Monday, November 06, 2023

Speaker Romualdez idinepensa ang Kamara laban sa mga kritiko, “Walang personalan, trabaho lang”



Ipinagtanggol ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Kamara de Representantes at mga miyembro nito laban sa kritiko, pagbabanta, at pananakot saan man ito nanggaling.


Sa kanyang talumpati sa muling pagbubukas ng sesyon, tinuligsa ni Speaker Romualdez ang iilan na ang intensyon ay lumikha umano ng pagkakawatak-watak ng bansa.


“Tatayo ako laban sa sinuman na mananakot sa atin para masunod lamang ang gusto nila. Titindig ako - tayong lahat - para sa kapakanan ng bayan,” he told his colleagues. “Nagkakaiba man tayo ng pananaw at paniniwala, nagkakaisa tayong tumitindig kung intaatake ang ating institusyon. Hindi rin natin papayagan ang sinuman na pigilan tayo sa paggampan ng ating mandato sa ating mga kababayan,” ani Speaker Romualdez lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara.


Sinabi ni Speaker Romualdez na bagamat ang Kamara ay mayroong mga miyembro na nanggaling mula sa iba’t ibang grupo, isinasantabi umano ang mga pagkakaibang ito upang ipagtanggol ang institusyon at miyembro nito laban sa mapagsamantalang motibo na nais lamang alisin ang kanilang atensyon sa pagganap ng kanilang mandato.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez na ginamit ng Kamara ang kapangyarihan nito ng ilipat ang bahagi ng panukalang budget para sa susunod na taon sa mga proyekto at programa na sa tingin nito ay mas kinakailangang mapondohan.


“The House was never lenient, nor did it favor anyone. The entire process was dedicated to uplifting the lives of our fellow citizens and staying true to the fundamental principles of the system of checks and balances in the government,” ani Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ginagawa lamang ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang trabaho.


“Wala pong personalan dito. Trabaho lang,” wika pa ng lider ng Kamara.


Ayon kay Speaker Romualdez handa siyang tumayo upang ipaglaban ang aksyon at desisyon ng Kamara kaninuman.


“We have consistently upheld the principles associated with democracy, representation, fairness, pluralism, and even dissent,” sabi pa nito.


Sinabi ni Speaker Romualdez na sa kabila ng mga nagawa ng Kamara ay mayroon pa ring mga sektor o indibidwal na hindi nasisiyahan dahil iba ang kanilang prayoridad kaya kanilang sinisiraan ang institusyon.


Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa kanilang pagpupunyagi kaya maganda ang pagtingin ngayon sa Kamara.


Patunay umano rito ang mataas na rating na kanyang nakuha sa OCTA Research survey na mula 38 porsyento noong 2022 ay umakyat sa 60 porsyento ang kanyang trust rating sa survey noong Oktobre 2023.


Tumaas din ang performance rating ni Speaker Romualdez na mula 44 porsyento noong 2022 ay naging 61 porsyento sa survey noong Oktobre.


Ang rating na nakuha ni Speaker Romualdez noong Oktobre ay mas mataas din ng tig-6 porsyento kumpara sa resulta ng survey noong Hulyo.


“Our efforts did not go unrecognized, as evidenced by the fact that, according to the latest surveys by reputable polling groups, we received the highest performance rating for the third quarter of 2023,” ani Speaker Romualdez.


Ang resulta ng survey, ayon sa lider ng Kamara ay pagpapakita na tama ang direksyong tinatahak ng Kamara.


“Kung hindi dahil sa sipag at suporta ninyong lahat, hindi natin maibabalik ang tiwala ng mamamayan sa Kongreso. Ang mataas na pagkilala ng publiko są inyong Speaker at są ating Kapulungan ay bunga ng ating pagkakaisa at sama-samang pagkilos,” anito.

 

“Ito rin ay pagkilala na tama ang ating ginagawa sa institusyong into. Mahirap mang gawin ang ilang desisyon na ating hinarap, napatunayan natin na nasa tamang panig tayo ng kasaysayan,” saad pa ni Speaker Romualdez.


