Thursday, March 30, 2023

SPEAKER ROMUALDEZ, AAKTONG CARETAKER NG 3RD DISTRICT NG NEGROS ORIENTAL HABANG SUSPENDIDO PA REP ARNIE TEVES

Si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang aaktong caretaker ng Negros Oriental third district sa loob ng dalawang buwan habang suspendido ang kinatawan nito na si Congressman Arnolfo "Arnie" Teves Jr.


Ito ay nakasaad sa Memorandum Order No. 19-017, na inilabas ng Kamara de Representantes na may petsang March 23, 2023, at pirmado ni Speaker Romualdez.


Nakasaad sa memorandum na ang naturang hakbang ay para sa intres ng mamamayan ng Negros Oriental third district.


Ang suspensyon kay Teves ay inirekomenda ng  House Committee on Ethics and Privileges dahil sa kabiguan nitong bumalik sa bansa at sa kanyang trabaho kahit napaso na ang kanyang travel authority noong March 9, 2023.


Katwiran ng Committee, marapat patawan ng disciplinary action ang patuloy na kabiguan ni Teves na gampanan ang kanyang trabaho bilang miyembro ng Kamara dahil ito ay mali at ito ay nakakaapekto sa dignidad, integridad at reputasyon ng Kapulungan.


Si Teves ay sangkot din sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

#######wantta join us? sure, manure...