20 PRIORITY BILLS NG MARCOS ADMIN, TINIYAK NI SPEAKER ROMUALDEZ NA AAPRUBAHAN NG KAMARA
Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tatapusin ng Kamara de Representantes ang 20 panukala na tinukoy sa pagpupulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) na bibigyan ng prayoridad na maaprubahan bago matapos ang taon.
(“Upon the start of the 2nd Regular Session of the 19th Congress, I together with the rest of the members of the House of Representatives w8ill continue our efforts in realizing the President’s vision to greatly improve the Philippine economy, to reduce the prices of everyday commodities, and to increase the purchasing power of every Filipino citizen,” ani Romualdez sa isinagawang pagpupulong ng LEDAC na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Rest assured that the House of the People will remain steadfast and committed to being partners of the Executive Branch to spur economic growth, alleviate poverty, augment healthcare services, and foster job creation for all Filipinos,” sabi pa ng lider ng Kamara.)
Sa 20 prayoridad na panukala, dalawa ang nasa Common Legislative Agenda (CLA)—ang panukalang amyenda sa Bank Deposits Secrecy Law at Anti Financial Accounts Scamming Act. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagpanukala na isama ang mga ito sa CLA.
Ang 18 pang prayoridad na panukala ay ang:
* Amyenda sa BOT Law/PPP Bill
* National Disease Prevention Management Authority
* Internet Transactions Act/E-Commerce Law
* Medical Reserves Corps
* Virology Institute of the Philippines
* Mandatory ROTC and NSTP
* Revitalizing the Salt Industry
* Valuation Reform
* E-Government/E-Governance
* Ease of Paying Taxes
* National Government Rightsizing Program
* Unified System of Separation, Retirement and Pension of MUPs
* LGU Income Classification
* Waste-to-Energy Bill
* New Philippine Passport Act
* Magna Carta of Filipino Seafarers
* National Employment Action Plan, and
* Amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.
Sa 20 prayoridad na panukalang nabanggit, 16 ang naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ng First Regular Session ng 19th Congress.
Ang apat na nalalabi ay ang National Rightsizing Program; Unified System of Separation, Retirement and Pension of MUPs; National Employment Action Plan at amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act.
(“Rest assured that we, in the House of People, will act on these pending three measures with careful dispatch,” dagdag pa ni Romualdez.)
Matatandaan na 42 ang prayoridad na panukala na tinukoy ng LEDAC para sa First Regular Session ng 19th Congress. Sa bilang na ito 33 na ang natapos ng Kamara.
Kinilala naman ni Romualdez ang pagsusumikap ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan subalit hindi pa umano natatapos ang kanilang trabaho.