Wednesday, June 19, 2024

22 June 2024 SCRIPT

๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ 

๐“„๐“ƒ ๐“†‰๐“…ฟ๐“ƒฐ๐“ƒŸ๐“† ๏ฃฟ


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Ilocano - naimbag na bigat

Hiligaynon - maayo nga aga

Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaoan - mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYAโ€™T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER SI FRANCEL MARGARETH PADILLA AT ANG KANYANG DEPUTY GROUP COMMANDER NA SI MAJ MARK ANTHONY CARDINOZA  / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH Pร”.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318โ€ฌ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAร‘O, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD โ€“ KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


๐†แ‹แ’แ‹แเซฎแ‹ แŽทแŽงแ’แŽดแ‹แแŽง แŽถแ’แ—แแ—



MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO โ€”โ€”- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

Speaker Romualdez, Tingog namigay ng welding kits sa mga scholars



Namigay welding kits sa may 80 scholars nitong Martes ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog partylist Rep. Yedda K. Romualdez, at Rep. Jude Acidre.


Sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), 60 scholars mula sa Saint Anthony of School at 20 scholars mula sa Xavier Technical Training Center Corp. ang nabigyan ng welding kit para sila ay magkaroon ng oportunidad na kumita alinsunod sa Special Training for Employment Program (STEP).


Ang pamimigay ng welding kit ay isang patunay ng pagiging seryoso ng Tingog partylist na matulungan ang mga Pilipinong nangangailangan upang bumuti ang kanilang kalagayan ay makatulong sa pagpapa-unlad ng bansa.


Ang distribution program ay dinaluhan nina TESDA Quezon City Representative Jerome Ignacio, at kinatawan ng Tingog partylist na si Denise Geonzon.


Dumalo rin sa pagttipon si Miesha Training Academy President April Nueda para sa distribution program sa Saint Anthony of School at si School Administrator Danica Magat para naman sa Xavier Training Center Corp.


Ang STEP ay isang community-based training initiative na naglalayong tulungan ang publiko na magkaroon ng skills na kanilang magagamit sa pagtatrabaho o pagnenegosyo. (END)


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO โ€”โ€”- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

Speaker Romualdez at kanyang Japanese counterpart nangakong palalakasin pa relasyon ng PH-Japan 


Speaker Romualdez, and Speaker Nukaga of Japan commit to deepening defense ties, expanding trilateral cooperation with U.S.



Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez and his counterpart in Japan, Speaker Fukushiro Nukaga have both committed to enhancing the defense and security cooperation between the Philippines and Japan, and expanding trilateral cooperation with the United States during a meeting in Tokyo.


โ€œOur relationship is at an all-time high with the recent signing not just of the trilateral agreement, but of our relationship, of our strategic partnership,โ€ Speaker Romualdez, the leader of the 300-plus-strong House of Representatives, said during his meeting with Speaker Nukaga.


โ€œWe thank the Japan government and the people of Japan for all the support and the assistance through the ODA and now through our official security agreement,โ€ he added.


Speaker Nukaga, during the meeting, acknowledged the close relations and cooperation between the Philippines and Japan, saying he is โ€œvery gladโ€ that the two countries have โ€œvery good bilateral relations.โ€


He said that Japan and the Philippines share the same values, and it is important to collaborate on so many areas like defense and security.


Nukaga also stated he was the head of the Japan Defense Agency twice, so he truly understands the โ€œimportance of collaboration between countriesโ€ that share the same values and democracy.


He explained that for him, the โ€œrule of lawโ€ should be the basis of security and protecting and upholding democracy, as well as securing the international order.


Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez meets with his National Diet of Japan counterpart, Speaker Fukushiro Nukaga, at the Tokyo parliamentary building before noon Tuesday to discuss various issues beneficial to the Philipines and the Filipino people. The issues include fair access to Philippine agricultural products, support for infrastructure projects under the Official Development Assistance (ODA), protection of overseas Filipino workers (OFWs), Japanese investments, and security partnerships.


Those who joined the meeting were Japan Vice-Speaker Banri Kaieda, Japan House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori, House Majority Leader Manuel Jose โ€œMannixโ€ M. Dalipe, senior Deputy Speaker Aurelio โ€œDongโ€ Gonzales Jr., Deputy Speaker David โ€œJay-jayโ€ Suarez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Navotas Rep. Toby Tiangco, House Secretary General Reginald โ€œReggieโ€ S. Velasco, House Sergeant-at-Arms retired PMGEN Napoleon C. Taas, and other House officials.


During the meeting, Speaker Romualdez noted the continuing improvements in defense and security cooperation between the Philippines and Japan. 


