Friday, June 30, 2023

Manila congressman nagbabala sa isasagawang mass layoff ng GRAB Philippines MAR


NAGBABALA ang isang Manila congressman at Chairman ng House Committee on Metro Manila Development laban sa GRAB Philippines kaugnay sa napabalitang isasagawa nitong “mass layoff” o malawakang pagbabawas ng mga tao na tinawag nitong walang habas at walang pakundangan.


Binigyang diin ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando M. Valeriano, Chairperson ng Committee on Metro Manila Development, na kailangang bigyan ng babala ang GRAB Philippines patungkol sa napaulat na gagawin nitong mass layoff o pagtatanggal ng tinatayang nasa 1,000 empleyado nito.


Naniniwala si Valeriano na mistulang nagte-tengang kawali at dine-dedma lamang ng nasabing kompanya ang mga batas ng Pilipinas o Philippine law sapagkat makailang ulit na aniya itong na-penalize o pinatawan ng parusa ng Philippine Competition Commission (PCC).


Gayunman, sinabi ni Valeriano na sa kabila nito. Patuloy parin umano ang GRAB Philippines sa mga walang pakundangang mga gawain nito kabilang na dito ang napaulat na isasagawa nitong mass layoff na inaasahang makaka-apekto sa 1,000 empleyado na mawawalan ng trabaho.


Aminado ang Manila solon na bagama’t prerogative at management decision ang gagawing mass layoff ng naturang kompanya. Subalit kinakailangan parin silang balaan sa magiging epekto nito sa kabuhayan at kapakanan ng napakaraming empleyado na matatanggal sa kanilang trabaho. 


Ipinaliwanag din ni Valeriano na patuloy na sinisilip at binubusisi ng kaniyang Komite ang iba pang violations o paglabag ng GRAB Philippines kasama na sa kanilang sinisiyasat ay ang “price surging” o masyadong mataas na paniningil ng pamasahe sa kanilang mga costumers.


“GRAB Philippines should be warned on some of its wanton business decisions. The Philippine Competition Commission (PCC) had penalized GRAB for a couple of times already. Our committee is looking into other possible errors of GRAB committed in price-surging as sole TNVS player,” Sabi ni Valeriano.


Kasabay nito, nagpahayag din ng labis na pagkadismaya si Valeriano dahil sa makailang ulit na inisnab at binalewala ng GRAB Philippines ang paanyaya ng House Committee on Metro Manila Development upang dumalo ang nasabing kompanya sa kanilang pagdinig. wantta join us? sure, manure...

MGA TAGUMPAY NI PBBM INIHAYAG NI SPEAKER ROMUALDEZ: KEEP UP THE GOOD WORK, MR. PRESIDENT


Inihayag ngayong Biyernes ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga pangunahing tagumpay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa kanyang unang taon sa kanyang katungkulan.


“The President did well on Year 1. Keep up the good work, Mr. President,” ayon kay Speaker Romualdez.


Ang Pangulo ay isang taon na sa kanyang katungkulan bukas, ika-30 ng Hunyo.


Para kay Speaker Romualdez, ang kapuna-punang tagumpay ng administrasyong Marcos ay ang pagtulong sa mga ordinaryong Pilipino, pagpapatuloy ng paglago ng ekonomiya, pagsusulong sa bansa bilang destinasyon ng pamuhunan, at ugnayang pang labas.


Sinabi niya na ginawa ng Pangulo ang kanyang buong makakaya upang matugunanan ang mga araw-araw na alalahanin ng mga Pilipino, tulad ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin at kakulangan sa pabahay.


“Shortly after assuming office, he was confronted with spikes in the price of certain commodities like onions, which were selling for as much as P800 a kilo, and the basic staple rice,” aniya.


Sa pamamagitan ng mga kumbinasyon ng mga panukala, at sa tulong ng Kapulungan, ay naibaba at napatatag ng administrasyon ang halaga ng sibuyas at bigas, aniya.


