UPGRADED FORECAST NG WB SA PAGLAGO NG PILIPINAS, MALUGOD NA TINANGGAP NI SPEAKER ROMUALDEZ, TINUKOY ANG PAGKAKAISA NG EHEKUTIBO-LEHISLATURA BILANG PANGUNAHING DAHILAN
Malugod na tinanggap ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Huwebes ang pinakahuling forecast ng World Bank. na nagsasaad na ang ekonomiya ng Pilipinas ay napipintong mabilis na lumago kesa inaasahan ngayong taon, at binanggit na ang nagkakaisang pagsisikap ng Ehekutibo at Lehislastura na sangay ng pamahalaan ang pangunaihing dahilan, sa tagumpay ng malakas na ekonomiya ng bansa.
Ayon sa World Bank, inaasahang lalago ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ng 6.0 porsyento ngayong taon, na nagtataas sa dating mga forecast na 5.4 porsyento noong Disyembre at 5.6 porsyento noong Abril.
“This upgraded forecast reinforces the positive trajectory of the Philippine economy and demonstrates that we are on the right track towards recovery and progress. It is a testament to the resilience of our people, the dynamism of our businesses, and the stability of our economic fundamentals,” ayon kay Speaker Romualdez.
“The comprehensive and inclusive economic agenda of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr., as well as the collaborative efforts between the Executive and Legislative branches, have proven fruitful in fostering an environment conducive to growth,” dagdag niya.
Pinuri rin ni Speaker ang nagkakaisang pagsisikap ng mga tagapamahala ng ekonomiya ng bansa, mga mambabatas, at lahat ng mga nagsusulong na tumulong sa positibong kaunlaran ng bansa.
Gayundin, binigyang-diin niya na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nanatiling nakatuon sa pagpasa ng mga kinakailangang lehislasyon, na naglalayong mas paigtingin ang daloy ng paglago ng ekonomiya, para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.
“As the House amply demonstrated, we remain committed to implementing policies that will further stimulate economic activity, attract investments, and generate employment opportunities for our fellow Filipinos,” ani Speaker Romualdez.
“We will not allow any distraction to derail our efforts at finding appropriate and timely solutions to the problems affecting the lives of our people,” dagdag niya.
Nagtala ang Kapulungan ng malakas na pagtatapos ng First Regular Session ng ika-19 na Kongreso, sa pag-apruba ng 33 sa 42 panukala na nakatala bilang prayoridad na panukala ni Pangulong Marcos, na pinagtibay ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pamumuno ni Speaker Romualdez, nakapagproseso ang Kapulungan ng kabuuang 9,600 panukala, na kinabibilangan ng 8,490 House bills, 1,109 resolutions at isang petisyon. #
PSE MAGKAKAROON NG MALAKING PAPEL SA PAGLIKHA NG MAS MARAMING OPORTUNIDAD SA NEGOSYO AT TRABAHO SA PAMAMAGITAN NG MIF, AYON KAY SPEAKER ROMUALDEZ
Ito ang pahayag ni Speaker sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng PSE Event Hall at seremonya sa mga inaalok ng Ayala Corporation sa PSE Tower sa Bonifacio Global City, Lungsod ng Taguig.
Binati ng Speaker ang mga taong nasa likod ng PSE para sa isa pang tagumpay sa kasaysayan nito, at pinanindigan ang paniniwala ng Kapulungan sa merkado ng pamuhunan, at ang mahalagang papel nito sa pag-ahon ng ekonomiya ng bansa at pag-unlad.
“Our strong belief in the important role of capital markets in supporting the national development agenda is also the driving force behind our proposed establishment of the Maharlika Investment Fund,” ayon kay Speaker Romualdez.
“The corporation that will be created to manage the Maharlika Investment Fund will invariably look to the PSE in its search for blue chip investment opportunities, from which handsome dividends may be generated – dividends which shall be channeled to fund the government’s strategic social programs towards the achievement of the nation’s larger development goals,” dagdag niya.
Matatandaang inaprubahan ng Kapulungan sa pamamagitan ng mayoryang boto ang panukalang Maharlika Investment Fund noong Disyembre ng nakaraang taon.
Inaasahan na maipapasa ng Senado ang sarili nitong bersyon ng panukala bago ang adjournment ng Kongreso ngayong linggo, matapos na sertipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang panukalang ito bilang urgent.