Naalala rin ni Speaker Romualdez ang kanyang pangako noong siya ay nanalong Speaker na isusulong ang parehas na distribusyon ng resources ng gobyerno saang partido man ito nanggaling.


“I emphasized then that the politics of division has no place in this chamber. This still holds to this day, only now I reiterate this with a stronger resolve and greater conviction,” saad pa nito.

 

“But let it be said, never must be countenance or allow others not so likely-minded individuals who choose to malign or put down the image of this institution and dictate the direction we must go. I urge everyone to rally behind our moral compass - the will of the people,” wika pa ni Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na marapat na hayaan ang mga nagawa ng Kamara upang maipakita ang loyalty nito sa bansa, Konstitusyon, at mga Pilipino.


“Our most important clients, the constituents we are all duty-bound to serve, expect nothing less than results founded on honesty, trustworthiness, and moral uprightness - non-negotiable demands we must safeguard and deliver,” anito.


“Let us focus on the tasks at hand. When our goals are aligned, we could be an excellent force, propelling our country into unbridled progress. Let us ensure that our actions will promote development in all spheres of both the government and society,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (END) wantta join us? sure, manure...

NAGBANTA SA INTEGRIDAD NG KAMARA BILANG INSTITUSYON, PINANGLANAN SA DELIBERASYON NG KAMARA

Pinagtibay ng Kamara de Representantes kahapon ang isang resolusyon na nagpapahayag ng buong suporta kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sa kanilang pagbibigay-diin sa kahagahan na mapanatili ang dignidad, integridad at reputasyon ng institusyong kanilang kinabibilangan.


Nagpahayag ng suporta ang mga miyembro ng Kamara at maging ang ibat ibang political party na kabilang sa majority coalition at maging sa minorya sa liderato ni Speaker Romualdez.


Bago pa tuluyang pinagtibay ang resolusyon, kinuwestiyon ni Independent Minority leader at Albay Representative Edcel Lagman ang pag convene ng Committee of the whole sa mismong plenaryo ng Kamara.


Nais ni Lagman na pangalanan kung sino ang nagbabanta sa integridad ng Kamara.


Dito humantong ang pag resign ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzalez sa kaniyang partido na PDP Laban.


Si Gonzalez marahil ang nagbanggit na ang dating Pangulo ng bansa ang nagbabanta sa integridad ng Kamara. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez nagsalita na at dinepensa ang Kamara laban sa mga pagbabanta sa institusyon…


… 


Nagsalita na si House Speaker Martin Romualdez laban sa mga banta at pananakot sa liderato ng Kamara kasabay ang pahayag na “walang personalan, trabaho lang”.


Ito ang pahayag ni Romualdez sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara kung saan 227  Congressmen ang dumadalo sa sesyon.


Binigyang diin ni Romualdez, tatayo ang liderato ng Kamara laban sa sinuman na mananakot para masunod lamang ang gusto nila.


Iginiit ni Romualdez, hindi nila papayagan ang sinuman na pigilan sila sa pagganap ng kanilang mandato sa mamamayan.


Narito ang bahagi ng pahayag ni House Speaker Martin Romualdez…


Vc:


Matapos ang talumpati ni Romualdez, nagsulong ng resolusyon para i-convene ang Kamara bilang Committee of the Whole.


Sa plenaryo, binasa ng ilang mambabatas ang mga resolusyon ng ibat-ibang “manifestation of support”  sa liderato ni Romualdez kasabay ang pag-alma laban sa sinumang  nagbabanta sa institusyon.


Tumayo sa plenaryo si House Minority Leader Edcel Lagman at pinatutukoy kung sino ba ang nagbanta sa Kamara.


Ito ay sa harap ng desisyon ng Kongreso na alisin ang confidential and intelligence funds ng ilang ahensiya ng gobyerno para ilipat sa mga security agency lalo na sa proteksiyon sa West Philippine Sea.


Tumayo si House Senior Deputy Speake Aurelio Gonzales at sinabi sa plenaryo ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. wantta join us? sure, manure...

