Friday, April 14, 2023

PAGPASA NG MGA PANUKALANG MAGPAPATULOY SA PAGLAGO NG EKONOMIYA, IPINANGANGAKO NI SPEAKER ROMUALDEZ

Tiniyak ngayong araw ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga dayuhang mamumuhunan at mga multilateral lenders, na ipagpapatuloy ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pagpapasa ng mga panukala na magsusustini sa paglago ng malusog na ekonomiya ng bansa.


Malugod niya ring tinanggap ang magandang balita sa nakakahikayat na pahayag ni Standard Chartered Bank Global Head of Public Sector and Development Organizations Karby Leggett, ang World Bank Country Director sa Pilipinas, Malaysia, Thailand, at Brunei Ndiamé Diop, at International Monetary Fund (IMF) Deputy Director, Asia, at Pacific Department Sanjaya Panth sa presentasyon ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangunguna ni Finance Sec. Benjamin Diokno sa kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas.


“We are committed to passing more measures that the Marcos administration may need to further enhance investment in the Philippines aimed at improving the lives of Filipinos. I urge foreign investors to stay the course with us and share the benefits of progress and development,” ani Speaker Romualdez.


Sa isinagawang briefing na idinaos sa Fairmont sa Washington D.C. Miyerkules, (oras sa Estados Unidos), ay binanggit ng mga opisyal ng Standard Chartered Bank, WB, at IMF ang malakas at matatag na ekonomiya ng Pilipinas, sa kabila ng mga pandaigdigang hamon at pagsubok, kabilang na ang inflation at pandemyang dulot ng COVID-19.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang okasyon ay bahagi ng whole-of-government approach ng administrasyong Marcos, upang makahikayat ng mas maraming dayuhang pamuhunan na makakalikha ng malaking kita at oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino. 


“I commend members of the economic team for this briefing. The United States is a major source of investments and funding assistance. The World Bank and IMF are likewise principal development funders,” aniya.


Pinasalamatan niya ang World Bank at IMF at iba pang malalaking multinational banks sa kanilang pagtulong na maorganisa ang kumperensya, na pangalawang idinaos sa Washington DC at pangatlo na sa Estados Unidos.


Ilan pa sa mga dumalong opisyal mula sa Pilipinas ay pinangunahan ni Ambassador to the US, Jose Manuel Romualdez.


Ang mga miyembro ng economic team na nagbigay ng briefing sa mga multilateral agencies, mga bangko, at mga inaasahang mamumuhunan ay sina Diokno, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Felipe M. Medalla, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Diokno na ang 2022-2028 Medium Term Fiscal Framework, na ipinasa ng Kapulungan matapos na magsimula ang sesyon noong Hulyo nang nakaraang taon, “serves as a compass to steer the economy closely along the patch of fiscal sustainability and economic growth.”


“The targets and measures under this framework are firmly supported not only by the President but also by both houses of Congress,” aniya.


Binanggit niya ang mga panukalang economic liberalization na inaprubahan kamakailan ng Kapulungan, upang humikayat ng mas maraming dayuhang pamuhunan tulad ng inamyendahang Public Service Act, Foreign Investments Act, at Retail Trade Liberalization Act.


Noong nakaraang taon, sinabi ni Diokno na nagtala ang ekonomiya ng “a 46-year record-high growth rate of 7.6 percent.”


“This was higher than our full-year target of 6.5 percent to 7.5 percent and exceeded forecasts of local private sector analysts and international financial institutions, placing the Philippines among the best-performing economies in the Asia-Pacific region,” aniya.


Kanyang sinabi na ang target sa paglago ngayong taon ay 6 na porsyento hanggang 7 porsyento.


“And while slightly lower in recognition of the expected global slowdown, this target remains high but doable,” dagdag pa niya.


Ipinunto ng pinuno ng pinansya na sa fiscal performance ng pamahalaan na nananatiling matatag, sa 2022 revenue collections na umabot sa P3.5-trilyon, o US65 bilyon, ay 18 porsyentong mas mataas sa antas ng 2021.


“The Philippines’ impressive economic performance is the result of years of interconnected structural reforms. Now, we are unfurling our sails to journal towards shared and sustainable economic prosperity, and our investments will be the wind driving this forward,” giit pa niya.