He said that the countryโ€™s partnership with Japan continues to strengthen, significantly enhancing the defense capabilities and overall security of the Philippines.


Japan has become a crucial source of defense equipment and capacity-building support for the Philippines, playing a pivotal role in strengthening the country's resilience and adaptive capacity against various security challenges.


A key highlight of this cooperation is the Official Security Assistance (OSA) from Japan. Signed on November 3, 2023 during Prime Minister Kishida's visit to the Philippines, the OSA grant totals JPY600 million, or roughly PHP235.5 million.


This assistance includes new Coastal Radar Systems, pending necessary approvals and clearances. These systems are expected to significantly enhance the capabilities of the Armed Forces of the Philippines by providing advanced intelligence, surveillance, and reconnaissance functionalities.


โ€œJapan has provided not only radar systems for our Coast Guard but also choppers and ships to expand our maritime assets for the Coast Guard and the Philippine Navy due to the archipelagic nature of our country and many, many miles of shoreline,โ€ Romualdez told Speaker Nukaga.


โ€œWe are most appreciative of this assistance and capacity-building that the JICA (provides). A lot of these go to the island region of Mindanao, the BARMM. It has provided a lot in ushering peace, stability and prosperity in that region. It has helped (immensely),โ€ the lawmaker from Leyte expressed.


Speakers Romualdez and Nukaga also discussed in their meeting the trilateral cooperation between the Philippines, Japan and the U.S., citing its crucial role in maintaining regional security and stability.


This comes in the wake of the successful inaugural Trilateral Summit held in April 2024 in Washington, D.C., which laid the groundwork for deepening collaboration among the three nations.


Speaker Romualdez said the Philippines recognizes that trilateral cooperation plays a pivotal role in maintaining regional security and stability, particularly in ensuring a rules-based order in the region. 


The trilateral relationship is seen as essential for addressing various security challenges and promoting a peaceful, secure, and prosperous Indo-Pacific region.


Last year, the Philippines, Japan, and the U.S. began laying the groundwork for enhanced trilateral cooperation. 


This initiative culminated in the inaugural Trilateral Summit last April, where leaders from the three nations reaffirmed their commitment to shared values such as democracy, the rule of law, human rights, and gender equality.


At the summit, President Ferdinand R. Marcos Jr., U.S. President Joe Biden, and Japanese Prime Minister Fumio Kishida explored ways to enhance cooperation in areas of mutual concern. 


These included economic resilience and security, inclusive growth and development, climate change, and maritime cooperation. 


During the meeting, Speaker Nukaga also hailed the trilateral agreement among Japan, the U.S. and the Philippines, as it is โ€œvery important to promote cooperation among the three countriesโ€ for the security, safety and stability of the region. (END)


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO โ€”โ€”- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

Speaker Romualdez, Speaker Nukaga nangakong pagtitibayin ugnayang pandepensa ng PH, Japan, plalawakin trilateral cooperation kasama ang US



Nangako sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Japanese Speaker Fukushiro Nukaga na lalo pang palalakasin ang defense at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at pagpapalawig ang trilateral cooperation ng mga ito kasama ang Estados sa ginanap.


โ€œOur relationship is at an all-time high with the recent signing not just of the trilateral agreement, but of our relationship, of our strategic partnership,โ€ ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng higit sa 300-kinatawan ng Kamara de Representantes, sa pakikipagpulong nito kay Speaker Nukaga sa Tokyo, Japan nitong Martes.


โ€œWe thank the Japan government and the people of Japan for all the support and the assistance through the ODA and now through our official security agreement,โ€ ayon pa kay Romualdez.


Kinilala rin ni Speaker Nukaga ang mabuting ugnayan at relasyon ng Pilipinas at Japan.


Aniya, ang pagtutulungan ng dalawang bansa ay magpapalakas sa ibaโ€™t ibang larangan tulad ng depensa at seguridad.


Sinabi pa ni Nukaga na dalawang ulit na naging pinuno ng Japan Defense Agency, na nauunawaan nito ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng bawat bansa na may parehong pagpapahalaga at nagtataguyod ng demokrasya.


Naniniwala rin ang pinuno ng mga mambabatas ng Japan na ang pangingibabaw ng batas ang dapat na maging batayan ng seguridad at pagtaguyod ng demokrasya, lalo na sa pagpapanatili ng pandaigdigang kaayusan.


Ang pulong nina Speaker Romualdez at Speaker Nukaga, sa Tokyo parliamentary building noong Martes ay naglalayong matalakay ang mga usaping kapaki-pakinabang sa Pilipinas at mamamayang Pilipino.


