Friday, January 05, 2024

Nanindigan si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na dapat ibuhos ng gobyerno ang lahat ng pagsisikap sa pagpapababa ng presyo ng bigas.


Reaksyon ito ni Salceda sa paghupa ng inflation rate sa 3.9 percent nitong buwan ng Disyembre na pareho umano ng kanyang projection na nasa 2 to 4 percent target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2023.


Bumilis aniya sa 19.6 percent ang pagtaas ng presyo ng bigas habang ang ibang commodity prices ay kontrolado na.


Inihalimbawa ng kongresista ang 12.2 percent na inflation rate sa mga prutas na maiuugnay sa "seasonal consumption" sa kasagsagan ng Pasko, habang ang corn inflation ay "negative" at 0.2 percent lang ang inflation sa karne.


Iginiit din ni Salceda na tumataas na naman ang presyo ng bigas sa world market kaya kailangang tumutok ang gobyerno sa iba't ibang import sources at pagpapalakas sa local harvest.


Kabilang sa mga dapat ikonsidera ay ang Myanmar kung saan maaari umanong makipagnegosasyon na i-exempt ang Pilipinas sa rice export ban.


Ikinalugod naman nito ang tariff rates na ipinataw ni Pangulong Bongbong Marcos para sa non-ASEAN rice imports sa 35 percent mula sa dating 50 percent.


Dagdag pa ni Salceda, isa sa diplomatic solutions ang pag-apela sa multilateral institutions tulad ng Asian Development Bank upang magkaloob ng financing assistance sa rice-producing countries upang maibsan ang political at economic pressure na naglilimita sa exports. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez: Maharlika fund makatutulong para matiyak maayos na suplay ng kuryente, pinaiimbestigahan power outage sa W. Visayas



Sa gitna ng nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas, nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makatutulong ang Maharlika Investment Fund (MIF) upang makapagtayo ng mga kinakailangang imprastraktura para matiyak ang maayos na suplay ng kuryente sa bansa.


Kasabay nito, nanawagan ng imbestigasyon si Speaker Romualdez sa naganap na power outage sa Western Visayas na nagsimula noong Enero 2 at nagtagal ng ilang araw upang mahanapan na ito ng solusyon.


“This event has highlighted critical issues in our power infrastructure, impacting numerous businesses, industries, and the daily lives of our citizens,” ani Romualdez.


Nagpahayag ng pangamba si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa kawalan umano ng aksyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang matugunan ang problema. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano tapos ang paglalagay ng transmission lines na mag-uugnay ng suplay ng kuryente ng Cebu, Negros at Panay Grid.


“Given these challenges, I propose that the Maharlika Investment Corporation considers investing in the NGCP. This strategic investment could provide essential capital for infrastructure upgrades and help in lowering the cost of electricity for consumers,” sabi ni Speaker Romualdez.


“Such involvement could lead to improved efficiency, economic growth, enhanced energy security, support for renewable energy integration, and increased accountability in NGCP’s operations,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Iginiit din ni Speaker Romualdez ang sama-samang hakbang ng iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission (ERC) upang hindi na maulit ang power outage.


“I also urge the ERC and the NGCP to conduct a thorough investigation into the cause of this outage. Identifying and addressing the root causes is essential to prevent future occurrences and ensure a stable power supply. The involvement of the Maharlika Investment Corporation could be a significant step towards achieving a reliable, efficient, and sustainable energy infrastructure,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


Sinabi ni Romualdez na nararapat lamang na magkaroon ang mga residente ng Western Visayas ng sapat at maaasahang power infrastructure at susuportahan umano niya ang mga hakbang upang makamit ito. 


“The government is committed to working closely with all stakeholders during this challenging time. Our united efforts are vital in overcoming these challenges and ensuring the well-being and economic growth of the region,” saad pa ni Speaker Romualdez. (END)

Pagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa nangyaring black out sa Panay Island inapela sa ERC at NGCP 


Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez  ang Energy Regulatory Commission o ERC at National Grid Corporation of the Philippines  o NGCP na mabusising  imbestigahan ang dahilan ng nangyaring power outage sa Isla ng Panay at ilang bahagi ng Western Visayas simula nitong ikalawa ng Enero.


Naniniwala ang lider ng kamara na ang pagtukoy sa ugat ng malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente  ay mahalaga  upang maiwasang maulit pa ang naturang pangyayari sa hinaharap.


Giit ni Romualdez , nararapat lamang mabigyan ng matatag at maaasahang power infrastructure  ang mga residente ng Iloilo at Western Visayas 


Mababatid na una nang  iminungkahi ng House Speaker na mamuhunan ang  Maharlika Investment Corporation sa NGCP na aniya’y makatutulong tungo sa pagkamit ng maaasahan, mahusay, at napapanatiling energy infrastracture wantta join us? sure, manure...

Pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation sa NGCP, iminungkahi ng House Speaker


Inirekomenda ni House Speaker Martin Romualdez kasunod ng  blackout sa isla ng Panay at ilang  probinsya sa Western Visayas ang pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).


Ayon kay Romualdez,  ang naturang pamumuhunan ay maaaring magbigay ng mahalagang kapital para sa pag-upgrade sa  mga  imprastraktura at makatutulong sa pagpapababa ng halaga ng kuryente.


Naniniwala ang lider ng kamara na ang  ganitong pakikilahok ay magpapahusay  , magpapalago ng ekonomiya, seguridad sa enerhiya, suporta para sa renewable energy integration, at magpapataas sa  pananagutan sa mga operasyon ng NGCP.


Kung maalala nitong January 2  nagsimula ang power outage  sa Iloilo City at western visayas  na lubhang nakaapekto sa  maraming negosyo, industriya at buhay ng mga residente  wantta join us? sure, manure...

Kasado na sa susunod na linggo, Enero a-11, ang pag-dinig ng House Committee on Energy patungkol sa malawakang black out sa Panay Island.


Ayon ito sa ibinahaging Notice of Meeting ni Iloilo City Rep. Julienne "Jam" Baronda mula sa naturang komite.


Aniya, hiniling niya at ng iba pang kongresista sa House leadership na masilip ang panibagong problema sa kuryente sa kanilang lalawigan.


Mayroon na aniya resolusyon ang Iloilo lawmakers para magsagawa ng pormal na pagsisiyasat ukol dito, ngunit dahil naka-break pa ang Kongreso, ay itutuloy na lang ng Committee on Energy ang nauna nitong imbestigasyon kaugnay sa power interruption sa probinsya na naganap noong April 2023.


Maigi aniya ito upang mas mabusisi ang isyu at mapanagot ang mga responsable.


Malaki naman ang pasasalamat ng mambabatas kay Speaker Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang chair ng Komite sa positibong tugon sa kanilang hiling.


#wantta join us? sure, manure...