Sinabi ni Pangandaman sa mga multilateral lender-funders at mga potensyal na mamumuhunan na ang prayoridad ng pamahalaan at mga paggasta ay nakalinya sa plano sa medium-term development plan, at sa 8-point socio-economic agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Aniya, ang malaking bahagi ng badyet, na halos 38.1 porsyento – ay inilaan sa sektor ng social services “to ensure revitalized education, quality healthcare, and strengthened social protection.”


Malaking bahagi ng outlay ay inilaan rin sa pisikal, sosyal, at imprastrakturang digital, ayon pa sa kanya.


“Here’s the good news: as of last month, the national government has identified 194 high-impact and urgently-needed infrastructure flagship projects. These will be given top priority during the annual preparation of our government’s budget,” aniya.


Idinagdag pa niya na ang paggasta sa pisikal na imprastraktura ay “aimed at improving

physical connectivity throughout the country through the construction of accessible road networks, railways, buildings, and flood control infrastructure, among others.”


Binanggit ni Pangandaman ang mga gusali ng paaralan, mga ospital, mga health center,

water supply systems, at mga pasilidad sa pabahay bilang ilan sa mga proyektong social infrastructure ng pamahalaan.


Ipinunto niya rin na sa social infrastructure, P24.13-bilyon, o US434.3-milyon ang itinabi para “to accelerate the country’s digital transformation.”


“America is an age-old friend of the Philippines. We hope to strengthen this friendship even more as we continue to nurture our robust people-to-people ties, invigorate our dynamic bilateral relations and pursue economic transformation,” aniya.


Para kay Balisacan, sinabi niya na ang layon ng pamahalaan na ipagpatuloy ang kanilang taunang paggasta sa imprastraktura sa 5 porsyento hanggang 6 na porsyento ng gross domestic product mula 2023 hanggang 2028, o sa pagitan ng US20-bilyon at US40-bilyon kada taon.


Sinabi niya na ang kabuuang 3,770 proyektong imprastraktura na nangangailangan ng pondo na US317.5-bilyon ay tinukoy, na popondohan ng parehong lokal, at puhunan at ayuda mula sa pribadong sektor at mga partner sa kaunlaran.


“Indeed, the Marcos administration has aggressively pursued several initiatives to encourage greater local and foreign investment and private sector participation in infrastructure development…we welcome and urge the investor community to consider placing its resources in the country’s flagship infrastructure projects,” aniya. #



Speaker Romualdez vows passage of measures to sustain economic growth


SPEAKER Ferdinand Martin G. Romualdez today assured foreign investors and multilateral lenders that the House of Representatives would

continue to pass measures to sustain the country’s robust economic

performance.


He also welcomed as good news the encouraging remarks made by Standard

Chartered Bank Global Head of Public Sector and Development

Organizations Karby Leggett, World Bank Country Director for

Philippines, Malaysia, Thailand, and Brunei Ndiamé Diop, and

International Monetary Fund (IMF) Deputy Director, Asia, and Pacific

Department Sanjaya Panth during the presentation of President

Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s economic team led by Finance Sec.

Benjamin Diokno on the state of the Philippine economy.


“We are committed to passing more measures that the Marcos

administration may need to further enhance investment in the

Philippines aimed at improving the lives of Filipinos. I urge foreign

investors to stay the course with us and share the benefits of

progress and development,” Speaker Romualdez said.


During the briefing held at Fairmont in Washington D.C. Wednesday

(United States time), Standard Chartered Bank, WB, and IMF officials

cited the continued strong and resilient Philippine economy despite

global challenges, including the COVID-19 pandemic and inflation.


Speaker Romualdez said the event was part of the Marcos

administration’s whole-of-government approach to attracting more

foreign investments that would create more income and job

opportunities for Filipinos.


“I commend members of the economic team for this briefing. The United

States is a major source of investments and funding assistance. The

World Bank and IMF are likewise principal development funders,” he

said.


He thanked the World Bank and IMF and several big multinational banks

for helping organize the conference, the second held in Washington DC

and the third in the US.


Other Philippine officials led by Ambassador to the US Jose Manuel

Romualdez attended the event.