Binanggit niya na ang Komite ng Agrikultura at Pagkain ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga ay nagsagawa ng mga pagsisiyasat na nagbulgar sa pagmamani-obra ng halaga, pagtatago, at kartel na nasa likod ng kalakan ng sibuyas.


Sinabi ng pinuno ng Kapulungan na nagpasya ang Pangulo na muling itatag ang sinimulan ng kanyang ama na, mga tindahan ng Kadiwa, upang mabili ang mga produktong pang agrikultura ng mga magsasaka sa mababang halaga.


“He has a genuine concern, compassion and empathy for the poor,” giit niya.


Ipinunto ni Speaker na sa usapin ng pabahay, ay binuhay rin ng Pangulo mula sa karanasan ng administrasyon ng kanyang ama ang mga programang pabahay tulad ng BLISS (Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services), na siyang proyekto ng kanyang ina, si dating minister of human settlements at First Lady Imelda Romualdez Marcos.


Inilunsad rin ng Punong Ehekutibo ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino at inatasan ang Department of Human Settlements and Urban Development na magtayo ng mga medium-rise at high-rise condominiums para sa mga mahihirap at mga kawani ng pamahalaan, kabilang na ang mga sundalo at mga pulis.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagpapatuloy ng paglago ng ekonomiya ng bansa ay isa ring kapuna-punang tagumpay ni Pangulong Marcos.


“The economy grew by 7.6 percent and 7.2 percent in the third and fourth quarters of 2022, and 6.4 percent in the first quarter of this year. Those growth periods were the first nine months of the Marcos administration. I sincerely hope we could sustain it,” aniya.


Aniya, ang kahanga-hangang paglago sa panahon ng unang anim na buwan ng Pangulo sa kanyang tungkulin, ay resulta ng pasya ng Punong Ehekutibo na muling buksan ang ekonomiya, sa kabila ng patuloy na banta ng pandemyang dulot ng Covid-19.


Idinagdag niya na napansin ng mga multilateral financial institutions ang pagpapalawig ng ekonomiya ng bansa, na naging  dahilan upang ideklara ng World Bank ang kanilang 2023 forecast mula 5.4-5.6 porsyento hanggang anim na prosyento.


Binigyang-diin ng pinuno ng Kapulungan na aktibong isinusulong ni Pangulong Marcos ang bansa bilang isang destinasyon ng pamuhunan, sa kanyang ginawang mga pagbisita sa iba’t ibang bansa.


Sa mga nasabing misyon, naitatag rin ng Pangulo ang mas maigting na ugnayang deplomatiko, pang-ekonomiya at kultural sa mga bansang kanyang binisita, kasama na ang Estados Unidos, aniya.


“He has cultivated our ties with our old, reliable ally and partner, the US, and renewed bilateral discussions with China to uphold our interests in the West Philippine Sea and our exclusive economic zone,” aniya.


Dahil sa kanyang natatanging tagumpay at ng kanyang tunay na pagmamalasakit sa mga mahihirap na mamamayan, at pambansang interes, sinabi ni Speaker Romualdez na nananatiling lubos na tanyag si Pangulong Marcos.


Binanggit niya na sa survey ng Pulse Asia noong Marso, ay 78 porsyento ng mga tumugon ay inaprubahan ang performance ng Pangulo, at 80 porsyento rito ay nagsabing nagtitiwala sila sa Punong Ehekutibo.


Sa second-quarter survey ng Publicus Asia ay ipinakita rito ang pagtaas ng antas ng pag-apruba sa Pangulo sa 62 porsyento mula sa 60 porsyento noong first quarter.


68 porsyento ng mga tumugon sa parehong survey ang nagsabi na ang bansa ay nasa wastong landas.


Sa iba pang survey na isinagawa ng OCTA Research Group sa first quarter, 54 porsyento ang nagsabi na inaasahan nila na magiging maganda ang kalidad ng buhay, na tumaas mula sa 51 porsyento mula sa nakaraang survey; samantalang 50 porsyento mula sa naunang 46 porsyento ang nagsabi na gaganda ang ekonomiya ng bansa. wantta join us? sure, manure...