“There is a compelling need for a sustainable national investment fund as a new growth catalyst to accelerate the implementation of strategic and high-impact large infrastructure projects that will stimulate economic activity and development,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang mensahe sa Senado, nang sertipikahan niya ang Maharlika Investment Fund bilang urgent.
Sinabi ni Speaker Romualdez na naniniwala ang Kapulungan na merkado ng pamuhunan ang dahilan kung bakit ang kauna-unahang panukalang inihain sa ilalim ng ika-19 na Kongreso ay isang panukala na naglalayong magbigay ng tulong sa mga negosyo upang makabawi mula sa epekto ng pandemya.
Ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery, o GUIDE, ay isa sa 31 na panukalang inaprubahan ng Kapulungan mula sa 42 prayoridad na panukala ng administrasyong Marcos, na tinukoy sa ilalim ng Legislative Executive Advisory Council (LEDAC).
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagsusulong para amyendahan ang mga mahihigpit na probisyon ng 1987 Konstitusyon ay bahagi ng pagsisikap ng Kapulungan upang mas maitaas pa ang kontribusyon ng pribadong sektor sa pambansang kaunlaran.
Sinabi niya na ang inagurasyon ng PSE Events Hall ay isang katibayan ng katatagan at pagpapagaan ng Exchange, na kagyat na makaangkop na makita at makakuha ng mga oportunidad sa nagbabagong kalagayan sa mga usapin, na bumabanggit sa kanilang mga hakbang sa online trading para makaangkop sa mga hamon dulot ng pandemya ng coronavirus.
“I am glad to see that the people behind the PSE are not resting on your laurels and are still exercising your entrepreneurial mindset with this latest endeavor. I am certain that the PSE Events Hall will soon be the venue for many groundbreaking business offerings,” ani Speaker Romualdez.
“We hope that the PSE and the business sector as a whole is one with the House of Representatives as we push for these and other strategic legislative initiatives, knowing that the advancement of the marginalized sectors of Philippine society not only leads to greater returns but more importantly, ensures a bright future for all Filipinos,” dagdag niya.
Pinasalamatan ni PSE President at CEO Ramon Monzon si Speaker Romualdez sa kanyang suporta sa pagsusulong ng merkado sa pamuhunan ng bansa, at binanggit ang pangangailangan sa mga bagong produkto at mga aktibong regulasyon para mapahusay ang daloy ng pamuhunan.
“Speaker Romualdez, who is a very market-savvy individual, has generously offered to sponsor whatever legislation needed to help bring our market back on its growth trajectory,” ani Monzon, at idinagdag na nakikipag-ugnayan ang PSE sa Tanggapan ng Speaker para sa layuning ito. #
Xxxxxxx
kinatigan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Defense secretary Gilberto Teodoro Jr. at Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa.
tiwala si Romualdez na ang mayamang karanasan sa defense at health nina Teodoro at Herbosa ay daan para mas lumakas at maging epektibo ang gabinete ni Pangulong Marcos.
Para kay Romualdez, ang pagtalaga kina Teodoro at Herbosa ay nagpapakita na pinipiling mabuti ni Pangulong Marcos ang mga pinakamahuhusay para maging katuwang nya sa paglilingkod sa mamamayan.
diin ni Romualdez, mataas ang kaalaman nina Teodoro at Herbosa sa kanilang mga tungkulin.
Mahalaga din para kay Romualdez na paiiralin nina Teodoro at Herbosa ang
civilian perspective sa defense and health sectors.
####
Xxxxxxc
Pinasalamatan ni Pang. Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr., ang Kamara sa pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagpasa ng National Land Use Bill, na kabilang sa mga priority measure ng administrasyon.
Ayon kay House Speaker Romualdez, ginawa ng Pangulo ang pahayag sa grand launching ng Pier 88 sa Liloan, Cebu, kamakailan.
Dito pinunto ani Speaker ni PBBM ang malaking maitutulong ng panukala sa pag unlad ng bansa, partikular na sa Cebu.
binanggit din ani Romualdez ng punong ehekutibo ang kahalagahan ng national land use policy para pangasiwaan ang lahat ng national and local government development projects.
Kabilang si Speaker Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na kasama ni Pang. Marcos sa grand launching ng Pier 88.
wantta join us? sure, manure...