Wednesday, December 20, 2023

TAMA ANG INAASAHAN NG KAMARA NA WALANG I-VETO SI PBBM SA 2024 GAA

Naniwala ang Kamara na walang probisyon sa 2024 General Appropriations Bill ang i-veto bago lagdaan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sinabi ni AKO Bicol Partylist Representative Zaldy Co na tama ang inaasahan niyang posibilidad na walang probisyon ng 2024 GAB ang i-veto ni Pangulong Marcos sa sandaling lagdaan niya na ang pambansang budget.


Ayon kay Co, Chairman ng House Appropriations Committee, hindi nila inaasahan na may mga items sa 2024 national budget ang ibi-veto ni Pangulong Marcos dahil sumunod sila sa Kamara sa parameters at masusi ang ginawa nilang koordinasyon sa Senado at Malakanyang sa paghimay nito


Ipinadala ng Kamra noong nakaraang linggo sa Malakanyang para lagdaan ni Pangulong Marcos ang 2024 GAB na nagkakahalaga ng P5.768 trillion pesos.


Nauna rito, sinabi ni Co na request ng Malakanyang na mai-transmit sana sa Palasyo ang 2024 GAB bago umalis patungong Japan si Pangulong Marcos ngunit ini-reschedule ang paglagda nito pagbalik niya sa biyahe mula sa bansang Hapon. wantta join us? sure, manure...

P60B tulong pinansyal para sa mga mahihirap, muling popondohan ng Kamara sa 2025



Handa ang Kamara de Representantes na muling paglagyan ng P60-bilyong pondo ang bagong programang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) sa 2025, ayon mismo kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez


Ang pondo para sa AKAP ay bahagi ng halos P500 bilyon na nakalaan sa social amelioration program o ayuda program ng gobyerno na nakapaloob sa P5.768-trilyong pambansang pondo para sa susunod na taon.


Sa ilalim ng AKAP ay tutulungan ng gobyerno ang nasa 12 milyong mahihirap na pamilya o may maliit na kita o katumbas ng 48 milyong Pilipino.


Sinabi ito ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. sa 2024 national budget. 


“We intend this to be a continuing program to help our people. Thus, it is critical that we should make it work in its first year of implementation,” ani Speaker Romualdez.


Ayon kay Romualdez, wala itong nakikitang balakid sa pagpapatupad ng AKAP.


“We just have to make sure that the beneficiaries are qualified under government criteria and the money reaches them on time and with sufficient safeguards in place,” saad pa ni Speaker Romualdez.


Kumpiyansa ang House Speaker na magtatagumpay ang AKAP sa 2024 na siyang pagbabatayan kung muli itong popondohan ng Kongreso sa 2025 at sa mga susunod pang taon.


Sa unang pagkakataon, sa ilalim ng Marcos administration, isinama ng Kongreso ang AKAP sa mga popondohang programa sa ilalim ng 2024 budget. Layon ng programa na magpaabot ng tulong pinansyal sa mga mahihirap at low-income families.


Sa ilalim ng programa, ang mga pamilya na hindi lumalagpas ng P23,000 ang kinikita kada buwan ay bibigyan ng P5,000 one-time cash assistance. Mayroong P60 bilyong pondo na nakalaan sa programa na sapat para matulungan ang 12 milyong pamilya.


Muling inihayag ng Kamara ang hangarin nito na palakasin ang depensa sa West Philippine Sea, mula sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa bandang Zambales at Pangasinan hanggang sa hilaga na Ayungin Shoal sa Palawan at katimugang bahagi at paglaanan ng sapat na pondo.


“These areas are inside our 200-mile exclusive economic zone. They belong to no one but us. Again, we are one with President Marcos, our armed forces and our Coast Guard in protecting and defending what is ours,” saad ng lider ng Kamara.