NAGKAPIT BISIG SINA SPEAKER ROMUALDEZ, TINGOG PARTYLIST AT DSWD PARA MAMAHAGI NG TULONG SA MGA MAG-AARAL NG TOLOSA


Nagkapit bisig sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa Department of Social Welfare and Development, upang ipamahagi ang P5000 na educational assistance ngayong Huwebes, sa 900 na kwalipikadong mag-aaral sa Tolosa, Leyte.


Sa kanyang maikling mensahe sa mga mag-aaral ng Tolosa, binanggit ni Speaker Romualdez na ang AICS ay isa sa mga social programs ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na suportado ng Unang Ginang Louise Araneta, na nagpapakita ng pagmamalasakit ng administrasyong Marcos para tulungan ang mga labis na nangangailangan.


“Mahal na mahal nila ang buong Pilipinas at ang mga kabataang Pilipino,” ani Romualdez.


Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa mga mag-aaral sa Tolosa Civic Center, at sinamahan sila nina Tolosa Mayor Erwin Ocaña, Vice Mayor Menardo Mate at DSWD na kinakatawan ni Raquel Bateo. Kasama ring sumaksi sa pamamahagi ng ayuda ang ilang lokal na opisyal ng Tolosa. 


Matatandaang tumanggap ang may 2,000 benepisaryong mag-aaral sa Lungsod ng Tacloban ng P5000 pinansyal na tulong sa pamamagitan ng programang AICS. Ang pagpapalabas ng P10-milyon na pinansyal na ayuda ay ipinasilidad nina Speaker Romualdez, at Tingog Reps. Romualdez at Acidre.


Nangako si Rep. Yedda Romualdez, Chairperson of the House Committee on Accounts, na ipagpapatuloy ng Tingog ang direktang pamamahagi, o hindi direkta sa pamamagitan ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga serbisyo para sa mga mamamayan ng Silangang Visayas at Leyteños at Samareños sa iba pang bahagi ng kapuluan.


Bilang pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kanyang paninindigan na tulungan ang administrasyong Marcos na maihatid ang serbisyo para maiangat ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino, lalo na sa proseso ng badyet.


“Ang budget ay lahat ng nakolekta at naipon natin na buwis sa buong bansa at yan po ay dini-distribute natin sa taong bayan,” paliwanag niya. 


Kanyang sinabi na ang bawat congressional district sa bansa, o ang party-list groups ay may kanya-kanyang kinatawan upang matiyak ang pantay na alokasyon ng mga resources ng pamahalaan, tulad ng mga programnang ayuda, essential services, o mga proyektong pang-imprastraktura. 


“Yan po ang trabaho namin bilang congressman at ako, bilang Speaker, namumuno diyan (sa Kongreso) Wala kaming ginagawa araw-araw kundi isipin ang para sa kabuhayan ninyo, ang kabutihan ninyo, o ang kalusugan ng aming mga constituents, tulad ninyo dito sa Tolosa,” ani Romualdez.


Samantala, sinabi rin ni Speaker Romualdez na mas marami pang mga planong pangkaunlaran sa Silangang Visayas at kalapit na lugar ang nakalatag, habang nagpahayag siya ng tiwala na susuportahan ni Pangulong Marcos ang mga pagsisikap na ito. 


“Si President Ferdinand R. Marcos, Jr., yung ‘R’ ibig sabihin ay Romualdez. So hindi yan Ilocano lang. Fifty percent Ilocano, fifty percent Waray—taga rito sa Tolosa,” punto niya. wantta join us? sure, manure...

MAG-ASAWANG ROMUALDEZ, MULING NANGALAP NG AYUDA NA NAGKAKAHALAGA NG P11M PARA SA MGA BIKTIMA NG BAHA SA BUKIDNON 


Muling tumugon sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa panawagan ng kapwa mambabatas na labis na nangangailangan, si Rep. Jonathan Keith Flores, kung saan ang kanyang lalawigan ng Bukidnon ay sinalanta ng mga pagbaha kamakailan. 