Kabilang sa mga paksang tinalakay ang pantay na access sa Philippine agricultural products, suporta sa  infrastructure projects sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA), proteksyon ng overseas Filipino workers (OFWs), pamumuhunan ng mga Hapon sa bansa, at pagtutulungang pangseguridad.


Kasama rin sa pulong sina Japan Vice-Speaker Banri Kaieda, Japan House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori, House Majority Leader Manuel Jose โ€œMannixโ€ M. Dalipe, senior Deputy Speaker Aurelio โ€œDongโ€ Gonzales Jr., Deputy Speaker David โ€œJay-jayโ€ Suarez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Navotas Rep. Toby Tiangco, House Secretary General Reginald โ€œReggieโ€ S. Velasco, House Sergeant-at-Arms retired PMGEN Napoleon C. Taas, at ilang pang opisyal ng Kamara.


Sa pulong, binanggit ni Speaker Romualdez ang patuloy na pagpapabuti sa kooperasyon sa depensa at seguridad sa pagitan ng Pilipinas at Japan.


Aniya, sa pamamagitan ng alyansa ng Pilipinas sa Japan ay patuloy na napapalakas, at nagpatitibay ang kakayahang pandepensa at pangkalahatang seguridad ng Pilipinas.


Ang Japan ay isa sa pangunahing pinagmumulan ng kagamitang pangdepensa at suporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng Pilipinas, at may mahalagang papel sa pagpapatatag ng kakayanan ng bansa na harapin ang mga hamon dito.


Ilan sa naging tampok sa kooperasyon ng bansa ang Official Security Assistance (OSA) mula sa Japan. Ito ay nilagdaan noong Nobyembre 3, 2023 sa naging pagbisita ni Prime Minister Kishida sa Pilipinas, ang OSA grants ay nagkakahalaga ng JPY600 milyon, o katumbas ng PHP235.5 milyon.


Kabilang sa tulong na ito ang Coastal Radar Systems, na naghihintay na lamang ng clearance. Inaasahan na ang mga radar system ay magpapahusay sa kakayanan ng Armed Forces of the Philippines.


โ€œJapan has provided not only radar systems for our Coast Guard but also choppers and ships to expand our maritime assets for the Coast Guard and the Philippine Navy due to the archipelagic nature of our country and many, many miles of shoreline,โ€ sabi ni Romualdez kay Speaker Nukaga.


โ€œWe are most appreciative of this assistance and capacity-building that the JICA (provides). A lot of these go to the island region of Mindanao, the BARMM. It has provided a lot in ushering peace, stability and prosperity in that region. It has helped (immensely),โ€ ayon pa sa mambabatas na mula sa Leyte.


Tinalakay din ng dalawang pinuno sa pulong ang trilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas, Japan at US na may mahalagang papel sa pagpapanatili ng seguridad at katatagan sa rehiyon.


Ito ay kasunod ng matagumpay na inaugural Trilateral Summit na ginanap noong Abril 2024 sa Washington, D.C., na naglatag ng pundasyon para sa pagpapalalim ng kooperasyon sa pagitan ng tatlong bansa.


Sinabi naman ni Speaker Romualdez na kinikilala ng Pilipinas ang mahalagang papel ng trilateral cooperation sa pagpapanatili ng seguridad at katatagan, lalo na ng pagtiyak sa pag-iral ng rules-based order sa rehiyon. 


Ang trilateral relationship ay itinuturing na mahalaga para da pagtugon sa ibaโ€™t ibang hamon sa seguridad at pagsulong ng mapayapa, ligtas at ma-unlad na Indo-Pacific region.


Noong nakaraang taon, sinimulan ng Pilipinas, Japan at U.S. ang pundasyon para sa higit pang pinahusay na pagtutulungan ng tatlong bansa.


Ang inisyatibang ito ay nagtapos sa inilunsad na Trilateral Summit noong Abril, kung saan pinagtibay ng mga pinuno ng tatlong bansa ang pagtaguyod sa pagpapahalaga sa demokrasya, rule of law, human rights, at gender equality.


Tinalakay din sa summit nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang mga paraan upang palakasin ang kooperasyon lalo na sa mahahalagang usapin.


Kabilang dito ang economic resilience and security, inclusive growth and development, climate change, at maritime cooperation. 


Sa nasabing pulong, pinuri ni Speaker Nukaga ang trilateral agreement sa pagitan ng Japan, Estados Unidos at Pilipinas sa pagpapalakas ng seguridad, kaligtasan at katatagan ng rehiyon. (END)


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO โ€”โ€”- THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES