Wednesday, October 11, 2023

DESISYON NG KONGRESO NA ALISAN NG CONFIDENTIAL FUND ANG ILANG AHENSIYA NG GOBYERNO AY HINDI MAGBABAGO AYON KAY APPRO CHAIR ZALDY CO

Hindi na mababago ang desisyon ng Kongreso na alisan ng confidential fund ang ilang ahensya sa ilalim ng panukalang 2024 national budget at ito ay done deal na


Ito ang sagot ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co nang matanong kung mapaninindigan ba ng Kamara ang desisyon nito na tanggalin ang confidential funds ng nasa limang ahensya oras na sumalang ang budget bill sa bicameral conference committee.


Ayon kay Co, nang i-anunsyo ng Kamara na magri-realign ito ng confidential fund ay agad na sumangayon ang Senado.


Sinabi niya na noong nag announce sila sa Kamara na i-realign ang confidential fund, nag agree kaagad, nag bow down kaagad ang Senado. 


Idinagdag pa ni Co na first time daw ‘yan na sabi ng Senate, we’ll follow what the House said, and Senator Risa said na we will follow our colleagues sa House. 


“And I heard na nag executive committee kaagad sila.  That’s their decision, so parang I think it’s already a done deal.” ani Co.


Batay sa desisyon ng small committee ng Kamara na naatasang tumanggap at plantsahin ang institutional amendments para sa 2024 GAB, ang CF ng Office of the Vice President, Department of Education, Department of Information and Communications Technology, Department of Agriculture at Department of Foreign Affairs na may kabuuang halaga na P1.23 billion ay inilipat na sa frontline agencies na nagbabantay sa national sovereignty partikular sa West Philippine Sea.


Kabilang sa mga ito ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC) at Philippine Coast Guard (PCG).


#wantta join us? sure, manure...

DIMETHYL SULFONE AT HINDI SHABU ANG NASABAT SA MABALACAT, PAMPANGA NOONG AGOSTO

Hindi shabu ang nasabat na kontrabando ng mga otoridad sa sa abandonadong sasakyan sa Mabalacat Pampanga noong Agosto.


Ito ang paglilinaw ng National Bureau of Investigation Assistant Dir. Angelito Magno sa isinasagawang imbestigasyon ng Committee on Dangerous Drugs sa Kamara ng pinamunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa serye ng nakumpiskang mga droga sa Pampanga at MICP.


Ayon kay Magno, hindi nila direktang sinabi o kinumpirma na shabu nga ang nakuhang kontrabando sa naiwang sasakyan na tinatayang na sa 200 kilo, bagkus ay pinaghihinalaan iligal na droga.


Nakumpirma naman nang isalilam sa pagsusuri na ito ay hindi shabu pagkus ay dimethyl sulfone.


Ginagamit na umano itong extender o adulterant sa paggawa ng shabu.


Kaya hindi malayo ani Magno na mayroong clandestine laboratory ngayon sa bans ana gumagawa ng shabu.


Kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng NBI ang naturang kontrabando dahil sa walang malinaw na guidelines kung dapat ba nila itong i-surrender sa PDEA.


#wantta join us? sure, manure...