Members of the economic team who briefed the multilateral agencies,

banks, and prospective investors were Diokno, Bangko Sentral ng

Pilipinas (BSP) Gov. Felipe M. Medalla, Budget Secretary Amenah

Pangandaman, and National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan.


In his remarks, Diokno said the 2022-2028 Medium Term Fiscal

Framework, which Congress passed shortly after it convened in July

last year, “serves as a compass to steer the economy closely along the

patch of fiscal sustainability and economic growth.”


“The targets and measures under this framework are firmly supported

not only by the President but also by both houses of Congress,” he

said.


He cited economic liberalization measures Congress recently approved

to attract more foreign investments, such as the amended Public

Service Act, Foreign Investments Act, and Retail Trade Liberalization

Act.


Last year, Diokno said the economy posted “a 46-year record-high

growth rate of 7.6 percent.”


“This was higher than our full-year target of 6.5 percent to 7.5

percent and exceeded forecasts of local private sector analysts and

international financial institutions, placing the Philippines among

the best-performing economies in the Asia-Pacific region,” he said.


He said the growth target this year is 6 percent to 7 percent.


“And while slightly lower in recognition of the expected global

slowdown, this target remains high but doable,” he added.


The finance chief pointed out that the government’s fiscal performance

remains strong, with 2022 revenue collections reaching P3.5 trillion

or about US65 billion, 18 percent higher than the 2021 level.


“The Philippines’ impressive economic performance is the result of

years of interconnected structural reforms. Now, we are unfurling our

sails to journal towards shared and sustainable economic prosperity,

and our investments will be the wind driving this forward,” he

stressed.


Pangandaman told the multilateral lender-funders and potential

investors that the government’s priorities and expenditures are

aligned with the medium-term development plan and the 8-point

socio-economic agenda of President Ferdinand Marcos Jr.

She said the bulk of the budget - roughly 38.1 percent - has been

allotted to the social services sector “to ensure revitalized

education, quality healthcare, and strengthened social protection.”


A sizable part of the outlay was also allocated for physical, social,

and digital infrastructure, she said.


“Here’s the good news: as of last month, the national government has

identified 194 high-impact and urgently-needed infrastructure flagship

projects. These will be given top priority during the annual

preparation of our government’s budget,” he said.


She added that physical infrastructure spending is “aimed at improving

physical connectivity throughout the country through the construction

of accessible road networks, railways, buildings, and flood control

infrastructure, among others.”


Pangandaman mentioned school buildings, hospitals, health centers,

water supply systems, and housing facilities as among the

administration’s social infrastructure projects.


She pointed out that for social infrastructure, P24.13 billion or

US434.3 million has been set aside “to accelerate the country’s

digital transformation.”


“America is an age-old friend of the Philippines. We hope to

strengthen this friendship even more as we continue to nurture our

robust people-to-people ties, invigorate our dynamic bilateral

relations and pursue economic transformation,” she said.


For his part, Balisacan said the government aims to sustain its annual

infrastructure spending at 5 percent to 6 percent of gross domestic

product from 2023 through 2028, or between US20 billion and US40

billion a year.


He said a total of 3,770 infrastructure projects with a funding

requirement of US317.5 billion had been identified, to be financed

through both local resources and investments and assistance from the

private sector and development partners.


“Indeed, the Marcos administration has aggressively pursued several

initiatives to encourage greater local and foreign investment and

private sector participation in infrastructure development…we welcome and urge the investor community to consider placing its resources in the country’s flagship infrastructure projects,” he said. (END) wantta join us? sure, manure...

grace - Kumbinsido si Rep Salceda na mahirap talagang makahanap ng trabaho…

Kumbinsido si Albay 2nd district Rep Joey Salceda na mahirap talagang makahanap ng trabaho ang mga bagong nagsipagtapos ngayon na nabibilang sa pandemic generation.


Pero diin ni Salceda, hindi ito dapat isisi lang sa kakulangan ng soft skills ng mga newly grad lalo't  malinaw sa obserbasyon ng international studies na nagkaroon talaga ng epekto ang lockdown at isolation sa pag-aaral ng mga estudyante kung saan wala silang kahalubilo.


