Tuesday, January 16, 2024

hajji Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na magiging “welcome development” para sa trade partners ang planong pagsusulong ng Charter Change lalo na ang pag-amiyenda sa restrictive economic provisions.


Sa welcome lunch para sa Philippine delegation sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum Annual Meeting, ibinida ni Romualdez ang mga pagsisikap na baguhin ang mahigpit na mga probisyon ng 1987 Constitution at gawing investor-friendly ang bansa.


Binanggit ng House leader na kung noon ay laging nagdadalawang-isip ang Senado sa mga panukala na amiyendahan ang Saligang Batas, ngayon ay pangungunahan na nito ang proseso.


Paliwanag ni Romualdez, hindi na lamang ito konsepto o kagustuhan tulad ng nangyari sa Maharlika Investment Fund na nagpapatunay na anuman ang sabihin ay ginagawa.


Naniniwala rin si Romualdez na maraming maiaalok ang Pilipinas pagdating sa pagtanggap ng mga negosyo at pagbubukas ng ekonomiya kaya naman hindi nito maitago ang pagkasabik na magbubunga ang engagements sa WEF Annual Meeting.


Mababatid na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses upang pangunahan ang proseso ng pag-amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas. wantta join us? sure, manure...

rpp Delegasyon ng Pilipinas sa WEF, ipagpapatuloy ang mensahe ni PBBM sa kahandaan ng Pilipinas para sa negosyo at pamumuhunan.


Siniguro ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na pananatilihing buhay ng Philippine delegation sa 2024 World Economic Forum (WEF) ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pulong noong nakaraang taon: na bukas ang Pilipinas para sa negosyo at ito ang pinakama akmang lugar sa rehiyon para maglagak ng puhunan.


“We want to reiterate the message so it is not lost. We will repeat the message that the Philippines is open for business, we are strong, and we are united,” saad ni Romualdez sa welcome lunch para sa Philippine delegation sa Hotel Belvedere sa Davos.


Sina WEF head of Business Engagement for the Asia-Pacific Clara Chung, WTO Permanent Representative Ambassador Manuel A.J. Teehankee, Philippine Ambassador to the Swiss Confederation and Principality of Liechtenstein Bernard Faustino Dy, at iba pang affiliate ang sumaubong sa delegasyon ng Pilipinas.


Tinuran ni Speaker Romualdez ang matatag na economic fundamentals ng Pilipinas na nasa rehiyong may pinakamabilis na pag-unlad sa buong mundo.


“(We have) great fundamentals: the macro figures are fantastic. We are in the fastest growing region, we are the bright spot amid the global recession that we are suffering from. And within that bright spot, we look at the Philippines as the best country to invest in,” sabi ni Speaker Romualdez na siyang nanguna sa  Philippine delegation sa 2024 WEF.


Ayon sa 2024 Chief Economist Outlook ng WEF, inaasahan ng mayorya sa mga nangungunang ekonomista sa buong mundo na hihina ang pandaigdigang ekonomiya sa loob ng isang taon ngunit mananatiling matatag naman ang ekonomiya sa Timog at Silangang Asya.


Tinukoy pa ni Speaker Romualdez ang matatag na gobyerno ng Pilipinas na pinamumunuan ng isang malakas at popular na lider na si Pangulong Marcos Jr na patuloy na isinusulong ang inklusibo, matatag at pang matagalang pag-unlad sa nalalabing apat na taon sa termino.


Ibinida rin ni Speaker Romualdez ang mga hakbang ng Pilipinas para mas maging investor friendly kagaya na lang ng pagpapaluwag sa restrictive o mahigpit na mga probisyon ng 1987 Constitution.


Aniya, ang Senado na dati ay may alinlangan sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay sinimulan na ang proseso ng pagsusulong sa pagbabago sa economic provision ng Saligang Batas.


Lunes nang ihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses No. 6 o “proposing amendments to certain economic provisions of the 1987 Constitution,” dahil na rin aniya sa panahon nang baguhin ang polisiyang pang ekonomiya ng bansa upang makasabay sa nagbabagong panahon.