Kasama sa 2024 budget ang P1.5 bilyon para sa pagpapalawak at pagsasa-ayos ng airport sa Pag-asa Island at konstruksyon ng shelter para sa mga mangingisda sa Lawak, Palawan na siyang pinakamalapit na isla sa Ayungin Shoal.


Kasabay nito ay inalerto din niya ang mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan na maghanda para sa implementasyon ng mga programa sa susunod na taon.


“The budget is the most important piece of legislation Congress passes each year and the President signs into law. It is the blueprint for national development, for sustaining economic growth, for creating more job and income opportunities, and in general, for improving the lot of our people,” sabi pa niya.


Kailangan aniya na agad gamitin at gastusin ng mga ahensya ang kanilang pondo sa pagsisimula ng bagong taon para mapakinabangan ito kaagad ng publiko. (END) wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez nakiramay sa nasawing sundalo sa Batangas clash



Nagpa-abot ng pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya ng sundalong nasawi sa isang sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga rebeldeng komunista sa Batangas.


“I extend my deepest sympathies to the family of our soldier who bravely gave his life in the line of duty in Balayan, Batangas,” ani Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagkasawi ng sundalo ay isang paala-ala sa kanilang sakripisyo para mapanatili ang seguridad ng bansa.


“We also keep in our thoughts those who were wounded in this incident, and we join the Executive Department in assuring their families of the government's full support during this difficult time,” sabi ng lider ng Kamara na may mahigit 300 miyembro.


Ayon kay Speaker Romualdez ang insidenteng ito ay nagpapakita rin umano ng mga hamon sa pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan ang bansa.


“In this light, I earnestly appeal to the insurgents to consider the broader implications of their actions on our country and its people. I urge them to abandon the path of violence and to rejoin the fold of the law,” wika pa ni Speaker Romualdez.


Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na tutulong ang gobyerno para magkaroon ng isang mapayapang pagbabalik sa lipunan ng mga pipili ng landas na ito.


“Our vision for a peaceful and prosperous Philippines can only be realized through collective efforts and a commitment to dialogue and understanding. Let us all work towards building a nation where every citizen can live in peace and pursue their aspirations without fear,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (END)




Attachment.png




Attachment_1.png




wantta join us? sure, manure...

Kamara umaasa na walang i-bi-veto si PBBM sa panukalang 2024 GAB…


… 


Kampante ang Kamara na papasa ng buo ang mga probisyon ng 2024 General Appropriations Bill.


Sagot ito ni AKO Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa posibilidad na baka may mga probisyon ng 2024 GAB ang ibi-veto ni Pangulong Bongbong Marcos sa sandaling lagdaan na ang pambansang budget.


Ayon kay Co, Chairman ng House Appropriations Committee, hindi nila inaasahan na may mga items sa 2024 national budget ang ibi-veto ni Pangulong Marcos.


Sabi ni Co, sumunod ang Kamara sa parameters at masusi ang ginawa nilang koordinasyon sa Senado at Malakanyang sa paghimay sa pambansang budget.


naipadala  na sa Malakanyang para malagdaan ni Pangulong Marcos ang 2024 GAB na nagkakahalaga ng P5.768 trillion pesos.


Una rito, sinabi ni Co, request ng Malakanyang na mai-transmit sana sa Palasyo ang 2024 GAB bago umalis patungong Japan si Pangulong Marcos.


Paliwanag ni Co, hindi kakayanin dahil maraming pahina at kopya ang ini-imprenta.


Pagbalik ni Pangulong Marcos mula sa biyahe sa Japan, ii-schedule na ang paglagda nito sa 2024 national budget. wantta join us? sure, manure...

Nagpahayag ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa paninindigan ni Pangulong Bongbong Marcos na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng matatag na alyansa sa mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at stability sa West Philippine Sea.


Sa harap ito ng pag-uusap ng Pilipinas at Japan ukol sa reciprocal access agreement para sa deployment ng puwersa ng militar na isang kritikal na hakbang ngayong tumitindi ang tensyon sa rehiyon.


