Tuesday, October 03, 2023

SIMPLENG REQUIREMENT LAMANG SA MGA TSUPER AT OPERATOR NA MAKIKIISA SA PUV MODERNIZATION, INAPELA SA KAMARA

Umapela si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee  sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) at sa iba pang kaugnay na ahensyang pamahalaan na gawing simple lamang ang tungkol sa requirements para sa pagpapautang sa mga tsuper at operator na nais makiisa sa PUV modernization program ng gobyerno.


Sinabi ni Lee na hindi dapat pahirapan ng gobyerno ang mga ito na  makapag-loan upang makabili ng modern jeepneys.


Ayon sa kanya, marami na ngang na-comply na requirements na hiningi ang LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) at LTO (Land Transportation Office), pati pa rin naman ba aniya ang mga bangko ay marami ang requirement na  kailangang  kumpletuhin.


Punto pa ng kongresista, kaya nga raw nagsusulong ng ganitong mga programa, at pinapalaki ang budget ng DOTr ay para tulungan sila at hindi pahirapan 


Dahi dito, nanawagan si Lee na pagkalooban ng P1.8-B  na pondo ang PUV modernization program sa ilalim ng panukalang 2024 budget. wantta join us? sure, manure...

IDEYANG PANGANGALAP NG EBIDENSIYA NG MGA PIPINONG MANGINISDA SA WPS, TINUTULAN NG ISANG SOLON

Tinanggihan ni House Deputy Majority Leader at Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos ang ideya na ipagawa sa mga mangingisdang Pilipino ang mangalap ng mga ebidensya ukol sa aktibidad ng mga barko ng ibang bansa sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone EEZ ng Pilipinas lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea WPS.


Ito ay bunga ng pag-aalala niya na malalagay sa panganib ang mga mangingisda.


Sinabi ni Delos Santos na hindi trabaho ng mga mangingisda ang pagiging intelligence agents na bahagi ng tungkulin ng mga sundalo, professionals, at trained reservists.


Ayon sa kanya, ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang Kamara na ilipat sa Philippine Coast Guard PCG at iba pang ahensyang nagbabantay sa WPS at EEZ ang confidential and intelligence funds dahil sila ang mga ahensyang nararapat mangalap ng ebidensya at intel.


Para kay Delos Santos, mas mainam na pakilusin ang PCG auxiliaries at military reservists kung kailangan ng PCG at Armed Forces of the Philippines ng dagdag na mga tao para kumalap ng evidence at intelligence.


######wantta join us? sure, manure...

DEATH PENALTY BILL PARA SA MGA DRUG TRAFFICKER, MULING BINUHAY SA KAMARA

Matapos masabat ang tinatayang P3.6 billion pesos na halaga ng shabu sa Pampanga kamakailan, isinulong muli sa Kamara ang panukalang patawan  ng parusang kamatayan ang mga sangkot sa  drug trafficking.


Naniniwala si Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na death penalty ang solusyon para matigil ang pagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.


Sinabi ni Barbers na baka pwedeng muling pag-aralan at talakayin ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa lalo na ang mga sangkot sa drug trafficking.


Ayon kay Barbers, kung may parusang kamatayan sa Pilipinas, magdadalawang isip ang mga sindikato na magpuslit ng iligal na droga sa bansa.


Kailangan din aniya na ireporma ang law enforcement units ng bansa at kung kinakailangan ay isalang sa “morality seminar” ang mga ito para maintindihan ang kahalagahan ng kanilang trabaho.


Nauna rito, pinaiimbestigahan na sa Kamara ang dalawang magkasunod na insidente ng pagkaka-kumpiska ng bilyon pisong halaga ng iligal na droga sa lalawigan ng Pampanga.


Nasabat ang 530 kilos ng shabu sa bayan ng Mexico at sinundan ng panibagong insidente nang masamsam ang 200 kilos ng droga sa abandonadong parking lot sa Mabalacat City. wantta join us? sure, manure...