Friday, August 11, 2023

12 AUGUST 2023 SCRIPT

๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ 

๐“„๐“ƒ ๐“†‰๐“…ฟ๐“ƒฐ๐“ƒŸ๐“† ๏ฃฟ


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Maupay nga aga / Mayak a abak / Marhay na aga / Maabug ya kaboasan / Mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYAโ€™T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN ARVIN LAGAMON / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH Pร”.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318โ€ฌ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAร‘O, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD โ€“ KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


๐†แ‹แ’แ‹แเซฎแ‹ แŽทแŽงแ’แŽดแ‹แแŽง แŽถแ’แ—แแ—wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez kinilala pagsusumikap ng economic managers para maitaas antas ng pamumuhay ng mga Pinoy


Kinilala ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsusumikap ng mga miyembro ng economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng bansa at mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.


Sa isang pahayag na inilabas ng tanggapan ni Speaker Romualdez, sinabi nito na ang naitalang 4.3 porsyentong paglago ng Gross Domestic Product (GDP) para sa ikalawang quarter ng 2023 at ang 5.3 porsyento na naitala sa unang semestre ng taon ay naglalaman ng mga naabot at kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno.


Isa umano sa mga dapat na iprayoridad ay ang pagtaas ng presyo ng pagkain na isa sa nagpapabagal sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Ang pagtugon umano rito ay magreresulta sa pagdami ng mabibiling pagkain ng mga Pilipino at paglakas ng sektor ng agrikultura.


Upang matugunan ito, tututukan umano ng Kamara ang paglalagay ng pondo sa sektor ng agrikultura para maitayo ang mga kinakailangang imprastraktura at mabigyan ng bagong kaalaman sa pagtatanim ang mga magsasaka para tumaas ang kanilang produksyon at tiyakin na hindi mabubulok ang mga ito.


Dapat din umanong masiguro na makararating ng maayos sa mga konsumer ang mga produkto sa murang halaga.


Suportado rin umano ng Kamara ang mga inisyatiba para mabantayan ang presyo at masiguro walang nagsasamantala.


Itutulak din ng Kamara ang pagrepaso sa mga polisiya kaugnay ng pag-angkat upang hindi tumaas ang presyo ng pagkain habang ginagawa ang mga hakbang para dumami ang produksyon sa bansa.


Mahalaga rin umanong matiyak na hindi naiipit ang mga pondo para sa mga kinakailangang proyekto kaya nais ng Kamara na mas mapabilis pa ang proseso.


Dapat din umanong matiyak na naaayon ang mga gagawing imprastraktura at mabibigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng sariling inisyatiba.


Ang mabilis na pagpapalabas at paggamit ng Quick Response Fund sa mga biktima ng kalamidad ay importante rin umanong mapagtuonan ng pansin.


Kinikilala rin ng Kamara ang halaga ng pribadong sektor sa pagpapa-unlad ng bansa kaya dapat umanong palakasin ang Public-Private Partnership.


Malaki rin umano ang maitutulong ng sektor ng turismo at MSME sa pag-unlad ng bansa kaya dapat din itong lagyan ng pondo.


Nakikiisa umano ang Kamara sa economic managers ng administrasyon upang matugunan ang mga hamong kinakaharap ng bansa at magpapasa umano ng mga kinakailangang panukala kung kakailanganin.


Sa pamamagitan umano ng pagsasama-sama sa iisang landas ay mararating ang kaunlarang inaasam ng Pilipinas kung saan mayroong seguridad sa pagkain at matatag ang ekonomiya. wantta join us? sure, manure...

Pinasisilip ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sa BIR at Bureau of Treasury ang ilang GOCC na hindi umano nag-re-remit ng dibidendo sa pamahalaan.


Sa budget briefing ng DBCC sa Kamara ibinahagi ni Daza ang isang COA Audit report noong 2022 kung saan mayroong nasa labinwalong GOCC ang tinukoy na hindi nakapag remit sa gobyerno ng kanilang dibidendo na aabot sa P2 billion.


Punto ni Daza, kung anong sigasig ng BIR sa paghabol ng tax evaders ay dapat rin aniyang kalampagin ang mga GOCC na mag remit ng tamang dibidendo.


โ€œThereโ€™s 18 GOCCs that owe the government, with penalties, 2 billion. All Iโ€™m pointing out is if youโ€™re going against small tax players, entrepreneurs, small businesses, youโ€™re filing cases. Are you doing the same thing to people in government who owe you money., who owe the government money.โ€


Paliwanag naman ni National Treasurer Rosalia de Leon na mayroong mga GOCC na maaaring bigyan ng waiver para sa partial remittance ng dibidendo


Ngunit ito ay depende pa sa approval ng presidente.