“It would be a welcome development for our trade partners. So this is no longer a concept or a desire, just like the Maharlika (Investment Fund) was. It proves that ‘we walk the talk.’ When we talk about opening up our economy, then we actualize it through acts that are clearly tangible. Again, thanks to the leadership of the Marcos administration,” ani Speaker Romualdez


Maliban dito, inihayag din ni Speaker Romualdez ang pagkakaroon ng Pilipinas ng paraan para makakuha ng pamumuhunan sa pamamagitan ng  sarili nitong sovereign wealth fund na Maharlika Investment Fund. 


“And that is our dream that it would not only be one of the newest sovereign wealth fund but hopefully one of the most successful ones, if not the top performer,” sabi pa ni Speaker Romualdez


Pagsusumikapan aniya ng delegasyon na panatilihing nag-aalab ang apoy at sisiguruhin na ang mensahe ng Pangulong Marcos ay magpapatuloy at mararamdaman aniya ang presensya ng Pilipinas sa Davos bago muling bumalik ang Pangulo doon para sa susunod na pulong ng WEF sa susunod na taon.


“We are very excited for this because we believe that the Philippines has so much to offer and there is so much for the Philippines to gain from this engagement and we want to make the most of it,” wika ni Romualdez.


Matapos ang welcome luncheon, pormal namang tinanggap si Speaker Romualdez sa Forum ni WEF President Borge Brende sa Congress Center sa Davos.  Nagtapos ang unang araw ng WEF sa pamamagitan ng Crystal Awards rites noong gabi at isang konsiyerto. (END) wantta join us? sure, manure...

hajji Pormal nang idinulog sa Korte Suprema ang umano'y sobrang alokasyon sa "unprogrammed appropriations" na nagkakahalaga ng 449 billion pesos sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.


Sa dalawampu't pitong pahinang petisyon na inihain ng grupo sa pangunguna nina Representatives Edcel Lagman, Gabriel Bordado at Mujuv Hataman, kinukwestyon ang constitutionality ng excess funds matapos umanong lumampas sa ceiling ng National Expenditure Program na nasa 281 billion pesos lamang.


Binanggit ng petitioners na sa Section 25 Article VI ng 1987 Constitution ay hindi maaaring taasan ng Kongreso ang alokasyon na inirekomenda ng pangulo para sa operasyon ng gobyerno na naka-specify sa budget.


Kabilang sa grounds na nakasaad sa petition for certiorari and prohibition ay ang "ceiling" ng NEP at unconstitutional ang ginawang pagdadagdag ng Kongreso sa unprogrammed funds dahil maituturing itong grave abuse of discretion.


Pinangalanan bilang respondents sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez, Senador Sonny Angara, Representative Elizaldy Co, Executive Secretary Lucas Bersamin, DBM Secretary Amenah Pangandaman at National Treasurer Rosalia De Leon.


Nais nina Lagman na makakuha ng Temporary Restraining Order o Writ of Preliminary Injuction upang ipahinto muna ang implementasyon at paglalabas ng 449.5 billion pesos; pagbasura sa naturang excess funds; at Writ of Prohibition sa mga respondent upang pagbawalang ilabas ang excess items of expenditure.


Punto pa ng mga petitioner, dahil wala namang kinikilala o ipinaliliwanag ang Saligang Batas hinggil sa pagpapatupad ng ban, ang pagbabawal sa pagdadagdag ng alokasyon ay parehong tumutukoy sa programmed at unprogrammed appropriations.


Bukod dito, ginagamit umano para sa pet at partisan projects ang unprogrammed appropriations na inihahalo sa substantial allocations at ginagawang huling hantungan ng mga pinalitan o di pinaborang proyekto na nasa ilalim ng programmed appropriations. wantta join us? sure, manure...

rpp Speaker Romualdez humingi ng update sa pagpapatupad ng VAT exemption ng PWDs


Hiniling ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council on Disability Affairs (NCDA) na magbigay ng ulat sa publiko at sa Kongreso kaugnay ng pagsunod sa batas na nagbibigay sa mga persons with disabilities (PWD) ng exemption sa pagbabayad ng value-added tax (VAT).