Ito ay alinsunod sa layunin ng administrasyong Marcos na magbahagi ng mas maayos na social services sa buong kapuluan, ani Speaker Romualdez. 


Nangalap ang mga Romualdezes at si Tingog Rep. Jude Acidre ng assistance package na kinabibilangan ng P500,000 halaga ng pinansyal na tulong; P500,000 na relief goods, at P10-milyong halaga ng pinansyal na ayuda mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development's (DSWD), ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ni Sec. Rex Gatchalian. 


"We are united with the province of Bukidnon during this time of need. With the steady resolve of Congressman Jonathan and Congresswoman Yedda, we hope that the flood victims would be able to get back on their feet sooner than later," ayon kay Speaker Romualdez ngayong Huwebes. 


Ang P500,000 cash assistance at P500,000 na nakalaan para sa pagbili ng ng mga relief goods ay iniabot sa tanggapan ni Flores ngayong umaga. Ang salapi ay nanggaling sa personal relief funds ng Speaker. 


Ang mga relief goods ay nauna nang binili. Kinakatawan ni Flores ikalawang distrito ng Bukidnon. 


Ayon sa huling bilang, may 6,810 pamilya ang labis na naapektuhan ng pagbaha noong ika-21 ng Hunyo. 


Ang mga apektado ay 482 pamilya sa Highway Cabangahan; 941 sa Aglayan; 265 sa San Jose; 401 sa Bangcud; 636 sa Sinanglanan; 462 sa Violeta; 537 sa Sto. Niño; 1,386 sa Managok; 821 sa Simaya; at 879 sa San Martin. 


Sa P10-milyon ayuda mula sa AICS na ipinasilidad ng mag-asawang Romualdez sa pakikipag-ugnayan sa DSWD, ipapamahagi ito sa susunod na linggo, ayon sa Tanggapan ni Speaker. 


Ang ayudang AICS ay tinatayang lubos na makakatulong sa mga mamamayan na makumpuni o muling maitayo ang kanilang mga bahay na nawasak sa panahon ng kalamidad. 


Nauna nang namahagi sina Speaker Romualdez, Reps. Romualdez, chairperson of the House Committee on Accounts, at Acidre ng kaparehong assistance package sa unang tatlong congressional district sa Albay, na nanganib sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon. 


Nakinabang sa ayuda ang libo-libong indibiduwal na napilitang sumilong sa mga evacuation center, sa pangamba ng pagputok ng bulkang Mayon. 


Samantala, sinabi ni Flores na gagamitin niya ang P500,000 pinansyal na tulong para maitayo ang community pantry para sa mga biktima ng pagbaha. 


Gagayahin aniya nila ang ginawang pagtatayo ng community pantry ni Albay 3rd district Rep. Fernando Cabredo, na bumili ng mga produktong agrikultura mula sa mga lokal na magsasaka para maipamahagi sa mga biktima nang libre. wantta join us? sure, manure...

Educational assistance alay ni Speaker Romualdez, Tingog sa mga mag-aaral ng Tolosa, Leyte


Magkatuwang sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagkakaloob ng P5,000 education assistance ngayong Huwebes sa may 900 kuwalipikadong estudyante ng Tolosa, Leyte.


Sa maikling mensahe ni Speaker Romualdez sa mga mag-aaral, sinabi nito na ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay isa sa mga social program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


Ang programa na suportado ni First Lady Louise Araneta Marcos ay isa umanong patunay sa pagnanais ng Marcos Jr. administration na makatulong sa mga nangangailangan, ani Speaker Romualdez.


