Monday, April 10, 2023

MATAAS NA SATISFACTION RATINGS NG SWS SA KAMARA, IKINALULUGOD NG ISANG MAMBABATAS

Ikinalugod ni Cavite Rep Elpidio Barzaga Jr ang mataas na satisfaction ratings na nakamit ng Kamara sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS.


Para kay Barzaga ang mataas na public satisfaction ratings ay bunga ng pagkakaroon ng Kapulungn ng masisipag at produktibo na mga leader sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Sinabi ni Barzaga na ang kanilang galaw sa Kamara ay umaayon sa kumpas ni Speaker Romualdez na palaging prayoridad ang pagpasa ng mahahalagang mga panukalang batas na para sa kapakanan ng bansa at mamamayang Pilipino.


Ibinanggit pa ni Barzaga na siniskap din ng Kamara na makasunod sa layunin at mga targets na inilatag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa kanyang unang State of the Nation Address.


Bunsod nito ay natutuwa si Barzaga na nakikita ng taumbayan ang kanilang mahusay na pagtatrabaho alinsunod sa kanilang sinumpaang tungkukin at mandato.


######wantta join us? sure, manure...