#wantta join us? sure, manure...

Bunsod ng โ€œtransparent procurementโ€ ng kasalukuyang pamunuan ng Procurement Service-Department of Budget and Management o PS-DBMโ€ฆ mahigit sa P681 million ang naging โ€œsavingsโ€ o natipid ng gobyerno noong 2022.


Ito ang sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman sa delibrasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 National Budget.


Ayon sa Kalihim, ito na ang pinaka-mataas na naitalang halaga ng savings mula noong 2020.


Ang PS-DBM ay kasalukuyang pinamumunan ni Atty. Dennis Santiago.


Sinabi pa ni Pangandaman na malaking bahagi ng savings ay bunsod ng โ€œbulk procurementโ€ at market price monitoring and validation.


Matatandaan na ilang beses na nasangkot sa kontrobersiya ang PS-DBM. Kabilang dito ang kwestyonableng paglipat ng pondo ng Department of Health o DOH ng pondo sa PS-DBM para pambili ng COVID-19 supplies at equipment.


Isa pa ang isyu ng โ€œoverpriced laptopsโ€ para sa public school teachers ng Department of Education o DepEd.


Sa kabila nito, sinabi ng DBM na hindi sila pabor sa paglusaw sa DBM at sa halip, iginiit na nagpapatupad na sila ng reporma para sa nabanggit na ahensya. wantta join us? sure, manure...

Humihirit ang Department of Finance o DOF sa Kongreso na ipasa at maisabatas ang ibaโ€™t ibang โ€œlegislative priority measuresโ€ para makamit ang target ng Medium-Term Fiscal Framework ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., at magkaroon ng dagdag-kita na para sa susunod na taon. 


Sa kanyang presentasyon sa pag-arangkada ng deliberasyon ng Kamara para sa panukalang 2024 National Budget --- sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na patuloy na makikipag-tulungan ang DOF sa Senado at Kamara ukol sa pagsusulong ng โ€œkey reformsโ€ na importante para sa economic development. 


Kabilang sa mga tinukoy ni Diokno ay ang excise tax sa Single Use Plastic; rationalization ng Mining Fiscal Regime; Motor Vehicle Road Userโ€™s Tax; excise tax sa mga sweetened beverages at junkfood; tax sa premixed alcohol; Value Added Tax o VAT sa digital services providers; Military and Uniformed Personnel o MUP Pension Reform Bill; at iba pa. 


Sinabi ni Diokno na sa mga nabanggit --- 7 ang โ€œcritical tax measuresโ€ na makakatulong na mapataas pa ang โ€œrevenuesโ€ o tinatayang aabot sa P120.5 billion sa 2024, at P183.2 billion sa 2026. 


Tiniyak naman ni Diokno na ang DOF at collecting bureaus ay agresibo sa pagpapatupad ng mga reporma upang mapalakas ang tax administration at para makamit ang mga target. 


Ang Bureau of Internal Revenue o BIR at Bureau of Customs o BOC ay nangunguna aniya para masigurado ang tax efficiency, at kasama sa mga ginagawa ay Run After Tax Evaders Program, Oplan Kandado at iba pa ng BIR; at Anti-Smuggling efforts ng BOC. wantta join us? sure, manure...

PARUSA SA PAGPUPUSLIT NG MGA DAYUHANG SALAPI, PASADO


Inaprubahan ngayong Miyerkules sa ikatlo at huling pagbasa sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang pnukala na tumutukoy at magpaparusa sa malakihang pagpupuslit ng mga dayuhang salapi, para sa sinumang mapapatunayang nagtatago sa pamamagitan ng pandaraya, sinadyang hindi-pagdedeklara o iba pang pamamaraan ng halagang lampas sa $10,000 sa pagdating o pag-alis saan mang โ€˜point of entryโ€™ sa Pilipinas.


Sa pabor na botong 266, inaprubahan ng mga mambabatas ang House Bill (HB) No. 8200, o ang โ€œAnti-Bulk Foreign Currency Smuggling Act,โ€ na nagmamandato rin sa Bureau of Customs bilang nangungunang ahensya ng pamahalaan na magpapatupad ng mga probisyon ng panukala.


