powee US, INTERESADO SA MINDANAO RAILWAY PROJECT
Nagpakita ang Estados Unidos ng interes na suportahan ang naantalang Mindanao Railway Project ayon kay Philippine Ambassador sa US Jose Manuel Romualdez.
Ayon kay Romualdez, ang pondo para sa nasabing proyekto ay maaring magmula sa US International Development Financial Corporation (DFC).
Pinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kamakailan sa Departments of Transportation at Finance, . na tiyakin ang pondo para sa 103-kilometrong segment ng Tagum-Davao-Digos ng proyekto.
Sinabi naman ni Dotr secretary Jaime Bautista na aktibong sinusuri ng DOTr ang mga pagpipilian sa pondo.
Ayon kay Kalihim Jaime Bautista, sinusuri ng DOTr ang mga mapagkukunan ng pondo tulad ng Official Development Assistance (ODA), dayuhang pamahalaan, at pandaigdigang mga bangko.
Noong nakaraang taon, kinumpirma ni Kalihim Bautista ang paglipat mula sa Tsina bilang pagmumulan ng pondo dahil sa nakabimbin na negosasyon. Gayunpaman, tinutuloy ang Phase 1 ng MRP, kung saan ginagawa na ang land acquisition for Rights of Way at mga settlement areas para sa mga apektadong komunidad.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na mahanap ang tamang mekanismo ng pondo upang isulong ang proyekto.
Aniya, "Kung ang ambisyosong proyektong ito ay naantala dahil sa kakulangan ng pondo, ipaubaya natin sa tamang mapagkukunan ng pondo na magtutulak ng proyektong ito patungo sa finish line."
Ang inihahandang Mindanao Railway Project (MRP) ay may habang 1,544 kilometro, na mag-uugnay sa mga pangunahing lungsod tulad ng Davao City, General Santos, Cagayan de Oro, Iligan, Cotabato, Zamboanga, Butuan, Surigao City, at Malaybalay.
Inatasan din ni Pangulong Marcos ang mga kaukulang ahensya na "kumilos ng mabilis" upang mapabuti ang imprastruktura ng transportasyon, kabilang ang mga paliparan, riles, pantalan, kalsada, transportation hubs, at aktibong mga istruktura ng mobilidad, na layuning mapalakas ang konektividad ng bansa.
xxx