Diin ni Salceda, may malaking ambag din ang inflation kaya nahihirapan sa paghahanap ng trabaho ang nakararami sa pangkalahatan.


Kaya giit ni Salceda, dapat mapababa ang presyo ng pagkain, petrolyo at kuryente upang makalikha ng dagdag pang trabaho para sa bagong miyembro ng workforce.


Dagdag pa ni Salceda, kung pagbabatayan ang job figures ay masasabing may problema rin sa hard skills ang sektor ng paggawa.


Tinukoy ni Salceda na base sa datus, mula February 2022 hanggang February 2023, ay nakapagtala ng pagtaas sa empleyo ang lahat ng propesyon maliban na lamang ang managers; skilled agriculture, forestry at fisheries; at crafts, trades and related works.


Bunsod nito ay iminungkani ni Salceda na makabubuting pag-aralan kung anong mga skills ang kailangan sa ating ekonomiya na dapat taglayin ng mga naghahanap ng trabahao sa bansa.

######wantta join us? sure, manure...

Ang Sektetaryat

Constitutional Mandate

 

Sa 1987 Constitution of the Philippines, ganun na rin sa mga nagdaang mga saligang batas, ang kapangyarihan ng ating pamahalaan ay nakasalalay sa legislative, executive, at sa judiciary.

 

1. Ang Legislative Power ay nakasangon sa Kongreso ng Pilipinas na siyang binubuo ng Senado at ng Kamara de Representantes, Mababang Kapulungan o House of Representatives, liban na lamang sa nakareserbang kapangyarihan sa mga mamamayan paminsan-minsan sa pamamagitan ng mga probisyon hinggil sa initiative and referendum.
2. Ang Executive Power ay nasa poder ng Pangulo ng Pilipinas, at;
3. Ang Judicial Power ay nasa isang Kataas-taasang Hukuman o ang Supreme Court at sa mga lower court na siya namang itakda ng batas.

 

Sangayon sa Konstitusyon, ang House of Representatives ay bubuuhin ng hindi hihigit sa two hundred and fifty (250) members, liban na lamang kung may itatatkda pa ang batas, at ang mga ito ay halal sa mga legislative district na nakaapportion sa mga lalawigan, lungsod, at sa Metropolitan Manila area batay na rin sa populasyon ng naturang distrito, at base na rin sa isang uniform at progressive ratio, yaong mga nahalal sa pamamagitan ng party-list system ng registered national, regional, at sectoral parties o organizations. Ang party-list representatives ay bubuuhin ng twenty per cent (20%) ng total number of representatives at kasama na sila roon. Ang isang  Member ng House of Representatives ay dapat natural-born citizen ng bansang Pilipinas, sa araw ng election, ay at least twenty-five (25) years old, marunong bumasa at sumulat, at, maliban sa party list representatives, isang registered voter ng distrito kung saan siya ay iboboto at residente doon ng hindi bababa sa isang taon bago mag-eleksiyon. Ang termino ang mga Miyembro ng House of Representatives ay tatlong taon, at sila ay manunungkulan ng hindi hihigit sa tatlong magkakasunod na termino.

 

Secretariat Offices

 

Ang primary role ng Secretariat ng Kamara de Representantes ay upang maggawad ng administrative at legislative services para sa isang efficient and responsive support sa mga yunit ng Kapulungan sa larangan ng formulation, implementation, monitoring and evaluation of plans, programs, projects, at systems and procedures ganun na rin ang maintenance, development, administration and management ng lahat ng available library facilities. Ang Secretariat ay pinamumunuan ng Secretary General. Sa pagpapatupad niya ng kanyang duties and responsibilities, siya tinutulungan ng: 

 