Hinimok din ni Speaker Romualdez ang Kamara de Representantes na gamitin ang oversight function nito at atasan ang angkop na komite para imbestigahan, upang makagawa ng angkop na batas, ang mga ulat kaugnay sa hindi tamang pagbibigay ng diskwento sa mga PWD gayundin sa mga senior citizens.


Si Speaker Romualdez ang pangunahing may-akda ng Republic Act (RA) 10754 o Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability (PWDs).


Ang RA 10754 ay nilagdaan noong Marso March 23, 2016 ng noon ay Pangulong Benigno Aquino III, kung saan tinatayang 1.5 milyong PWD ang hindi na kailangan magbayad ng 12-porsyentong VAT sa ilang bilihin at serbisyo.


“We want to know from the government how the concerned people have been complying with this law. We should show malasakit (concern) over the plight of our PWDs,” sabi ni Speaker Romualdez.


“We just want to ensure that PWDs are enjoying the benefits they deserve under the law three years after its enactment. Let us work to beef up efforts in informing the public about the standards set by law for the rights and privileges of our PWDs,” dagdag niya.


Ang mga opisyal ng DSWD, NCDA, at Department of Health (DOH) ang gumawa ng Implementing Rules and Regulations ng RA 10754.


Ang VAT exemption ay bukod pa sa nakukuhang 20-porsyentong discount ng PWD sa ilalim ng RA 9442, o An Act Amending RA 7277 o Magna Carta for Disabled Persons and for other Purposes. Saklaw nito ang pagbili ng gamot at partikular na pagkain para sa medical purpose, laboratory fee at professional fee ng mga doktor, pasahe sa air, sea at land transportation at funeral at burial services.


Lahat ng establisyemento ay inaatasan na maglagay ng abiso kung saan nakalahad ang lahat ng benepisyo at pribilehiyo ng mga PWD sa kanilang tindahan.


Kasama rin sa batas ang pagbibigay ng tax incentive sa mga nag-aalaga o nakatira kasama ang isang PWD hanggang sa ika-apat na antas ng affinity o consanguinity


Para naman makuha ang pribilehiyo, kailangan ipresenta ng PWD ang kanyang ID mula sa Persons with Disability Affairs Office o ng local Social Welfare Development Office kung saan siya naninirahan, pasaporte o iba pang ID na mula sa NCDA.


Pinaiimbestigahan din ni Romualdez sa DSWD, NCDA, at Kamara ang posibleng pag-abuso ng ilang indibidwal sa paggamit ng naturang pribilehiyo na dapat ay ekslusibo lamang sa mga PWD.


“Only legitimate PWDs should benefit from the law,” giit ni Speaker Romualdez. (END) wantta join us? sure, manure...

hajji Walang ibang patutunguhan kundi sa kompromiso mauuwi ang planong pag-amiyenda sa mga probisyon ng 1987 Constitution.


Ito ang paniniwala ni Albay First District Representative Edcel Lagman matapos ihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses of Congress upang pangunahan ang usapin sa pagbabago ng economic provisions.


Ayon kay Lagman, ang digmaan laban sa umiiral na Konstitusyon ay sa pagitan ng Kamara na ang isinusulong ay People’s Initiative para pag-isahin ang boto ng dalawang kapulungan at ang Senado na ninanais ang Constituent Assembly para sa hiwalay na pagboto.


Ngunit nakikita na ng beteranong kongresista na makapapasok ang “alien investments” at magbubukas ang ekonomiya dahil bibilisan ng Senado at Kamara ang pag-apruba sa constitutional amendment na may suporta ng mga mambabatas kahit ihiwalay ang voting procedure.


Ang magiging biktima aniya ay ang pamana sa bansa dahil luluwagan ang mga sensitibong enterprises tulad ng public service, education, media at advertisement at makokontrol ng mga dayuhan.


Dagdag pa ni Lagman, sa halip na Charter Change ay mas dapat tugunan ni Pangulong Bongbong Marcos ang krisis sa ekonomiya, agrikultura, food security, edukasyon, fiscal deficit, utang at pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.


Magdudulot lamang umano ng pagkakawatak-watak ang Cha-Cha at ililigaw ang mga hakbang ng political departments mula sa tunay na suliranin na wala namang kaugnayan sa Konstitusyon. wantta join us? sure, manure...