BPSF, nakapagpaabot ng P379M na tulong pinansyal, government services, sa may 110,000 na benepisyaryo sa Bukidnon
Mula ngayong araw hanggang bukas, magpapaabot ng P379 milyong tulong pinansyal at serbisyo ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa may 110,000 na residente ng Bukidnon
Ang Bukidnon ang ika-pitong probinsya na binisita ng BPSF para ilapit ang nasa 176 na serbisyo at programa ng nasa 58 na ahensya ng pamahalaan at inaasahang makakabenepisyo ng 110,000 na indibidwal, pinakamalaking benefiriacy base ng BPSF.
Pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa pangunahing organizer ng BPSF, ang lahat ng ahensyang nakibahagi at umaasa na magiging matagumpay ang caravan sa Bukidnon.
“Mapalad ang Bukidnon dahil isa po kayo sa mga piling lugar na napiling pagdausan ng pinakabagong programa ng ating gobyerno — ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. May ilang probinsya na rin po ang nakaranas ng ginhawa na dala ng ating Serbisyo Fair pero masasabi ko po na itong Bukidnon ang isa sa pinakamaraming beneficiaries na napadalo,” ani Speaker Romualdez sa pagbubukas ng BPSF sa Bukidnon State University in Malaybalay.
“Maraming salamat po sa pagpunta ninyo ngayon. Nagpasasalamat din kami sa lahat ng opisyal ng gobyerno at mga ahensya na nakibahagi ngayon sa pagdadala ng serbisyo sa ating mamamayan,” dagdag ni Speaker Romualdez.
Ang pagdalo ni Speaker Romualdez ay para katawanin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na nagbigay ng hamon para dalhin ang serbisyo ng gobyerno sa publiko na siyang prinsipyo sa pagbuo ng BPSF.
“Para po sa kaalaman ng lahat, naisip namin na maglunsad ng ganitong proyekto bilang sagot sa hamon ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na pabilisin ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa bawat Pilipino,” saad ng mambabatas mula Leyte
“Kasama ng Office of the Speaker sa proyektong ito ang buong kasapian ng House of Representatives kaagapay ang lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno,” sabi pa nito.
Si Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang nagsilbing host ng programa na sinuportahan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Bukidnon Gov. Neil Roque, it iba pang kongresista ng Bukidnon na sina Reps. Jose Manuel F. Alba, Jose Maria R. Zubiri Jr., at Laarni Lavin Roque.
Kasama rin na sumaksi sa programa sina Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora, Davao del Norte Rep. Alan Dujali, at Davao Oriental Reps. Nelson Dayanghirang, at Cheeno Almario.
Kabilang sa mga serbisyo ang province-wide payout ng 22 LGUs ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan inaashaang higit sa is 53,000 na indibidwal ang makakatanggap ng kabuuang P105 milyon na tulong pinansyal.
Ilan pa sa tulong na ikinasa ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa ilalim naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na seserbisyuhan ang mg 4th hanggang 6th-class na munisipalidad.
“Bilang lider ng Kongreso, alam po namin na marami sa inyo ang nahihirapang makakuha ng mga serbisyong kailangan ng inyong mga pamilya. Sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, layunin namin na hindi lamang mapadali, kundi mas mapalawak pa ang pagpapa-abot sa ninyo sa lahat ng serbisyong laan ng gobyerno,” sabi ni Speaker Romualez.
“Sa bawat lugar na mapupuntahan ng Serbisyo Fair, asahan ninyong makakatanggap kayo ng ayuda, impormasyon, at gabay sa lahat ng problemang kinakaharap ninyo kaugnay sa kalusugan, edukasyon, hanapbuhay,at marami pang iba,” wika pa niya
Unang isinagawa ang pilot test ng BPSF sa Biliran at kalaunan ay sabayang inilunsad sa Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte at Davao de Oro noong Setyembre. Bago sa Bukidnon, huling binista ng BPSF ang Laguna.
Umaasa si Speaker Romualdez na mabisita ng serbisyo caravan ang lahat ng 82 probinsya at maabot ang nasa 2 milyong benepisyunaryo.
Ang nga benepisyunaryo sa mga bibisitahing probinsya ay magkakaroon ng access sa social services; health at medical support; livelihood at educational assistance; serbusyo ng regulatory functions; at iba pang bureaucratic services para sila bigyang kapasidad.
“Hinihikayat namin kayo na sabihan ang inyong mga kaibigan at mga mahal sa buhay na antabayan ang pagdating ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa kanilang lugar at samahan kami sa pagtutulungan para mapabuti ang kalagayan ng mamamayang PIlipino. Sama-sama, babangon po tayong muli,” pahayag ni Speaker Romualdez