1. Ang Deputy Secretary General for Operations ay ang nag-ooversee ng: (1) Plenary Affairs Bureau, na siyan naming responsible sa paggagawad ng Secretariat services sa papo-proseso ng mga panukalang batas (bills), kapasyahan (resolutions) at ang documentation ng proceedings at mga debate sa plenary session; ang (2) Reference and Research Bureau naman ang angsasagawa drafting, legislative counseling at research services para sa mga Miyembro. 
2. Ang Deputy Secretary General for Committee Affairs ay siya namang responsible para sa secretariat at administrative support sa iba’t-ibang Standing at Special Committees. 
3. Ang Deputy Secretary General for Administration ang siya namang nago-oversee ng: (1) Administrative Management Bureau na siya namang responsible para sa personnel transactions at human resource development, printing and reproduction, medical and dental, cashiering and records, property and procurement; at (2) Engineering and Physical Facilities Bureau. 
4. Ang Deputy Secretary General for Finance ay siya namang mago-oversee ng operations ng Accounting and Budget Divisions na responsible para sa developing, coordinating, implementing and continuously improving programs, systems and procedures na nauugnay sa financial matters. Ang Deputy Secretary General ay responsible para sa paggawad ng assistance at advice hinggil sa mga budgetary matter and control tungkol sa utilization of funds ng House of Representatives. 
5. Ang Deputy Secretary General for Inter-Parliamentary Relations and Special Services (IPRSS) ay responsible naman para sa pag-promote at pag-sustain ng inter-parliamentary relations and diplomacy ng Kamara de Representates sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical at administrative assistance hinggil sa establishment, development at maintenance ng mga linkage with inter-parliamentary and international organizations, sa ating pagho-host ng inter-parliamentary meetings and conferences at pagpo-formulate ng mga programa para sa mga visiting parliamentarian ganun na rin sa paggawad ng protocol and special services. 

 

 

Vision

 

We are truly servants of the people. We love and we are loyal to the ideals of the HOR. We fulfill our daily tasks conscious of our constitutional duty and accountability to the public. We are committed to serve and respond to the needs and expectations of the Members of the HOR with integrity, competence and efficiency so that they too, can fulfill their commitment to the people.

We strive to serve the public with fairness, dispatch and courtesy. We are members of a team. We treat each other with mutual trust and respect. We value the dignity of every individual worker in the organization. We look to the interest and welfare of our institution, superior, peers and co-workers. We take pride in belonging to the Secretariat.

Mission

 

The mission of the Secretariat is to provide the Members of the House of Representatives with adequate, accurate, efficient and timely administrative and technical assistance and support to enable them to perform their lawmaking tasks and constituency work.
Develop the Secretariat into a cohesive organization

 

Objectives

1. Promote and enhance professionalism among employees 
2. Inculcate higher moral values and ethical standards among employees 
3. Achieve the highest level of efficiency in the delivery of services 
4. Ensure delivery of accurate and timely information 
5. Help effect the passage of responsive legislation 
6. Enhance the public image of the House of Representatives
wantta join us? sure, manure...

Congressman Alvarez Warns of Possible Law and Order Breakdown Without Balanced Pension System Solution

Congressman Pantaleon “Bebot” Alvarez has expressed his concerns regarding the possible breakdown of law and order if the government does not find a balanced solution to maintain the sustainability of the pension system and prevent a fiscal crisis. 


He emphasized that retired military personnel are highly sought after due to their expertise in various fields and that lawless and violent opportunists may take advantage.


“When a civilian retires, private entities or corporations hire them as consultants because of their expertise in economics, finance, etc. Similarly when an MUP retires, not only civilians, but also lawless and violent opportunists, gravitate towards the expertise of MUPs.  Delikado saan yan papunta, possible breakdown ng law and order, resulting into uncontrollable chaos,” he warned.


In proposing alternative solutions, Congressman Alvarez urged the elimination of parasitic entities in the government who do not contribute to the nation's development and suggested the decriminalization of marijuana with safeguards to create additional revenues.


When asked about the parasitic entities in government, Congressman Alvarez replied, “Alam mo na, yung mga sobrang laki ng suweldo pero walang ambag na malinaw sa bayan. Rumaraket lang. Maraming ganyan. Malaki matitipid kung tanggalin natin sila.”


Congressman Alvarez emphasized that the Department of Finance should find a way that does not breach the government's sacred contract with its soldiers. He also stressed the importance of not turning our backs on retired military personnel who committed the best of their years to protect the institutions without which the government cannot exist.


"The government should not turn its back on our soldiers who committed the best of their years providing the freedom we breathe and protecting the institutions without which government cannot exist. We owe this to them as our debt of gratitude."


