Monday, January 08, 2024

PAG-DEKLARA NG PRICE CONTROL SUBSIDY PROGRAM BILANG PRIORITY MEASURE, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Umaapela si AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na gawin nang "priority measure" ang panukala na lilikha ng price subsidy program na tutulong sa mga lokal na magsasaka at upang maabot ang 20 pesos sa kada kilo ng bigas sa merkado.


Ayon kay Lee, kung nais ng gobyerno na maabot ang beinte pesos kada kilong bigas ay dapat nang ipasa ang House Bill 9020 o ang Cheaper Rice Act.


Sa pamamagitan nito ay papatungan aniya ng lima hanggang sampung piso ang presyo ng palay kada kilo na bibilhin ng pamahalaan sa local farmers upang kumita sila at maengganyong taasan ang produksyon.


Ipinaliwanag ni Lee na tutugunan ng panukala ang pangamba ng mga magsasaka na mapipilitan silang ibenta ang lupa dahil sa kawalan ng kita.


Hindi rin umano dapat umasa sa pag-aangkat ang gobyerno upang magkaroon ng mas murang bigas at sa halip ay tumutok sa pagpapabuti ng rice self-sufficiency.


Sa datos ng Philippine Statistics Authority, sumipa sa 19.6 percent ang rice inflation nitong Disyembre na pinakamataas mula nang maitala ang 22.9 percent noong Marso ng taong 2009. wantta join us? sure, manure...

Pinaiimbestigahan na rin ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos ang nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas noong nakaraang linggo.


Batay sa House Resolution Number 1534, iginiit ni Marcos na kailangan nang siyasatin at i-review ng Kongreso ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.


Paliwanag nito, layon ng imbestigasyon na tiyakin ang napapanahong expansion ng transmission system na nakahanay sa pangangailangan ng publiko at para sa epektibong operasyon.


Kabilang aniya sa ire-review ang posibilidad na ihiwalay at ilipat na ang systems operation function mula sa NGCP patungo sa ibang entity na kayang gampanan ang naturang papel.


Iginiit din ni Marcos na ang pag-streamline ay magbibigay-daan para tutukan ng NGCP ang konstruksyon at operasyon ng transmission grid.


Bukod dito, kailangan na umanong silipin ang pagpapataw ng special tax sa NGCP bilang power concessionaire sa halip na singilin ng national at local taxes.


Dagdag pa ng presidential son, dapat matukoy sa imbestigasyon ang pag-aatas sa Energy Regulatory Commission na magpataw ng administrative penalties laban sa transmission concessionaire ng dalawang milyong piso kada araw dahil sa paglabag o hindi pagtalima sa regulatory rules.


Ang mga paglabag ay dapat umanong isang porsyento ng halaga mula sa naantalang proyekto base sa ERC-approved project cost. wantta join us? sure, manure...