“Mahal na mahal nila ang buong Pilipinas at ang mga kabataang Pilipino,” sabi ni Romualdez


Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pamimigay ng tulong pinansyal na ginanap sa Tolosa Civic Center, kung saan nakasama nito sina Tolosa Mayor Erwin Ocaña, Vice Mayor Menardo Mate, Raquel Bateoolosa na kumatawan sa DSWD at iba pang lokal na opisyal ng Tolosa.


Una nang nakapagpaabot ng P5,000 financial assistance sa ilalim ng AICS sa may 2,000 batang benepisyaryo sa Tacloban. Ang paglalabas ng P10 million cash aid ay napadali sa tulong nina Speaker Romualdez, and Tingog Reps. Romualdez and Acidre.


Nangako naman si Rep. Yedda, Chairperson ng House Committee on Accounts, na ipagpapatuloy ng Tingog ang pagbibigay serbisyo sa mga Leyteños, Samareños, iba pang bahagi ng Eastern Visayas at iba pang panig ng bansa sa tulong ng iba pang ahensya ng pamahalaan gaya ng DSWD.


Bilang lider naman ng Kamara de Representantes, ipinangako ni Speaker Romualdez ang patuloy na pagtulong sa administrasyong Marcos para maipaabot ang kinakailangang tulong sa mga nangangailangan Pilipino sa pamamagitan ng pagtututok sa budget.


“Ang budget ay lahat ng nakolekta at naipon natin na buwis sa buong bansa at yan po ay dini-distribute natin sa taong bayan,” paliwanag ni Romualdez. 


Sinabi rin ni Speaker Romualdez na bawat distrito at party-list group ay mayroong kaniya-kaniyang kinatawan upang masiguro ang patas na alokasyon ng programa, serbisyo at proyektong imprastraktura ng national government.


“Yan po ang trabaho namin bilang congressman at ako, bilang Speaker, namumuno diyan (sa Kongreso) Wala kaming ginagawa araw-araw kundi isipin ang para sa kabuhayan ninyo, ang kabutihan ninyo, o ang kalusugan ng aming mga constituents, tulad ninyo dito sa Tolosa,” dagdag pa ni Romualdez.


Katunayan marami aniyang nakalinyang proyekto para sa pagpapaunlad ng Eastern Visayas at kalapit bayan at kumpiyansa siya na ang mga ito ay susuportahan ni Pang. Marcos.


“Si President Ferdinand R. Marcos, Jr., yung ‘R’ ibig sabihin ay Romualdez. So hindi yan Ilocano lang. Fifty percent Ilocano, fifty percent Waray—taga rito sa Tolosa,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


##wantta join us? sure, manure...

Mag-asawang Romualdez pinasalamatan sa tulong sa mga taga-Bukidnon 


Nagpasalamat si Bukidnon 2nd district Rep. Jonathan Keith “John” Flores kina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at misis nitong si Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, sa mabilis nitong aksyon para matulungan ang mga naapektuhan ng pagbaha sa kaniyang distrito.

 

“I would like to commend the Speaker, Congresswoman Yedda, and Congressman Jude Acidre for their assistance,” Flores said, referring to the Speaker’s total P1 million donation - half of which was cash aid while the other half is for relief goods, sourced from the Speaker’s personal relief fund,” ani Flores


nagtulong din ang mag-asawang Romualdez upang agad na lumabas ang P10 milyong halaga ng ayuda para sa mga binaha sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development.


Sa susunod na linggo na umano ipapamahagi ang naturang tulong na magagamit sa pagsasaayos ng mga nasirang kabahayan.


Plano naman ni Flores na gamitin ang P500,000 cash assistance mula kay Speaker Romualdez sa pagtatayo ng community pantry kung saan bibilhin sa mga magsasaka ang kanilang ani na ipamamahagi sa pantry.


Nakuha ni Flores ang ideya mula kay Albay 3rd district Rep. Fernando Cabredo na nagtayo ng community pantry para sa mga inilikas kaugnay ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.


Nakatanggap din si Cabredo ng kaparehong tulong mula kina Speaker Romualdez, Reps. Yedda at Jude Acidre.  ##wantta join us? sure, manure...