———-


BALANSENG PENSION SYSTEM, POSIBLENG SOLUSYON SA PINANGANGAMBAHANG BREAKDOWN NG LAW AND ORDER SA BANSA


Nababahala si Davao del Norte Rep Pantaleon Alvarez sa posible aniyang "breakdown of law and order" kapag di napanatili ng pamahalaan ang maayos na pension system at di napigilan ang pinangangambahang fiscal crisis. 


Sinabi ni Alvarez na kung hindi maibibigay ang hiling na pensyon ng mga retiradong military personnel, maaring samantalahin ng mga organized criminal group ang kanilang expertise upang gumawa ng krimen.


Ayon sa kanya, tulad ng mga retiradong sibilyan, kinukuha sila ng mga private sektor bilang consultants dahil sa kanilang malawak na kaalaman sa economics, finance, at iba pa.


Ganito rin aniya ang pwedeng mangyari sa mga Military and Uniformed Personnel o MUP retirees.


Delikado umano ito dahil saan pupunta ang mga retiradong MUPs kung walang sapat na suporta para sa kanila ang pamahalaan, na maari aniyang magtulak sa kanila upang lumabag sa batas.


Una nang sinabi ng Solon na isa sa mga pwedeng mapagkunan ng pondo para sa isinusulong na pagbibigay pensyon sa mga MUPs, ang pagdecriminalized sa marijuana at pagsasaligal dito bilang isang medical cannabis.


###


Isang mambabatas, nangangamba sa posibleng "Law and Order Breakdown" dahil sa kawalan ng balanseng Pension System Solution ng bansa...


Nababahala si Davao del Norte, 1st District Congressman Pantaleon “Bebot” Alvarez sa posible aniyang "breakdown of law and order" kapag di napanatili ng gobyerno ang maayos na pension system at di napigilan ang pinangangambahang fiscal crisis. 


Giit ng Kongresista, kung hindi maibibigay ang hiling na pensyon ng mga retiradong military personnel, maaring samantalahin ng mga organized criminal group o sindikato ang kanilang expertise upang gumawa ng krimen.


Tulad ani Alvarez ng mga retiradong sibilyan, kinukuha sila ng mga private sektor o mga korporasyon bilang consultants dahil sa kanilang malawak na kaalaman sa economics, finance, at iba pa.

Ganito rin aniya ang pwedeng mangyari sa mga Military and Uniformed Personnel o MUP retirees.


Delikado ito, ani Alvarez, dahil saan pupunta ang mga retiradong MUPs kung walang sapat na suporta para sa kanila ang pamahalaan, na maari aniyang magtulak sa kanila upang lumabag sa batas.


Una nang sinabi ng Solon na isa sa mga pwedeng mapagkunan ng pondo para sa isinusulong na pagbibigay pensyon sa mga MUPs, ang pagdecriminalized sa marijuana at pagsasalegal dito bilang isang medical cannabis.


—//


Mga govt official na walang ambag sa bansa, dapat nang sibakin sa pwesto, ayon sa isang kongresista....

Nanawagan kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang isang mambabatas na sibakin na sa pwesto ang mga parasitic entities o mga opisyal ng gobyerno na wala namang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Ayon kay Davao Del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alnavrez, maraming kawani ng pamahalaan ang tumatanggap ng napakalaking sweldo ngunit walang malinaw na ambag sa bayan.

Hindi naman pinangalanan ng mambabatas ang sinasabi nitong parasitic entities pero kilala na aniya ito ng publiko partikular na ng executive branch.

Pahayag ni Alvarez, walang ibang ginawa ang mga govt official na ito kundi ang rumaket lamang matapos maitalaga sa pwesto.

Giit ng solon, malaki ang matitipid ng pamahalaan kapag nasibak na ang mga ito.

Maari ding ilaan ang pondong makukuha dito para suportahan at bigyan ng maayos na pensyon ang mga Military and Uniformed Personnel o MUP retirees.

Dagdag pa ni Congressman Alvarez, hindi dapat talikuran o balewalain ang MUP retirees na inialay ang kanilang buhay para protektahan ang institusyon at ang bawat mamamayan ng bansa.


wantta join us? sure, manure...