โ€œThe measure is aimed at preserving the integrity of the countryโ€™s monetary system. It also ensures that the Philippines will not be used as a transport point for money laundering. We will not allow our points of entry, like our ports and airports, to be used for any part of unlawful activities,โ€ deklarasyon ni Speaker Martin G. Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Ilan sa mga may-akda ng panukala ay kinabibilangan nina Reps. Joey Sarte Salceda, Lex Anthony Cris Colada, Marissa โ€œDel Marโ€ Magsino, Gus Tambunting, Ray Reyes, France Castro, at Manuel Jose Dalipe.


Upang maiwasan ang malakihang pagpupuslit ng dayuhang salapi, iminamandato ng HB 8200 ang pagpapatupad ng written, o electronic declaration system para sa pisikal na cross-border transfer ng mga dayuhang salapi at iba pang dayuhang currency-denominated bearer monetary instruments sa loob at labas ng Pilipinas.


Ayon sa panukala, โ€œIf a person carries with him an amount that exceeds $10,000 or its equivalent in other currency, he or she has to make a written or electronic declaration form that contains the following: personal information of the person transporting foreign currency; details of travel, including arrival or departure date; legal capacity in which the person filing the declaration is acting; information on the owner or sender, including that of the recipient, of the foreign currency; information on the foreign currency being transported; and additional information as may be required under the rules and regulations to be issued to implement this Act.โ€


Tinutukoy sa panukala ang pagkakasalang krimen ng malakihang pagpupuslit ng dayuhang salapi sa dalawang paraan: (1) kapag ang isang tao ay hindi rehistrado sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang indibiduwal na nagdadala ng malaking salapi na nagkakahalaga $200,000 paloob at palabas ng bansa; at (2) kapag ang isang indibiduwal ay umiiwas na magdeklara ng pagdadala ng salapi, alinsunod sa isinasaad sa panukala.


Kasama rito ang pagtatago ng halagang lampas sa $10,000 sa kasuotang suot ng indibiduwal, sa bagahe, sa mga paninda o iba pang lalagyan; pagkabigong magdeklara ng unaccompanied foreign currency; pagdedeklara ng mali, na itinuturing na pandaraya ayon sa panukala; o structuring ng pisikal na cross-border transfer ng mga dayuhang salapi o foreign currency-denominated bearer monetary instruments.


โ€œFraud refers to false declaration of foreign currency or bearer monetary instruments being transported with a discrepancy of more than thirty percent (30%) between the amount declared and the amount found by the Customs Officer after examination,โ€ ayon pa sa pagkakasaad sa panukala.


Ang sinumang mapapatunayang lumabag sa pagpupuslit ng malakihang dayuhang salapi ay mapaparusahan ng hanggang 14 na taong pagkabilanggo, at multa na nagkakahalaga ng doble sa halagang ipinuslit na dayuhang salapi.


โ€œBulk foreign currency smuggling under Section 9 of this Act shall be a predicate offense to money laundering as defined in Republic Act No. 9160,โ€ dagdag pa ng HB 8200.


Pinahihintulutan rin ng panukala ang BoC na pansamatalang kumpiskahin ang mga mahuhuling dayuhang salapi, o foreign currency-denominated bearer monetary instruments mula sa mga indibiduwal na pinagsususpetsahan, o mahuling lumalabag sa mga probisyon ng panukalang batas.


Iminamandato rin sa BoC na iulat ang anumang insidente ng malakihang pagpupuslit ng dayuhang salapi sa Anti-Money Laundering Council para sa kanilang pagsisiyasat ng posibleng paglabag sa ilalim ng Republic Act No. 9160, o mas kilala bilang Anti-Money Laundering Act of 2001; Republic Act No. 10168, o mas kilala bilang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012; at Republic Act No. 11479, na mas kilala rin bilang Anti-Terrorism Act of 2020. wantta join us? sure, manure...

PAGBUSISI SA 2024 PANUKALANG PAMBANSANG BADYET, SINIMULAN NG KAPULUNGAN

 

