Tuesday, January 24, 2023

MATAGUMPAY NA PAGDALO NINA PBBM AT SPEAKER ROMUALDEZ SA WEF, PINAPURIHAN NI CONG BARBERS

Pinuri ni Sirugao del Norte Rep Robert Ace barbers ang matagumpay na pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ni House Speaker Martin Romualdez sa 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland kamakailan.


Sinabi ni Barbers na ipinapakita lamang ng presensya ni Speaker Romualdez ang pagkakaisa ng pamahalaan upang makahikayat ng mas maraming foreign investments na magpapanatili sa economic growth momentum ng bansa.


Naniniwala ang solon na naging madali ang paghikayat ni Pangulong Marcos sa mga foreign businessman na maglagak ng puhunan sa Pilipinas dahil sa nakitang unity sa bawat opisyal ng gobyerno na kasama sa Philippine delegation.


Dagdag pa ng kongresista, walang negosyante na nasa matinong pag-iisip ang mamumuhunan sa isang bansa na wasak at walang maayos na pamumuno.



wantta join us? sure, manure...