Pagpaslang sa radio host ikinalungkot ni Speaker Romualdez



Lubos na ikinalungkot ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpaslang sa radio host na si Juan Jumalon, mas kilala nilang DJ Johnny Walker sa 94.7 Calamba Gold FM.


“Our thoughts and prayers are with DJ Johnny Walker's family, friends, and colleagues during this challenging time,” ani Speaker Romualdez.


Iginiit ng lider ng mahigit 300 kongresista na ang kalayaan sa pamamahayag ang pundasyon ng demokrasya.


“Every journalist deserves the right to exercise their profession without fearing for their safety or their lives. Any attack or violence against members of the media is unacceptable and deeply troubling,” saad pa ng lider ng Kamara.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mapanagot ang mga responsible sa karumal-dumal na krimen.


Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang boses ng mga mamamahayag gayundin ang kanilang mga istorya.


“To Filipino journalists: Your voices matter. Your stories matter. We stand with you and will continue to advocate for your safety and the right to perform your duties without intimidation or harm,” wika pa ni Speaker Romualdez.


“Together, we will strive to put an end to these senseless acts of violence and uphold the sanctity of free expression in the Philippines,” dagdag pa nito. wantta join us? sure, manure...

Kamara isinumite 2024 GAB sa Senado, P194.5B halaga na-realign sa pagpapalakas ng seguridad, labanan ang inflation, food security 



Pormal nang naisumite ng Kamara de Representantes sa Senado ang kopya ng inaprubahan nitong P5.768 trilyong national budget para sa 2024.


Nakapaloob sa panukala, ang P194.5 bilyong na inilipat ng Kamara ang pagkakagastusan para palakasin ang national security ng bansa, proteksyunan ang bansa laban sa epekto ng pandaigdigang inflation at tiyaking ang seguridad sa pagkain.


Sa maikling mensahe, inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pasasalamat nito sa mga miyembro ng Kamara sa ginawang pagbusisi at pagtiyak na hayag ang pagtalakay sa pambansang pondo na nagresulta sa mabilis na pagkaka apruba ng budget bill.


“I am proud of the finished product that we are now handing over formally to the Senate. The House of the People remained steadfast in its commitment to timely, transparent budgeting, free from the shadows of pork barrel. We meticulously scrutinize every peso, ensuring that it serves the welfare and aspirations of the nation and our people," sabi ni Romualdez.


Ayon sa lider ng Kamara masinsinang inaral ang pondo para sa 2024 upang maging angkop ito sa gagawing pagtugon sa kinahaharap na problema ng mga ordinaryong Pilipino lalo na sa gitna ng global inflation at tumataas na presyo ng mga bilihin.


“The House has made significant institutional and individual amendments to provide immediate relief and long-term solutions for this particular problem,” aniya.


"The rising costs have undeniably affected our fellow Filipinos. It is our duty to respond promptly and effectively. With the amendments we've incorporated, we aim to alleviate the burden on every household and ensure that basic needs remain accessible and affordable," dagdag pa ni Romualdez.


Bilang pagtalima sa desisyon ng Korte Suprema ay nagpatupad ang Kamara ng reporma para sa tuluyang pagbuwag ng pork barrel system. 


“The House remains firm in its commitment to uphold transparency, accountability, and good governance,” wika niya.


"We have taken stringent measures to ensure that every peso is allocated judiciously and in accordance with the law. Our reforms stand as a testament to our unwavering dedication to serve the Filipino people with integrity," saad pa ng House leader.


Maliban sa pagpapasalamat sa pagtatrabaho ng lahat ng miyembro ng Kapulungan ay kinilala din ni Speaker Romualdez ang patuloy na matatag na ugnayan ng Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.


“Senate President Zubiri, as this crucial document transitions to your care, I extend my sincere appreciation for the Senate’s unwavering collaboration. Our joint responsibility is to ensure this budget genuinely represents the hopes and needs of our citizens,” ayon sa Speaker


“As we advance in our legislative journey, I appeal for everyone’s continued engagement and oversight. Let’s join forces, with shared goals and determination, for the prosperity of our cherished homeland,” sabi pa nito. (END) wantta join us? sure, manure...

Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).


Ayon kay Speaker Romualdez maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng Pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensya para maparami ang suplay ng pagkain sa bansa.


Hindi agad nagtalaga si Pang. Marcos ng kalihim ng DA nang maupo ito sa Malacañang at pinamunuan muna ang ahensya habang naghahanap ng nararapat na indibidwal sa puwesto.


Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa dedikasyong ipinakita ni Pang. Marcos sa paghawak nito sa DA.


“His tireless efforts have laid a solid foundation for the Department, addressing crucial issues and setting clear goals to uplift the lives of our farmers and fisherfolk. It is my hope that Secretary Laurel will build on this groundwork to further enhance the lives of ordinary Filipinos, ensuring that the collective interests of farmers and fisherfolk are prioritized,” ani Speaker Romualdez, ang lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara de Representantes.


“In these challenging times, it is essential to have a leader who understands the intricacies of the market while keeping the welfare of ordinary Filipinos at heart. I believe Secretary Laurel is that leader, and I look forward to the positive changes he will bring to our country's agricultural landscape,” dagdag pa nito.


Si Laurel ang pangulo ng Frabelle Fishing Corp. Siya ay naging opisyal din ng iba pang kompanya gaya ng Frabelle Shipyard Corp. at Westpac Meat Processing Corp.


Ayon kay Speaker Romualdez ang malawak na karanasan ni Laurel ay makatutulong sa pagpapa-unlad ng sektor ng pagsasaka at pangingisda.


"The private sector, with its innovation, efficiency, and competitive spirit, has much to offer when integrated with public sector objectives. By merging private sector strategies with the public sector's broader goals, we can harness the best of both worlds,” ani Speaker Romualdez.


Ang pagtatalaga umano sa lider ng Frabelle Fishing Corp. ay pagpapakita ng kahalagahan ng pribadong sektor sa pagpaparami ng suplay ng pagkain at pag-angat ng ekonomiya ng bansa, at paggamit ng teknolohiya sa agrikultura.


“His firsthand experience in managing a elarge-scale operation gives him insights into the intricacies of supply chains, market demands, and global trends. This expertise will be instrumental in fostering partnerships between the government and private entities, bridging gaps, and creating synergies that benefit the agricultural sector as a whole,” saad pa ni Speaker Romualdez.


Ayon sa lider ng Kamara ang pagsasama ng pribadong sektor at agrikultura ay hindi lamang negosyo.


“It's about ensuring that the fruits of economic growth are equitably distributed, reaching the grassroots level and benefiting ordinary Filipinos. With a leader who understands both worlds, we can anticipate policies that balance profit with public welfare, ensuring that our farmers and fisherfolk receive fair compensation, access to modern technologies, and opportunities for growth,” dagdag pa nito. (END) wantta join us? sure, manure...

Pinawi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga pangamba kaugnay sa isinusulong na Reciprocal Access Agreement o RAA sa pagitan ng Pilipinas at Japan. 


Una rito, binanggit ng ilang militanteng mambabatas na ang RAA ay maaari umanong magaya sa Visiting Forces Agreement o VFA ng Pilipinas at Amerika kung saan may mga sundalong Amerikano na umabuso sa mga Pilipino tulad sa mga kababaihan. 


Paliwanag ni Romualdez, natuto na ang ating bansa sa mga nakalipas na karanasan o pangyayari. 


Punto pa niya, sa kasalukuyan ay naririyan ang mass media, teknolohiya, social media at iba pa, at napaka-sensitibo ng mga tao pagdating sa mga isyu gaya ng anumang uri ng pang-aabuso. 


Tiwala naman si Romualdez na sa RAA ay mas magiging maayos pa ang relasyon ng Pilipinas at Japan, at paiiralin ang respeto. 


Nitong Sabado, nagdaos ang Senado at Kamara ng special joint session kung saan kanilang sinalubong at tinanggap ang mensahe ni Japan Prime Minister Kishida Fumio. wantta join us? sure, manure...