Ayon kay Romualdez, ang pagtutulungan ng dalawang bansa at ang pakikipag-alyansa sa ibang nasyon ay mahalaga para sa pagtugon sa lumalaking hamon.


Napatunayan na aniya na ang kasalukuyang geopolitical climate partikular ang agresibong hakbang ng China sa WPS ay nangangailangan ng cooperative solutions.


Iginiit din ng House leader na kailangang mapanatili ang dayalogo at mapayapang negosasyon sa lahat ng kalahok na panig.


Bagama't itinataguyod ng bansa ang commitment sa pagtatanggol sa pambansang interes at pagtataguyod ng soberanya, marapat umanong pagsumikapan ang diplomasya at peaceful engagements.


Dagdag pa ni Romualdez, ang 2016 Arbitral Ruling ng Permanent Court of Arbitration ay magsisilbing basehan ng mga hakbang at paninindigan ng Pilipinas bilang panata ng pagtalima sa international law and order.


Mababatid na sa mensahe ni Pangulong Marcos sa bilateral meeting kasama si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa sidelines ng 50th Commemorative Summit of the ASEAN-Japan Friendship and Cooperation ay sinabi nitong kapwa makikinabang ang dalawang bansa sa planong Reciprocal Access Agreement upang mapanatili ang regional stability at kapayapaan sa Indo-Pacific region. wantta join us? sure, manure...

2024 General Appropriations Bill, nai-transmit na sa Malakanyang…


… 


Naipadala na sa Malakanyang para malagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2024 General Appropriations Bill.


Ito ay nagkakahalaga ng P5.768 trillion pesos.


Ayon kay AKO Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, Chairman ng House Committee on Appropriations, request ng Malakanyang na mai-transmit sana sa Palasyo ang 2024 GAB bago umalis patungong Japan si Pangulong Marcos.


Sabi ni Co, hindi kakayanin dahil maraming pahina at kopya ang ini-imprenta.


Dagdag pa ni Co, pagbalik ni Pangulong Marcos mula sa biyahe sa Japan, ii-schedule na ang paglagda nito sa 2024 national budget.


Ang Pangulo ay kasalukuyang nasa Japan kaugnay ng pagdalo sa 50th Anniversary ng ASEAN-Japan Relations sa Tokyo.


Pagtugon din ito sa schedule na malalagdaan ni Pangulong Marcos ang 2024 national budget bago mag-pasko para hindi maantala ang mga programa ng gobyerno sa susunod na taon. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez pagsuporta sa mga lider ng bansa tama



Sumang-ayon si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa nakalagay sa plakard ng isang suporter ni Vice President Sara Duterte na nagpakuha ng litrato sa kanya sa Japan.


“I agree with the overseas Filipino worker who greeted me in Japan with a placard bearing a significant message,” ani Speaker Romualdez.


“We should all support and respect the Vice President. The same respect and support that we should extend to the President and other government officials,” dagdag pa ng lider ng Kamara na may mahigit 300 miyembro.


Batay sa video na nag-viral sa social media, isang suporter ni Duterte ang lumapit kay Speaker Romualdez. Bukod sa plakard na may nakasulat na  “Please support VP Inday Sara Duterte” may hawak din itong flaglet na muntik pang tumama sa mata ng lider ng Kamara.


Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Romualdez at sinabing “Please support Inday Sara.”


Ang babae naman na pinaniniwalaang syang may hawak ng kamera ay maririnig na nagsabing “Thank you po sir, sa pag-suporta kay VP Inday Sara.” Sumagot naman si Romualdez ng “Of course.”


Tapos ay nagpasalamat ang babae dahil pinalaya umano nito ang SMNI program host na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz na nakulong sa Kamara matapos na ma-cite in contempt ng House Committee on Legislative Franchises.


Si Romualdez ay bahagi ng opisyal na delegasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tokyo, Japan para sa 50th Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit.


Kahit na ang dating sa ilang nakapanood ng video ay nais ng suporter ni Duterte na pahiyain si Speaker Romualdez, napanatili naman ng lider ng Kamara ang pagiging statesman nito.


