ISANG LIBONG PISONG AYUDA PARA SA BUWANANG FUEL SUBSIDY PARA SA MGA LOCAL FISHERMEN, ITINUTULAK NI REP. LEE SA KAMARA
Sinabi ni Agri partylist Rep. Wilbert Lee na nais niyang maseguro na mabigyan ng fuel subsidy ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng fuel voucher na naglakahalaga ng isang libong piso kada buwan.
Ayon sa kanya, nakapaloob sa kanyang HB08007 o ang “Pantawid Pambangka Act of 2023” na magmamando sa Department of Agriculture na pangasiwaan ang implementasyon ng monthly subsidy program.
Nakasaad din sa panukala na kailangang rebisahin ang halaga na ipinamamahagi sa mga mangingisda upang matiyak na sasapat ito sa magiging inflation rate ng bansa.
Sa kabilang malaking kontribusyon ng fishing sector, ani, Lee, nananatili paring kabilang sila sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.