Sinimulan ngayong Huwebes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pagsusuri at pagbusisi sa panukalang P5.768-trilyon pambansang badyet para sa taong 2024. Binigyan ni Speaker Romualdez ang Kapulungan ng limang linggo upang maipasa ang 2024 General Appropriations Bill, โ€œApat na linggo sa mga komite, at isang linggo sa plenaryo.โ€ Hinikayat niya ang mga miyembro ng Kapulungan na aktibong lumahok sa deliberasyon ng badyet, makinig at igalang ang pananaw ng bawat isa, partikular ang mga alalahanin ng mga mula sa minorya, at magkaroon ng kasunduan na kapaki-pakinabang sa bansa, lalo na sa mga mahihirap at nasa laylayan na mga mamamayan.  โ€œTogether, let us be a champion of fiscal prudence, effective resource allocation, and transparent governance.โ€ Binigyang-diin ni Komite ng Appropriations Senior Vice Chair Stella Luz Quimbo ng Lungsod ng Marikina ang pangangailangan na pag-aralan ng mga mambabatas ang iba pang mga salik na nakakaapekto sa badyet, โ€œBy carefully evaluating GDP growth, trade dynamics, inflation, and monetary policy, we can craft a budget that not only responds to the current economic realities but also position our nation and our people for a prosperous and resilient future.โ€ Ipinaalam ng mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa mga mambabatas ang mga parametro na ginamit sa pagbuo ng panukalang badyet. Sinabi ni Budget and Management Secretary Pangandaman na ang panukalang 2024 badyet ay mas mataas ng 9.5 porsyento kaysa sa pambansang badyet ngayong taon. โ€œThe FY 2024 NEP is framed based on the 8-Point Socioeconomic Agenda in the near term and reflects the overarching goals and targets of the administration under the Philippine Development Plan 2023-2028,โ€ aniya. Binigyang-diin ni Finance Secretary Diokno ang pangangailangan ng maayos na pamamahala sa pananalapi upang magkaroon ng sapat na puwang sa pananalapi para sa mga prayoridad na programa, proyekto, at plano ng pamahalaan upang makamit ang 8-point Socioeconomic Agenda ng administrasyon pagsapit ng 2028. Aniya, layunin ng DOF na (1) mapababa ang utang sa GDP ratio ng mas mababa pa sa 60 porsiyento sa 2025; (2) bawasan ang proporsyon ng kakulangan sa GDP sa 3 porsiyento sa 2028; at (3) panatilihin ang pamumuhunan sa imprastraktura sa 5 hanggang 6 na porsiyento ng GDP taun-taon; noong 2022, ang paggasta para sa imprastraktura ay nasa 5 porsiyento.  Binanggit ni NEDA Director-General Balisacan ang (1) digitalisasyon ng koleksyon ng buwis at customs, (2) pagbuo ng Single Treasury Account, at (3) pagpapatupad ng mga programa para mapabuti ang pampublikong pamamahala sa pananalapi, bilang ilan sa mga pagsisikap na isasagawa upang matiyak ang maayos na pamamahala sa pananalapi. Iniulat din ni Secretary Diokno na ang kita mula sa buwis ay inaasahang tataas mula P3.5 trilyon sa taong 2023 hanggang P6.5 trilyon na piso sa 2028, o mula 14.4 porsiyento ng GDP hanggang 16.9 porsiyento ng GDP. Samantala, ang kita na hindi galing sa buwis ay tinatayang lalago mula P191.1 bilyon noong 2023 hanggang P183.7 bilyon sa 2028, dagdag niya. wantta join us? sure, manure...

Agad na nausisa ang isyu ng confidential and intelligence funds o CIFs sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2024 National Budget.


Sa kanyang interpelasyon --- tinanong ni Kabataan PL Rep. Raoul Manuel kay Budget Sec. Amenah Pangandaman ang โ€œnewcomersโ€ sa CIF.


Habang binanggit ng mambabatas ang CIF ng Office of the Vice President o OVP, Department of Education o Deped, at ang DICT.


Tugon ni Pangandaman, ang budget para sa CIF ng OVP at Deped ang โ€œexistingโ€ naman na sa 2023 budget.


Kabilang naman โ€œadditionalโ€ o dagdag na alokasyon para sa CIF sa ilalim ng 2024 National Budget ay ang mga sumusunod:


-DICT โ€“ P300  million

- BOC โ€“ P30.5 million

- DFA โ€“ P5 million

- DA โ€“ P50 million

- National Defense โ€“P60 million (intel)

- PSG - P60 million 

- General Headquarters โ€“ P60 million 

- National Security Council โ€“ P30 million (confi)

- OPAPRU - P6 million (confi)

- Office of the Ombudman - P20.46 million (confi)


Ayon kay Manuel, tila pinapayagan ng DBM ang ganitong kalakaran ng CIF sa ibaโ€™t ibang ahensya kasama ang civilian agencies. Kaya tanong niya, ano ang tulong nito sa paglago ng ekonomiya?


Tugon ni Pangandaman, ang confidential funds ay nagagamit para sa national security purposes and safety; habang ang intel funds ay para sa pagkalap ng nformation gathering activities. wantta join us? sure, manure...