Matatandaan na napabalita ang iringin sa pagitan nina Speaker Romualdez at Duterte matapos magdesisyon ang Kamara na ilipat ang P650 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education. Ganito rin ang ginawa ng Kamara sa mga civilian agency na mayroong confidential funds.


Ang nalikom na confidential funds ay inilipat ng Kamara sa mga ahensya na may kinalaman sa pagbibigay ng seguridad sa bansa sa gitna ng ginagawang pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.


Sinuportahan naman ng Senado ang pag-alis sa confidential fund ng mga civilian agency ng gobyerno. (END) wantta join us? sure, manure...

Pagdalo ni PBBM sa Tokyo Summit mahalaga para sa kapayapaan, pag-unlad ng PH—Speaker Romualdez



Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan sa Pilipinas ng paglahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinasagawang Commemorative Summit ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation, na nakatakda sa Disyembre 15-18 sa Tokyo, Japan.


"President Marcos's presence at this landmark event is a powerful symbol of the Philippines' unwavering commitment to strengthening its ties with Japan and further elevating our collective partnership within the ASEAN bloc," saad ni Speaker Romualdez


"This golden anniversary presents a unique opportunity to not only celebrate past achievements but also chart a brighter, more prosperous future for our region,” dagdag ng lider ng Kamara na may mahigit 300 mambabatas.


Positibo si Speaker Romualdez, bahagi ng opisyal na delegasyon ng bansa sa Tokyo Summit, na gaganap ng isang mahalagang papel si Pangulong Marcos sa mga mahahalagang talakayan sa mga pangunahing isyu sa rehiyon, kabilang ang pinahusay na kooperasyong pang-ekonomiya ng Japan at Pilipinas.


Aniya bibigyang importansya ni Pangulong Marcos ang pagpapaunlad ng imprastraktura, renewable energy, at digital transformation ay naaayon sa kadalubhasaan, at strategic investment ng Japan sa rehiyon.


Magbibigay din umano ang naturang pagpupulong ng pagkakataon para maisulong ang pinahusay na maritime at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, lalo na sa pagpapaunlad ng katatagan ng rehiyon at pagtugon sa mga maritime challenges na kinakaharap ng ating bansa sa West Philippine Sea, ayon kay Romualdez.


Tinukoy pa nito na ang tagumpay ng mga programa tulad ng Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS) Program, ay patotoo na ang naturang summit ang perpektong lugar para sa paglalatag ng mga plataporma upang palakasin ang people-to-people linkages at cultural exchange sa pagitan ng ASEAN at Japan.


“Our shared history, cultural ties, and common aspirations for a peaceful and prosperous region form a strong foundation for this partnership,” diin ni Speaker Romualdez 


“President Marcos's presence at the summit signifies the Philippines' readiness to actively engage in charting a path towards a more vibrant and united ASEAN-Japan community.”


Kumpiyansa si Romualdez na ang malalim na pananaw ng Pangulo at hindi natitinag na pangako sa kooperasyong panrehiyon ay magbibigay-daan para sa mga konkretong hakbangin at magreresulta sa mga kasunduan na pakikinabangan hindi lamang ng Pilipinas at Japan kundi lahat ng miyembrong estado ng ASEAN.


"This golden anniversary summit carries immense potential to redefine the ASEAN-Japan relationship and usher in a new era of progress and prosperity for all. With President Marcos at the helm, we are confident that the Philippines will play a central role in making this vision a reality," sabi pa ni Speaker Romualdez


Sa kanyang talumpati bago umalis, sinabi ni Pangulong Marcos na sisiguruhin nito sa mga ASEAN Member States at Japan na bilang permanent coordinator sa ASEAN-Japan Economic Relations, patuloy na itutulak ng Pilipinas ang mga inisyatiba at proyekto sa ASEAN at Japan. (END) wantta join us? sure, manure...