MATAAS NA SUWELDO AT DAGDAG NA BENEPISIYO SA MGA BARANG HEALTH WORKERS, HINILING NG ANAKALUSUGAN SA KAMARA
Kasunod ng paggunita sa Labor day kahapon, isinulong ni AnaKalusugan partylist Rep Ray Reyes ang mataas na sweldo, dagdag mga benepisyo ang mga barangay health workers o BHWs na syang nangunguna sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad.
Sa HB01829 o Magna Carta for Barangay Health Workers na kayang inihain at kasunod ng selebrasyon ng Labor Day, iginiit ni Reyes na katulad ng mga manggagawa ay kailangan ding ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng mga BHWs kagaya ng ibang professionals sa healthcare sector.
Ayon kay Reyes, matagal ng isyu na hindi sapat ang benepisyong nakukuha ng ating mga BHWs gayong nararapat silang mabigyan ng karampatang suporta kapalit ng serbisyo na iniaalay nila sa ating mga kababayan lalo na sa kanayunan.
Nakapaloob sa panukala ni Reyes ang mga insentibo para sa mga BHWs sa buong bansa, tulad ng hazard allowance, transportation allowance, subsistence allowance, one-time retirement cash incentive health benefits, insurance coverage, gayundin an bakasyon at maternity leave.
Itinatakda din ng panukala ang pagkakaloob ng oportunidad at pagpapahusay sa kakayahan ng mga BHWs sa pamamagitan ng pagsasailalim sa kanila sa iba't ibang educational programs at scholarship.