na makabuo ng mabutin relasyon sa ibang bansa upang maitulak ang interes ng Pilipas sa pakikipag-negosyo at sa pamumuhunan.


 


Ang APEC Ay isang inter-governmental forum na kinabibilangan ng 21 bansa sa Pacific Rim na nagsusulong ng free trade sa kabuuan ng Asia-Pacific region.


 


Kabilang sa APEC Member States ang Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, the United States, at Vietnam.


 


“So I think now is the time to herald that the Philippines is doing well, its economy is doing well, and now is the time to invest in the Philippines so that we get more foreign direct investments for the capital that we need to generate more jobs for and livelihood for the Filipinos and to bring about a stronger and more vibrant economy so that all Filipinos have a safe and comfortable life,” saad ng House Speaker.


 


Kasama si Romualdez na Philippine delegation na magtutungo sa APEC Leaders Meeting.


 


##

DAGDAG NA PONDO PARA SA BARMM, ITUTULAK NI SPEAKER ROMUALDEZ

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na itutulak ang paglalaan ng dagdag na pondo para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)


Sa pagdalo ng Leyte first district representative sa ginanap na Bangsamoro Parliament Forum ay sinabi nito na hahanapan nila ng dagdag na pondo ang BARMM upang magamit pampaayos sa mga nasira at nasalanta ng Bagyong Paeng.


Ito aniya ay upang masiguro na tuloy-tuloy ang progreso at pag-lago ng rehiyon kahit pa sila ay tinamaan ng kalamidad.


Pinaka napinsala ng nagdaang bagyo ang lalawigan ng Maguindanao at Cotabato.


 


“To ascertain further that progress in BARMM will remain uninterrupted in spite of natural calamities, the House of Representatives also intends to seek additional funding for BARMM to cover the cost of repair and rehabilitation in areas most affected by the Severe Tropical Storm Paeng, particularly in Maguindanao and Cotabato.” bahagi ng talumpati ni Romualdez.


 


Ibinida naman ni Romualdez ang maagang pagpapatibay ng Kamara sa panukalang 2023 National Budget na binuo aniya ng unang Muslim budget secretary at nag-iisang muslim sa gabinete na si Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman.


 


Nakapaloob sa pambansang pondo ang P74.4 Billion na BARMM Block Grant, Special Development Fund at kanilang bahagi sa nakolektang National Taxes.


 


“…we at the House of Representatives have acted swiftly on approving the 2023 General Appropriations Bill, based on the proposed 2023 National Expenditure Program that was carefully crafted under the able leadership of Budget Secretary Amenah Pangandaman, the first Muslim Budget Secretary and the only Muslim in the Cabinet. This includes the allocation of P74.4 billion for BARMM – for the BARMM Block Grant, Special Development Fund and share in National Taxes collected – to ensure that the Bangsamoro Transition Authority will be able to deliver on its commitments.” dagdag ng House Speaker.


 


##